Bus
"Huwalangyang babaeng 'yun!"
Gigil na gigil si Uniece ngayon matapos kong ikwento ang tungkol sa napag usapan namin ni Hannah. It's been three days at ngayon ko lang to nasabi kay Uniece. Sobrang busy niya kasi sa production nila.
"Uy pero bet ko 'yung lalandiin mo si Brix ha!" Ngumisi ito at parang bipolar sa bilis magpalit ng emosyon. Kinikilig pa talaga amp.
I rolled my eyes and then sipped my Coffee. Nandito kami ngayon sa isang mamahalin na coffee shop. I suggested Uniece an uncrowded place, at dito niya ako dinala. Malayo ito sa school at okay lang din naman at least wala akong nakikitang schoolmates namin. Konti lang ang tao dito at kadalasa'y mga naka business attire. Libre naman ito ni Uniece kaya bahala siya.
"What should I do first?" I nonchalantly asked. Nakatitig lang ako sa kawalan.
"Ewan ko, maybe add him in his social media account? Ano ka ba naman girl! Keri mo na 'yan!"
I pouted, "Paano ba lumandi."
Biglang natawa ng malakas si Uniece. "Omg I'm sorry... I just can't believe na nanggaling yang tanong na yan sa bibig mo."
Sumimangot ako. Of course I know how to flirt! I maybe NBSB but I had tried flings and MUs. Nag do-doubt lang talaga ako kung kaya ko ba talagang makuha ang loob ng Brix na 'yun. He's too much for me. At parang ang suplado pa! For sure hindi iyun friendly kaya mahihirapan lang ako lalo. And he seems like uninterested in lovelife!
At isa pa, iba ito ngayon! I'll be doing the first move! Parang it makes me feel like less of a woman.
"Hoy girl I can almost hear your thoughts!"
Lumingon ako sa kanya. Nakahalukipkip ang mga braso nito habang kritikal akong pinag mamasdan.
"Cali, it's not like you wanted to have a sex with him! Kalma, kukunin mo lang naman ang loob!"
Napatitig ako sa kanya dahil may punto siya roon.
"right.. "
"Do some research girl. Mag google ka! How to make a guy fall inlove! Mga ganun!"
Ngumiwi ako sa suggestion niya.
"May cellphone number ka ba niya?"
Nagulat ito sa tanong ko at agad namang nakabawi kaya ngayo'y nag ngising aso na.
"Omg hindi kami friends nun noh! But we have common friends I can get his number." She winked at me.
"Nevermind, I'll just add him in social media. What's his full name? Or alam mo ba name niya sa fb?"
Bigla itong tumahimik at parang may iniisip. "I think it's just Brix Suizo. Hindi ata 'yan active user eh, nakikita ko lang name niya sa mga pictures na naka tagged siya.
Biglang tumunog ang cellphone ni Uniece kaya napatingin din tuloy ako sa cellphone niyang umiilaw na nakalapag sa table.
"Yes hello?"
"What? Ughhh kakatapos lang ng production ah!"
Pinagmamasdan ko lang si Uniece habang sinasagot ang tawag.
"Ugh Cali, I have to go. My urgent meeting eh. Babalik ako sa Mall."
"Ah ganun ba. Sige sabay nalang tayong lumabas"
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko.
"Are you going home na ba? Opposite kasi yung way natin. Maghintay ka nalang dito tapos pababalikin ko dito si manong to drive you home."
![](https://img.wattpad.com/cover/221854431-288-k155489.jpg)
BINABASA MO ANG
Swap
Ficción GeneralOnce upon a time, there was a girl named Cali who went to a bar for her friend's birthday celebration. There she met a creepy bartender who smiles at her from time to time and a drop-dead gorgeous male stranger with who she had a drink. Little did s...