Chapter 4

17 1 0
                                    

Mess

Papasok palang kami ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga tao. Medyo crowded ngayon dahil friday. Nandito na kami ngayon sa Moonlight. This bar is kind of huge, may dalawa itong palapag at malawak na parking lot sa harapan. Hindi pa kami nakakapasok ay may nakasalubong agad si Uniece na kakilala.

"Oh Uniece!"

"Amanda!"

Nagbeso silang dalawa at nagkamustahan. Wala tuloy akong magawa dito sa gilid kundi ang pag masdan lang silang mag-usap.

"Who's with you?"

Tanong nitong kausap ni Uniece sabay tingin sa akin.

"Ah my bestfriend!"

Pagkatapos akong ipakilala ni Uniece ay dumiretso na kami sa loob.

Nang makapasok kami ay sumalubong sa amin ang disenyo nito na mga bituin na naka palibot sa buong bar. Ang kisame at dingding nito'y napuno. Nag go-glow in the dark ito kaya maliban sa disco ball, ito na rin ang nagbibigay ng liwanag dito sa loob.

Nilibot ko ang paningin ko at para akong nag e-stargazing. Malayo ito sa downtown kaya minsan lang ako nakakapunta dito. Pang tatlong beses ko palang ata ngayon. Kadalasan kase sa Centro lang kami ng syudad nag ba-bar ni Uniece.

Uniece is wearing a baby doll dress, nadepina tuloy ang cleavage nito. Kulay Maroon ito na mas nagpatingkad kanyang maputing balat. While me is wearing a plain-black BodyCon dress. Pinartneran ko ito ng color black din na high heels. Nilugay ko lang ang aking natural na wavy-hair para madepina ang brown nitong kulay. My hair color is one of my assets. Salamat sa Amerikano naming lolo ni Hannah.

Someone is waving at us in the vip tables. Agad namang kumaway itong si Uniece. Grabe sobrang dami talaga ng circle of friends nitong si Uniece, kung tatakbo itong kagawad, paniguradong mananalo 'to!

"Hey!"

'Hey' nalang ang narinig ko na bati ni Uniece ng makalapit kami sa babaeng kumakaway kanina. Hindi na kasi nagkakarinigan dahil sa ingay. Kailangan pang lumapit ni Uniece sa tainga niya para lang marinig siya.

Binigyan kami ng shot glass nitong kaibigan ni Uniece. Ngumiti ito sa akin bago muling umupo sa couch katabi ng lalakeng familiar sa akin dahil ito yung kausap ni Uniece sa 7/11 . Nginitian ako nito kaya nginitian ko rin ito pabalik. Mag jowa ato to silang dalawa.

Napatingin ako sa table namin at nakitang familiar halos lahat sa akin. They are Engineering students from our school. Na agaw din ang tingin ko sa kabilang table at na-realize na ang dami pala nila. Pati sa kabilang table ay mga CE students din. Di nga lang familiar sa akin ang iba.

Lumipas ang ilang minuto at hindi ko parin nakikita ang hinahanap ko! Where is he?

"Hindi mo parin nakikita?"

Ani Uniece na inilapit pa ang bibig sa tainga ko para marinig siya.

"Try to ask your friend?"

Suggestion ko kay Uniece. Hindi rin sigurado kung dapat ba niyang itanong baka kase pagdudahan pa siya.

"I think there's no need."

I saw Uniece smirked. Nakatingin ito sa harapan sabay lagok ng kanyang tequila.

Napaangat din ako ng ulo para sundan ang kanyang tinitingnan. Napainom din tuloy ako sa hawak kong alak.

Paupo na ngayon si Brix sa couch na nasa harapan ko lang!
Nakasuot lang ito ng gray na sweatpants at plain black V-neck.   Suot niya rin ang Cartier niyang relo. Kahit madilim alam kong yan 'yong nakita ko sa bus.

SwapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon