Gumising ako nang napaka aga para magayos.
Isa din to sa problem ko dito. Dahil nga kahit naka isang buwan na ako dito hindi din ganon kadami ang damit ko. Lalo na yung mga pang formal. Kaya wala akong nagawa kundi isuot nalang ang dala dala ko na pencil skirt na black at simpleng asul na longsleeves. Medyo alinlangan pa nga ako dahil sobrang ikli nito at kurbang kurba ang balakang ko dito.
Hindi ko naman maipagkakaila na kahit ganon ang nangyari sakin ay ganto parin ang hugis ng katawan ko. Napangisi naman ako dahil dito, kung titignan ko ang itsura ko ay sariwa pa naman ako. May asim pa! haha.
Kahit ang asul ko na blouse ay mahikip sakin. Kurbang kurba ang harap ko rito pero binalewala ko na lang ito dahil wala naman akong ibang damit.
Manipis lang ang make up na nilagay ko dahil wala din naman akong ibang gagamitin. Kaunting kilay at lip tint lang ang nilagay ko at kinuha na ang Resume ko na pinaprint ko lang sa tapat nitong apartment na inuupahan ko.
Ilang lakad lang naman ang convenient store napagaaplayan ko. Nagtataka lang ako dito kung bakit sobrang luma na pero may kaonting tao padin na namimili.
Nagkibitbalikat nalang ako at pumasok. Unang nahagip ng mga mata ko si Yeisha na kumakain ulit. Isang malaking ngiti naman ang binungad niya sa akin.
"Uy sis! Nandito kana! Papunta na ang mga boss upo kana lang dyan sinabi ko sakanila na may mag a-apply kaya wait ka lang dyan!" Masaya niyang sabi sakin. Natawa naman ako sa sinabi nya. Medyo matanda siguro siya sakin ng 1 o 2 taon.
Nakita ko naman na may humintong marangyang sasakyan sa harap nang convenience store at napatingin ako kay Yeisha na abala na sa pagliligpit.
Baka ayan na nga ang mga may-ari!
Inayos ko ang damit ko dahil medyo may gusot narin ito at napatalon nang upuan dahil may sumigay sa pintuan.
"Goodmorning my Sunshine!" Sigaw nang isang lalaking dumating na mahaba ang buhok at nakatali ito. Parang pakiramdam ko nasa harapan ko si Adonis sa sobrang gwapo nang isang to.
Umismid naman at ngumuso si Yeisha nang madatnan nya kung sino ang tumawag sakanya no'n.
"Nandyan yung maga-apply kasama ko. Umayos ka Jurgen ha! Nasaan na si Jason tska Mason?" Takang tanong niya.
"Nandyan na yun chill ka lang. Aba, aga aga sungit sungit mo na sa akin. Kelan mo ba talaga ako kakausapin ng maayos?" Tanong nung Jurgen na pinangalanan ni Yeisha kanina.
Kumaway lang sakin si Jurgen at tinuon na ang buong attention niya kay Yeisha. Natatawa nalang ako dahil kitang-kita mo naman na gusto din niya ito at pigil na pigil lang ang mga kilig.
Hindi rin nagtagal ay may pumasok na dalawang lalaking ikinaluwa ng mata at panga ko.
Kakaiba.
Parang ngayon lang ako nakakita nang gantong kaperpekto na mukha.
Yung matangos niya na ilong, may pagkaberde na mga mata, ang pangang naka igting, at higit din na mapapansin mo ay ang tindig ng katawan nito.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang balingan niya ako ng titig. Tumikhim ako at naglahad ng palad.
"I'm Anne Dela Martel, Maga-apply sana ako na cash-" Hindi ko na natapos ang sa sabihin ko dahil napansin ko ang pagkakunoot ng mga nuo nila sa akin.
"M-may problema na?"
"Dela Martel? Di ba Reed sila yung kau-" May sa sabihin pa sana yung katabi n'yang lalaki ng tinignan lamang siya nito nang masama.
"A-ah ako pala si Mason, Mason Florez Villanueva." Natatawang sambit nito.
YOU ARE READING
HOPE.
Romance« where did we go wrong? I know we started out alright. » Meet Anne Dela Martel and Jason Reed Florez. 2 different people with same pains, dreams, and love. How will fate play it's role if one of them is too stubborn to believe that there is still a...