Nakakainis! nakakainis! Hindi mawala ang ngisi ni Yeisha sakin simula nung dumating kami ni Reed sa store. Sino ba naman kasing empleyadong hatid sundo ng boss nila dba? Binalewala ko nalang ang mga patingin tingin sakin ni Yeisha.
Dapat naka out na siya pero dahil gusto niya ng chismis ay ayaw pa nito umuwi!
"Ano ba kasi talaga kailangan mo?" Tanong ko sakanya at ngumisi.
"Ikaw umamin ka nga sakin! Crush mo si Reed no?" Sumulyap naman ako sa magpi-pinsan na nakaupo sa labas ng store. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Reed at ngumisi siya ng bahagya at napaiwas nalang ako ng tingin.
Putek ang gwapo! Pero hindi ko padin mawari kung ano yung naramdaman kong comfort nung umiiyak ako kanina.
"Hindi no! Ano ka ba, magkaibigan lang kami." Ngiti kong sagot kay Yeisha.
"Alam mo dapat lang! Wag kana dumagdag sa mga babaeng napaiyak nang magpipinsan na yan! Kaya alam mo kahit anong pagpapacute sakin ni Jurgen hindi ko mapatulan ABA malay ko ba mamaya may ibang babae yan!" Simangot ni Yeisha.
Papalapit na ang magpi-pinsan samin kaya hindi nanaman ako mapakali dahil naghuhurumentado nanaman ang sistema ko dahil kay Reed. Natural ba talagang may ganyan kagwapo? Ganyang ka perfect ang mukha? Bakit ganon? Ang unfair!
"Yei, out kana? Tara hatid na kita." Ngiting bati ni Jurgen kay Yeisha. Umirap nalang ito at lumabas. Sumunod naman at bumuntot si Jurgen sakanya.
Natawa naman si Mason at umalis.
"Paano na 'yan tol? Alis na ako. May kailangan lang akong puntahan." Aniya ni Mason. Tumango naman si Jason at nag fist bump ang dalawa.
Kumaway naman sakin si Mason, ngumiti nalang ako sakanya at kumaway.
Nabaling ang tingin ko kay Reed ngayon na nakasimangot.
"Oh bakit nakasimangot kana dyan?" Sita ko sakanya habang inaayos ang kaha.
"Don't smile with just anyone. Masyado ka nama'ng galante sa ngiti sakanila." Sabi niya sabay umirap.
"Paano naman kasi akala mo naman araw araw kang meron, yung totoo Jason sino sati'ng dalawa ang babae? May dalaw kaba ngayon at kahit ngiti hindi mo mabigay?" Pagaakusa ko sakanya habang natatawa.
Natatawa talaga ako sa mga titg niyang kulang nalang may lumabas na apoy sa mata niya. Pasensya nalang siya at hindi ako tinatablan niyan 'no! Never!
Sa dami rin nang bumili at hindi ko na namalayan na pasado alas tres nanaman ng madaling araw at inaantok nanaman ako. Pero dahil hindi pwede antukin kinuha ko ang baon ko at pagkain na binaon ko kay Jason at ininit to. Nakakagutom.
"Jason... jason..." Yaya ko sakanya dahil kahit sobrang pormal ng itsura niya, naka suit and tie ay naglalaro lang naman ito sa cellphone niya.
"What?" Sagot niya hindi padin tumitingin sakin.
"Kain na tayo.." Sungit talaga! Kainis!
"Kainin kita dyan eh!" WHAT THE? ABA! Hindi ka lang pala gwapo, manyak din pala!
"H-ha??! H-hoy umayos ka h-ha!" Utal kong banat sakanya. Inismiran ko nalang siya at kumain.
"Siguraduhin mo'ng masarap 'to ha? Kundi sisanti ka sakin." Ngisi niyang sambit.
Umirap ako sakanya at kumain. Okay hinga Anne, hinga. Pakita mong hindi ka naaapektuhan, pakita mo na okay lang.
"Nga pala, eto oh." May binigay naman siya sakin na paper bag. Sinilip ko naman ito at isang black dress. May lace siya na nagsilbing sleeves nito. Medyo see-through din kaya medyo nagpula ang pisnge ko. Ano meron?
YOU ARE READING
HOPE.
Romance« where did we go wrong? I know we started out alright. » Meet Anne Dela Martel and Jason Reed Florez. 2 different people with same pains, dreams, and love. How will fate play it's role if one of them is too stubborn to believe that there is still a...