6

5 0 0
                                    

Gabi nadin nung nakauwi kami galing mall ni Jason. Nandito ako ngayon sa guest room, hindi ako makatulog namamahay siguro.


Dahil sa kadahilanan na hindi ako makatulog napag desisyunan ko na uminom ng tubig. Papasok palang ako sa kusina na may marinig na bulungan.


"Pa, Nanay Rosie.. okay lang talaga ako. Promise. Kaya ko 'to. Kaya kong lusutan 'to."

"You even let her call you Jason, anak. Do you like her that much?" Tanong ng kanyang ama.

Napaawang ang bibig ko.


Imposibleng ako ang pinaguusapan nila dba?


Napaka feelingera ko naman kung ia-assume ko na ako talaga to.


Paano kung si Joyce tinutukoy niya? Ang pagkakarinig ko tinatawag din siya ni Joyce na Jason.


Bakit kaya?

"I feel at ease pag nandyan siya. Ayan na siya Pa o, nasa harap ko na. Pakakawalan ko pa ba? I've watched her from afar for 6 years. I won't let anyone harm her, even it means losing myself. I will protect her.." Narinig kong buntong hininga ni Jason.


"Anak, gusto ko siya para sayo. Pero mag-ingat ka. Ang pagmamahal, traydor yan.. alam naman natin na hindi patas maglaro yan. Madaya, magulang.. " Aniya ni nanay Rosie.


Ano kaya ang ibig sabihin nila dito? Naguguluhan ako. Bukod sa ang hirap makinig dahil nakahilig nalang ako dito sa pintuan.


Binalewala ko nalang ito at umakyat. Baka nga si Joyce ang tinutukoy nila. First love niya kaya ito? Parang kasi mahal na mahal niya kung paano niya ito sabihan ng ganon.


Hindi ako masyado nakatulog sa kakaisip kung ano ba talaga ang narinig ko. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Matalik ko lang naman na kaibigan si Jason pero bakit ako sobrang naaapektuhan?


"Sa resort namin yung party ni Mason. Calla Marina you've heard it yesterday dba? 9pm, so get ready. Papunta na sila Mason dito kasama si Yeisha you can be with them first. May kailangan lang ako asikasuhin."

Tumango nalang ako habang ngumunguya ng pagkain. Wala akong tulog masyado kaya wala din akong gana makipagusap sakanya.


"Hey.." Pagtawag palang ni Jason nanghihina na ako. Bakit ba ganto epekto sakin ng isang to?!

"Are you okay? M-may masakit ba sayo?" Taranta niyang tanong.



"Wala."

Nagtataka si Jason sa agarang pagsagot ko ng hindi siya nililingon. Hindi ko talaga alam, wala akong enerhiya para sagutin lahat ng tanong niya kung ako mismo may mga tanong na hinahanapan ko padin ng sagot hanggang ngayon..

"Sila Jurgen ang susundo sayo mamaya, kasama si Yeisha.." Parang nagdalawang isip pa siya sa tono ng boses niya kung aalis pa siya o hindi na.

"Okay ka lang ba talaga? Bakit hindi ka man lang ngumingiti simula kanina? Hindi mo nga ako sinabihan ng 'Goodmorning' man lang!"

Ngumuso siya at padabog uminom ng juice.

Aba! Siya pa may ganang mainis?! Siya nga tong dinala dala ako dito pero ang nasa isip nya ay si Joyce!

"Hindi naman ako obligadong batiin ka ng Goodmorning, ah?"

"Haaaay!"

Buntong hininga ni Jason


"Ano ba talaga problema mo? Hindi naman tayo ganito kagabi, ah? Okay naman tayo di ba? Anong nangyari?"

Pagtatanong niya na halos ikinalambot ng puso ko dahil sa mga mata niyang nakatitig sa akin. Hindi siya mapakali at hinarap niya na ako.


HOPE.Where stories live. Discover now