1

7 0 0
                                    

Life will not be complete without pain and wrong decisions. Parang pakiramdam ko kalahati ng buhay ko puro mali. I thought i'm making the right choices, pero sinong niloko ko?

When I fly back here I thought it will make my life more fruitful and more meaningful than my life when i'm in the US.

Running away will not do any good.. i know, but it's the only thing that I can do for myself.

Right now..

I can't stay there anymore I just can't...

Wala akong masyadong dalang pera. I still have my savings but i know it will not last long.

Nung nasa US pa ako naghanap na ako dito sa Pilipinas nang mauupahan. Buti nalang hindi maselan yung landlady ko at pinayagan niya ako na hindi muna magdownpayment kahit paguwi ko na.

Ang hassle sobra. Living independently is new with me, siguro kasi nasanay ako na may katuwang ako sa buhay, naninibago lang.

I'm only 22 pero feeling ko pagod na pagod na ako sa buhay ko, yung tipong pasuko na ako.

Gusto ko umuwi samin kaso kinakain ako ng takot.

Tatanggapin pa kaya nila ako?
Namiss kaya nila ako?
Galit pa kaya sila sakin?

Pero malamang galit sila.

Bakit naman hindi? Bunso nilang anak nagtanan at nagpakasal sa amerika. Sino naman hindi magagalit di ba? I'm fucked up. My life is fucked up.

Pero hindi pa naman huli ang lahat di ba? Pwede pa ako bumangon. Pwede ko pa patunayan sarili ko. Kakayanin ko at gagawin ko.

Isang buwan na ako dito sa Pilipinas pero wala padin akong trabaho na nakukuha. Kahit waitress nga lang sa bar pwede na. Kaso hinahanap kadalasan nung iba eh experience talaga. Kahit anong trabaho kasi wala akong na pasukan kahit nung nasa ibang bansa ako. Ano ba magagawa ko? Ganda lang ang meron ako.

Hindi kasi ako nakapagtapos dahil nga nakipagtanan ako. Nasa 2nd year college palang ako no'n. 16 years old ako nang naisip namin na magtanan at pumunta sa US.

Dati pwede ko pa ipagyabang ang apelyido ko. Ngayon wala na. Nasira ang kinabukasan ko dahil ako din ang may kagagawan.

Kilala ang pamilya namin sa Hotel Industry may Dad owns multiple hotels and motels around Makati and BGC. Kaya nga Hotel Management ang kinuha ko dahil gusto ko ako ang magpatakbo ng negosyo, walang pilitan gusto ko lang talaga.

Pero hindi ako susuko, maghahanap hanap padin talaga ako. Wala akong choice kundi mag tyaga talaga.

Kaya napagisip-isip ko na pumunta sa isang convenient store na malapit lang sa apartment na inuupahan ko baka sakaling na ngangailangan sila. Kahit sideline lang.

Pagpasok ko feeling ko konti nalang babagsak na yung convenient store walang katao-tao.

"Good morning! Mabuhay, welcome!!" Masiglang pagbati sakin ng babae na nasa harap.

"Goodmorning!" Nakangiti kong bati sakanya.

"Tanong ko lang, meron ba kayong bakante? I mean kahit ano kahera or janitres. I just need an income." Pagaalangin ko na tanong sakanya.

"Talaga ba? Sge ganito balik ka bukas at magdala ka ng bio data mo. Nandito kasi bukas yung mga bago g may ari netong convenient store na 'to." Masigla niyang pagkakasabi.

"Salamat talaga! Bukas nalang ng umaga?"

"Oo bukas agahan mo mga 7 nang umaga kasi tumatambay sila dito. Ako nga pala si Yeisha." Ngiti nyang tugon sakin at inabot sakin ang kanyang kamay.

Nakipagkamay naman ako at bumalik na sya sa pagkain. Umalis ako ng may ngiti sa labi.

Kailangan ko nang trabaho for me to survive. Mauubos narin ang Pera ko at hindi ko pa na co-contact sila mommy ever since na nakauwi ako dito.

Wala akong mukhang maihaharap talaga sakanya, sakanila.

Sa lahat ng napagdaanan ko sa Amerika kasama siya parang wala akong mukhang maihaharap sa pamilya ko.

Sa nagawang desisyon ko non at sa mga salitang nabitawan namin.

Huminga ako ng malalim at naligo nalang dahil maaga pa ang punta ko sa trabaho. Sana talaga ay makapasok ako...

HOPE.Where stories live. Discover now