"Alis na Tyler. Putangina."
Kalmado pero nakakapanlambot ng tuhod. May bahid ng galit ang boses niya pero kalmado. Nakakatakot.
Umalis na si Tyler pero ako nakakapit lang sa poste at medyo nahihilo.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sakanya ng medyo kumalma na ako.
Mapanuri ang titig niya. Parang may ginawa ako na mali.
Ako pa ang mali ngayon? Eh siya nga 'tong kanina ko pa hinihintay eh!
"Nasa meeting ako with the investors sa magbubukas kong hotel. Kung alam ko lang na ganto ang dadatnan ko sana hindi nalang ako nakipagmeeting at kinadena ka sa katawan ko!" Galit niyang utas.
Umigting ang panga niya kahit karay karay na niya ako nakita ko kung gaano ka galit ang ekspresyon ng mukha niya.
"Kaya ko na." Pagkalas ko sa alalay niya sa akin.
"Bullshit Anne!" Utas niya.
Sumigaw siya na ikinagulat ko. Nakita ko naman na papunta na ang magpi-pinsan sa gawi namin kasama si Yeisha.
"Ano ba talaga ang problema mo? Kanina ka pang umaga ganyan sa akin? May ginawa ba akong mali?"
Hindi ako magaling sa gantong konprontasyon kaya nakayuko lang ako.
"Pwede ba ako magtanong?" Aniya ko at nagangat ng tingin.
Mata sa mata.
Nakita ko naman na kumunoot ang noo niya at tumango padin. Nasa likod na niya ang mga pinsan niya at papalapit na sana si Yeisha ng hinigit siya ni Jurgen.
"A-ano mo ba si Joyce?" Tanong ko at yumuko sakanya. Hindi ko alam bakit kinakabahan sa isasagot niya.
Mahal niya kaya ito?
Gusto niya?
Nakita kong may binulong si Jurgen kay Yeisha at nag peace sign ito sa akin.
Nagbuntong hininga si Jason at binalot ako ng coat na suot suot niya kanina.
Kahit alam niyang galit ako sakanya o nagtatampo nakuha padin niya akong alalahanin.
Hayyyy.
"Walang kami Anne. Kahit katiting wala. Hindi yun mapapantayan ng kung anong meron tayo ngayon sa nakaraan ko kay Joyce."
"So may past nga kayo?" Pagtataray ko sakanya.
"What do you expect? I'm single and she's single." Pangiinis niya sakin.
Nakita ko pa na ngumisi siya at aambang yakapin ako. Ha! Maagnas ka dyan!
Sinapak ko siya at nagmartsa papunta sa loob.
"Bwisit ka Jason Reed! Oh my God! Hindi ko alam ba't ako nagkacrush sayo!" Utas ko sa sarili ko.
Nakita ko ang upuan namin kanina at medyo may mga tao nadin dun. Nakita ko nadin si Tyler na nakaupo dun at may kandong kandong na babae.
"That asshole is looking at you." Nagulat ako at nasa likod ko na agad si Jason.
"You need to freaking change." Utas niya sakin sabay higit sa bewang ko.
"May shorts akong extra Anne gusto mo?" Pagtatanong ni Yeisha na ngayon ay nasa gilid ko na. Wala narin siguro siyang alak sa sistema niya dahil malayo na ang agwat nila ni Jurgen.
![](https://img.wattpad.com/cover/142015598-288-k298400.jpg)
YOU ARE READING
HOPE.
Romance« where did we go wrong? I know we started out alright. » Meet Anne Dela Martel and Jason Reed Florez. 2 different people with same pains, dreams, and love. How will fate play it's role if one of them is too stubborn to believe that there is still a...