Napapayag ko si Jason na isara yung store. Ngayon tska bukas. Nakailang text na nga sakin Si Yeisha dahil kinukulit niya ako anong meron at biglang pinasara ni Jason ang store.
"Saan tayo punta?" Tanong ko sakanya.
"Sa bahay. Maliligo lang ako then punta tayo sa mall." Sabi niya habang nag co-concentrate sa daan.
Bakit kahit pagmamaneho niya ang gwapo gwapo padin niya? Hay.
Sa BGC siya nakatira dun din yung condo niya.
"Saan banda ba sa BGC condo mo?"
"Ha? Anong condo ko? We're not going there. Sabi ko sa bahay, so sa bahay tayo pupunta. That condo is for emergency lang. You know kapag ginabi ako nakauwi galing Makati then dun ako sa BGC deretso."
Emergency eh dinadala mo nga dun si Joyce, emergency mo din ba yun? Napairap nalang ako sa naiisip ko.
"Saan ba bahay mo?" Kunoot kong tanong. Hindi padin mawala sa isip ko kung ano ang nangyari sa store kagabi. Ano ba yan self, friends lang kayo okay?!
"Ba't ang dami mong tanong?" Bungisngis niyang saad.
"Siguro dinadala mo dun mga babae mo no? Hay nako, Jason! Hindi uubra sakin yang charms mo. Kahit gwapo ka hindi naman—"
"So gwapo ako?" KAPALMUKS TALAGA!
"Tse! Saan nga ba kasi ang bahay mo?" Usisa ko sakanya.
"You'll see." Kindat niya sakin sabay ngisi.
BWISIT.
ANG GWAPO. SHET!
Dahil alam kong wala din akong mapapala ay natulog muna ako sa byahe.
Nagising nalang ako na may naririnig akong bulungan sa labas.
"Did you bring her here? Where is she hijo?"
"Papa stop! Magigising mo siya let her sleep. Naka night duty siya sa store."
"Oh no anak, I believe kayang-kaya mo naman iadjust ang oras ni Anne. Alam mo naman siguro ang agreeme—"
"Papa shh! Stop it! Not here!"
Nanlaki ang mata ko at sabay labas sa kotse niya.
"Jason! Hindi mo man lang ako ginising! Ang Ganda dito!" Tili ko sakanya ng makita ko ang tanawin sa labas.
Madamo, maraming bulaklak. Maaliwalas na hangin.
Napatingin naman ako sa kausap niya na nakangiti lang sa akin.
"Ikaw na ba si Anne Dela Martel? I'm Leon Florez. Reed's dad." Lahad ng kamay niya at inabot ko naman ito.
"H-hello po! Pasensya napo sa ingay ko, masyado po akong nasabik dito sa resort nyo." Nahihiya kong tugon.
Tekaaaaa...
Resort?!
Saan ako dinala ni JASON?!
"Jason, saan mo ako dinala?" Tumaas ang isang kilay ko sakanya.
"Akala ko hindi mo na ako tatanungin. Nasa Laguna tayo." Aniya habang buhat buhat ang gamit niya. Teka! Wala akong damit?!
"Welcome to my home Anne.." Sabay ngisi.
May mga katulong na sumalubong samin at kinuha ang ibang dalang gamit ni Jason, saan galing yung mga damit niya?
"Jason! Wala akong damit! Hindi mo naman sinabi sakin na overnight ang gagawin natin."
Tinawanan nalang ako ng loko loko na yun at may niyakap siyang isang matandang babae at sinalubong din siya nito nang yakap.
YOU ARE READING
HOPE.
Romance« where did we go wrong? I know we started out alright. » Meet Anne Dela Martel and Jason Reed Florez. 2 different people with same pains, dreams, and love. How will fate play it's role if one of them is too stubborn to believe that there is still a...
