3

7 0 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa alarm ko na biglang tumunog.

"Shit!" Pasigaw kong tugon. Dahil sa antok ko kagabi ay nakatulog ako sa store at ayun ang huling naalala ko.

"Punyeta!" Lahat na ata ng mura nasabi ko na. Paano ako nakauwi??!! Anak ng tokwa! Nakakaasar! Talaga ba sa harap pa ng boss mo Anne??!! Naghilamos muna ako kahit takang taka ako paano ako nakauwi sa bahay kagabi ng may narinig ako na kalabog sa baba at mga murang parang nasaktan ito.

"Ah shit ang sakit! Tangina! Mason ikaw na nga magluto nitong itlog! Bakit tumatalsik?!" Pagkadungaw ko nang kaonti nakita ko na sinusubukan ni Jason na magluto.

"Ay talaga ba Reed? Paano ka manliligaw niyan kung hindi ka marunong magluto?" Natatawang saad ni Mason at kinuha na ang spatula Kay Jason. May humagalpak naman na tawa sa kabilang side.

"Ewan ko sayo Reed, kakaiba ka! Inuwi mo na, nilutuan mo pa! Ganyan ba kapag inlove?" Nakangising tanong ni Jurgen.

Ngumuso naman si Reed at aambang susuntok na kay Jurgen ng tumikhim ako at nakita kong na patingin naman sila sa akin.

"Hello mahal na prinsesa!" Ngiting bati sakin ni Jurgen.

"P-paano ako nakauwi? Ang a-alam ko nakatulo-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sinagot na agad ako ni Jason.

"I carried you last night. I told you to sleep or even drink coffee pero ayaw mo. Yeisha knows your address and nasa bio data mo din so yeah, inuwi kita last night." sabi niya na nakakunoot ang noo. Aba ang aga aga nakasimangot ang isang to! Sayang ang mukha!

"Hello excuse me mamaya na kayo magkwentuhan, kain muna tayo nagugutom na kami oh!" Pangaasar ni Mason.

Tumango naman ako at naghain. Mamaya ko na siya pasasalamatan at nagugutom nako. Nakalimutan ko kumain kagabi.

"What time is your shift?" Tanong sakin ni Jason. Damn Anne, kahit simpleng pagtatanong lang niya ay naaakit na ako. Lalo na ngayon parang dito pa ata siya naka tulog dahil naka puting v-neck lang siya at nakaslacks. Natanaw ko naman ang coat niya na dark blue na nasa sofa. Ayun na ayun yung suit niya kagabi.

"A-ahh mga alas tres sir, b-bakit po?"

"Ouch, Reed na Sir-zoned ka na agad!"
Pangiinis ni Mason.

Nakita ko naman na umismid nalang si Jason at hindi iyon Pina sin nagpatuloy lang kami sa pagkain at napapansin ko na panay tingin sa akin ni Jason kaya hindi ko maiwasan na mailang sakanya.

May dumi ba sa mukha ko? May muta pa ba ako? May panis pa ba ako na laway? Jusko kulang nalang masunog ko na ang kinauupuan ko.

"So, Anne.. tell me about yourself? hindi pa kita ganon kakilala eh.. Actually nakita ko ang bio data mo. Hindi ka graduate? But you studied Hotel and Restaurant Management in Enderun? What happened?" Tanong ni Mason.

"Mason.." May pagbabanta sa tono ni Jason at tinaasan niya pa ito ng kilay ngunit hindi naman nagpaapekto ang pinsan niya. Suminghap ako ng malalim.

"Naglayas kasi ako, so that's what happened.." Pagkasabi ko nun ay hindi ko na ulit dinagdagan. Ayoko nadin masyado pagusapan. I'm tired. I just want to start new.

"But Enderun ka? may balak ka bang tapusin yun?" Tanong ni Jason.

Napatingin naman ako sakanya at eto nanaman yung mga tingin niyang mapanuri na tumatagos hanggang laman ko. Nawawala ako sa bawat titig niya.

"I-I don't know.. wala pa yun sa isip ko. Also, I can't afford the tuition fee.. Siguro sa ibang school pwede pa. But not Enderun."

Tapos na kaming kumain lahat at nagmamadaling umalis ang dalawa dahil may mga meeting pa sila sa sarisarili nilang kompanya.

HOPE.Where stories live. Discover now