10

10 0 0
                                    

Hindi ako mapakali pag gising ko kinaumagahan. Naalala ko nanaman kasi ang text sa akin ni Jason. SA BGC? Sa condo niya? Eh hindi ko nga alam paano pumunta do'n!



Hindi ako marunong magcommute!



Bahala na nga!


Nagsuot lang ako na black high-waist short at denim na button down shirt. May sando ako sa loob kaya hindi nalang ito nakabutones.



Tinawagan ko nalang si Yeisha baka sakaling matulungan niya ako.



"Hello, Yeisha?" Sabi ko.



"Hello, bakit? Kamusta pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" Aniya.



"Oo naman, papatulog sana ako sa'yo.." Alanganin kong tanong sakanya.. "...A-ah eh, may address ka ba ni Jason? Yung sa BGC?..."





"Bakit? Para saan?"



"Pinapapunta niya kasi ako. Kunin ko daw sweldo ko.."



"Tapos ikaw lang mag-isa? Hintayin mo kami ni Jurgen d'yan. Hahatid kana namin.." Pero bago palang ako makatangi ay binabaan na niya ako telepono.





Napagisipan ko din na mamaya ko na kakausapin sila mama.



Hinahanda ko nadin ang sarili ko. Kailangan ko na sila makausap. Lalo na ngayon kailangan ko na magresign kila Jason.



Nakita ko agad sa labas ng apartment ko ang audi ni Jurgen.


"Kamusta ka naman?" Tanong niya bago ako papasukin sa sasakyan.

"O-okay lang. Salamat talaga sa paghatid ha? Sandali lang ako do'n aabot ko lang yung sulat." Ngisi ko sakanila.

Pero sa loob loob ko ay halos gusto ko na umiyak. Naging malapit nadin ang mga magpi-pinsan sa akin. Kahit so Yeisha na tinuring ko nadin na parang kapatid.




Dumaan kami saglit sa drive-thru dahil hindi pa pala nagaalmusal ang dalawa na 'to bago nila ako sunduin.


"O-okay ka lang ba talaga? Bakit ba? Ano ba nangyari kasi sa usapan n'yong dalawa? Hindi naman kami masyado kinausap ni Reed. Kaso nabanggit ko sakanya na gusto mo magresign kaya lalo siya nagalit. Eh halos maging punching bag niya 'tong dalawa kagabi..." Anita ni Yeisha.


Huminga ako ng malalim bago ako nagpaliwanag. Kailangan ko nang lakas ng loob ngayong araw.

"Hindi kasi talaga pwede Yei, kahit gustuhin ko siya hindi pwede. Imoral tignan. Umalis ako sa amerika dahil gusto ko makawala sa problema ko kay Brooks hindi para dagdagan 'yun! Halos magda-dalawang buwan pa lang ulit ako dito pero eto ako! Nadagdagan ang iisipin! Eto nanaman ako, inuuna ko nanaman yung puso! Lintek na pag-ibig yan!" Hinga ko ng malalim. Tuloy lang ako sa pag-iyak hanggang dinuktungan ko ang sasabihin ko.



"Mali ang ginawa ni Jason kay Joyce. Tinapon nalang niya 'to nung wala na siyang mapala. Tangina, nakikita ko ang sarili ko sakanya! Nagmamakaawa siya kay Jason! Ako, halos isangla ko na ang pagkatao ko kay Brooks wag lang niya ako iwan... Ayoko na nang ganon. Pagod na ako, ayoko na magmakaawa. Tska mali to. Mali kami. Kahit saang anggulo, kasal pa ako kay Brooks. Jason deserves more, hindi siya pwede maging kabit o maging option. Deserve niya mahalin ng buo. Mali sa mata ng tao, mali sa mata ng diyos..."




"Anong balak mo pagkatapos? Saan ka magta-trabaho? Pwede mo naman hindi nalang pansinin o pabayaan mo nalang si Jason! Ang importante ikaw! Kailangan mong mabuhay para sa sarili mo! Kailangan mo ng Pera pampa-aral ulit."





"B-balak ko na kasi kausapin sila mama mamaya.." Kibit balikat ko sakanya.






Nakarating na kami sa condo niya sa BGC, bakas narin sa mukha ko na kinakabahan ako kaya tinanong ulit ako ni Yeisha kung pwede niya ako samahan sa taas.





"G-gusto mo samahan ka namin kay Reed sa taas?" Alanganin na tanong ni Yeisha.




"Di okay lang talaga." Tipid kong sagot  sakanya.



Nasa lobby ako ng condo niya ng pinagsulat ako sa logbook sa harapan.



"Para kanino miss?" Tanong ng babae sa harapan.



"Kay Mr. Jason Reed Florez." Ngiti ko sakanya. Halos mawala naman ang Ngiti sa labi niya pagkasabi ko kung sino ang pakay ko.





Ngumiti naman din agad siya pagkatapos ko siya taasan ng kilay. Kaso hello! Forever ba kami magkakatitigan dito!?





Nakita ko naman na may tinawagan siya at palagay ko ay si Jason na 'to. Tumango siya at ngumiti ulit sa akin.



"Tower 3, level 5 room 514." Tipid na ngiti niya sa akin tska ako tumuloy sa loob.


Kinakabahan talaga ako, ano sasabihin ko sakanya?

Magso-sorry ba ako? Malamang! Ayun ang uunahin ko birthday niya kahapon tapos ginanon ko siya saan ang hustisya do'n di ba?


Sana pinagpaliban ko nalang muna! Edi sana hindi ako nag-guilty ngayon! Nako minsan talaga Anne mga desisyon mo sa buhay wala sa wisyo!





Nasa tapat na ako ng unit niya, ano ba gagawin ko? Kakatok o tatawagan ko nalang siya tapos ibigay ko agad 'to sabay alis?


Ngayon ka pa ba matataranta Anne eh winalangya mo nga birthday niya kahapon!?




Wala sa sarili akong kumatok sa unit niya. Medyo may naririnig pa nga ako na nagkwe-kwentuhan.





May bisita siya? Akala ko pa naman makakapagusap kaming dalawa lang.







Pagkabukas niya ay nakapoker-face lang siya.


"Pasok ka." Mariin niyang sabi.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka basketball shorts lang siya at white v-neck shirt. Pero bakit ang gwapo gwapo niya parin!?



"J-Jason..."


Tawag ko sakanya pero nilagpasan niya ako

"J-Jason gusto–.."





"She's here." Pagputol niya sa akin.




Nakakunoot ang noo ko dahil nalito ako sa pagtingin niya.


Nung medyo nakapasok na ako sa unit niya ay doon na tumambad sa akin ang isang sampal.






Sampal nang katotohanan.




"Mama.. Papa..." Napatingin naman ako sa kakalabas lang sa CR.






"Ate..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HOPE.Where stories live. Discover now