Nakarating na kami sa Early Night pero hindi ko maiwasan na kabahan.
Ayoko ng konprontasyon ngayon gabi, birthday ni Jason.
Sinalubong kami ng magpi-pinsan at tinignan naman ako ni Jurgen mula ulo hanggang paa.
Himala nasaan si Yeisha?
"Salamat ha? Nakapants ka..." Ngisi niya sa akin.
"Bakit? Akala mo magbabantay ka nanaman?" Dagdag ni Mason.
Ngumuso naman ako. "Sorry na, okay? I'm so drunk that night.."
"Alright.." Aniya ni Jurgen sabay gulo ng buhok ko.
Pumasok na kami sa loob at nakapwesto na agad ang kamay ni Jason sa bewang ko.
"Nakapantalon kana nga at longsleeves pero kulang nalang hubaran ka nila sa mga titig nila. Damn it.." Singhal ni Jason.
"Dude, wala 'yan sa suot mong damit. Kung trip ka nila gaguhin gagawin nila. That's how it is and it is disgusting.." Aniya ni Mason. Nasa gilid na pala niya agad si Crisha. Kumaway nalang ako sakanya at tumingin sa dinadaanan.
Nasa likuran nanamin ang magpi-pinsan.
"Nasa taas na daw sila dude, pasensya nasa taas ata si Joyce. Hindi namin mapauwi... Nasa taas nga si Yeisha eh, kanina pa sila nagaaway dalawa.." Aniya ni Jurgen.
"Just stay close to me okay? Let's enjoy the night ayt?" Ngisi ni Jason sabay higit sa bewang ko.
Suminghap muna ako bago kami makapasok sa isang VIP room dito sa Early Night.
Halata mo na regular customers na sila dito dahil kilala sila ng mga guard.
"ANNE!" Yakap sakin ni Yeisha.
"Lasing ka na, ilang oras palang party!" Sita ko kay Yeisha.
"Aba kasi yung isa dito, konti nalang makakalbo ko na. Kailangan kong kumalma, shiz!"
Nakita ko naman sa gilid ko si Jason na dinumog na ng mga kaibigan niya. Malaki ang circle of friends niya kaya hindi niya ako nakitang nakatitig sakanya. Inupo ko muna sa tabi ni Jurgen si Yeisha dahil panigurado ako marami na talaga siya nainom.
"Hindi pa tayo ulit nakakapagkwentuhan, kamusta na?" Aniya ni Crisha.
Nasa gilid ko na pala siya hindi ko namalayan.
"Hello Crish!!" Beso ko sakanya.
"Eto, okay lang naman.. namumuhay mag-isa..." Sabi ko sabay tingin ng alanganin.
"May nasabi ng kaunti si Mason sakin. H'wag ka magalala, sarado 'to..." Sabi niya at nagkunwari pa siya na zinipper niya ang bibi niya.
Tumango ako at kumuha kami ng mga cocktails. Siya naman ay hindi nakuntento sa cocktails kumuha pa siya ng Jack Daniel's at Jim Beam.
"May balak ka ba magpakalasing?" Masungit na tanong ni Mason.
"Eto naman napakasungit mo! Pakakantahin mo 'ko tapos hindi mo ako paiinumin alak!?" Irap ni Crisha.
"I like you, boto na ako sa'yo!" Aniya ni Yeisha.
"Whoa, first time.." Pangaasar ni Jurgen at tinaasan nalang ng kilay ni Crisha si Mason.
Umismid nalang si Mason pero tinabihan padin siya ni Crisha.
"Nage-enjoy ka ba tonight? Bakit ka nandito nakaupo? Kausapin mo iba mo pang bisita.." Aniya ko kay Jason.

YOU ARE READING
HOPE.
Roman d'amour« where did we go wrong? I know we started out alright. » Meet Anne Dela Martel and Jason Reed Florez. 2 different people with same pains, dreams, and love. How will fate play it's role if one of them is too stubborn to believe that there is still a...