Isang linggo nadin nakakalipas pagkatapos ng party pero walang Jacob na nagparamdam sa akin. Kahit text wala! Talaga ba!?
"Ang aga aga nakabusangot ka! Ano ba ang problema mo ineng!?" Tanong ni Yeisha.
Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagi-inbentaryo. Kailangan ko na talaga makausap sila Mama. Ilang beses na sumagi sa isip ko 'to.
Kailangan ko na sila harapin. Hindi ko na sila pwedeng takbuhan walang mangyayare sa buhay ko kung ganon nalang palagi.
"May party daw mamaya sa BGC. Early Night. Sama ka?" Aniya ni Yeisha.
Bakit ano meron?
"Ano meron?" Tanong ko kasabay ng paglipat ko sa ka bilang aisle.
"Hindi mo alam?" Halos lumuwa ang mata ni Yeisha dahil sa pagkakagulat.
"Itatanong ko ba kung alam ko na? tss..."
"Chill ka lang eto naman!" Aniya.
Nang nakita niya ang kunoot ko na noo at ayaw niya pa magsalita.
"Birthday ni Reed..." Alinlangan niyang sagot.
Ako naman ata ang nalaglagan ng panga at mata. Talaga ba? Bakit walang sinabi ang mokong na 'yon?!
"Hindi n'ya sinabi sakin! Kainis naman Yeisha!" Panggulo ko ng buhok ko.
"Ano pupunta kaba o hindi?"
Pangiinis ni Yeisha sakin."Syempre.... hindi! Ano!? Pagkatapos niya ako hindi kausapin ng isang linggo ay pupunta ako sa birthday niya!? Ano siya swerte?! Hay nako!"
Padabog kong binaba ang log book at nag kwenta ng mga pera.
Nakakainis! Birthday pala niya hindi niya sinabi sakin. Akala ko ba magkaibigan kami!? Tssss..
Sa sobrang inis ko ay hindi ko namalayan na may pumasok palang customer. Hindi ko matuon sa iba ang pansin ko. Naiirita kasi talaga ako kay Jason.
Pero bakit ka nga ba naiinis? Di ba sabi mo nga wag marupok? Kailangan mo munang ayusin ang buhay mo. Masyadong magulo pa para pumasok ka sa mga ganitong problema.
Mahirap ang set up ko dahil sa mata ng diyos at batas kasal pa ako, kasal pa kami.
Hindi pwede, hindi pwede ang kami.
"Parang ang laki laki ng galit mo d'yan sa kaha at hindi mo ako napansin dumating?" Aniya ng isang pamilyar na boses.
Umangat ang titig ko sakanya at umirap.
Naiinis padin ako kahit alam ko sa sarili ko na hindi pwede!
"H-huy teka, galit ka b-ba?" Tanong niya.
"Tss.." Inirapan ko ulit siya at sinupot ang mga pera.
"Mauuna na ako, kanina pa ako dapat out. Maga-ayos pa ako eh... B-bye..." Nakangisi na paalam ni Yeisha.
Hindi ko alam kung naka ilang irap na ako ngayon araw na 'to! Gusto ko nalang umuwi.
"Alam mo, mas gugustuhin ko pang ratratin mo ako ng sigaw mo kesa sa katahimikan mo. Nakakabaliw kase, nakakabaliw ka isipin.." Umangat naman ang tingin ko sakanya at nakita ko siyang nakasandal sa counter at nakatalikod sa akin.
Kahit ganyan siya ang gwapo gwapo niya. Hayyyyyyyy...
"Naiinis kasi ako sa'yo..." Tumingin siya sa akin na nakanguso at nakasimangot.
![](https://img.wattpad.com/cover/142015598-288-k298400.jpg)
YOU ARE READING
HOPE.
Romance« where did we go wrong? I know we started out alright. » Meet Anne Dela Martel and Jason Reed Florez. 2 different people with same pains, dreams, and love. How will fate play it's role if one of them is too stubborn to believe that there is still a...