MARFEL'S POVKanina pa ako pagulong gulong sa higaan namin di ko parin maalis sa isip ko yung mukha ng lala----
"Aray! Langya, sakit nun ah" sabi ko habang hawak ang noo ko.
Kasi naman sa sobrang likot ko sa higaan na hulog ako sayo yieeee d juk lang na hulog ako una pa ulo, sakit talaga.
Bumangon ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at na upo sa gilid ng higaan. Bumalik nanaman sa isipan ko yung mukha ng lalaki kanina sa mall.
"Iashhhh bwisiittt kang lalaki wag kang magpakita" inis na sabi ko sabay gulo ng buhok ko.
"Relax lang Mac relax inhale exha----- Aray, anak ng tigang" kasi naman habang pina pakalma ko ang sarili ko may sumipa sa likod ko kaya na subsub ako sa sahig, sakit nun bwst
"Puwede ba kung ayaw mo matulog mag patulog ka ang ingay ingay" may biglang ng salita. Ng tignan ko ito si mama pala
Tabi lang kasi kaming matulog. Maliit lang kadi ang bahay kaya magkatabi kami
"Ay sorry po ma hehe" sabi ko na lang, pero ang sakit ng pagkakasipa niya sa likod ko ah sipain ko rin kaya tong si mama
Di na ako sinagot ni mama bumalik na kang siya sa pagtulog. Habang ako hawak ko ang sinipa niya ang sakit talaga e.
Humiga na lang ako ulit at tumingin na kesame bigla ko na namang nakita ang mukha ng lalaki.
"Iahhh--aray" sigaw ko "Mama naman nakakadalawa ka na ah ang sakit nun ah" sabi habang tumatayo galing aa pagkakasalampak ko sa sahig.
"Sige mag ingay ka pa dyan sa kusina na kita papatulogin" seryosong sabi niya halata sa boses niya ang antok
" Oo na" sempling sagot ko.
Baliin ko kaya paa nito para di na manipa parang kabayo tsk
At dahil ayaw kung masipa ulit ng kabayo kong mama ay matulog na ako.
-----------
"Huyy ate gising"
"Uyy gising na daw sabi ni mama"
"Ma, ayaw gumising ni ate!!!"
"Ano? Pag di ka bumangon dyan Marfel bubuhosan kita ng mainit na tubig" dinig kong ingay sa paligi-----wait teka Marfel? Mainit na tubig?"Ayaw mo talaga ah" dinig kong sabi ni...mama?
Minulat ko ang mata ko at nakita ko si mama na may dala dalang termos.
"Waaaa!! Mama wag, eto na babangun na---- aray" waaa ang sakit bwisiittt kagabi pako nahuhulog sayo este sa higaan. Langya ang sakit na ng katawan ko.
"Buti nga sayo kung di kapa babangun bubuhosan na talaga kita ng mainit na tubig wala akong pake kung mawala ka sa mundong ito" seryosong sabi ni mama, di ko alam kung mama ko talaga toh e ampon lang yata ako e? Pero kahit ganyan yan mag salita mahal ko yan
"Ang aga aga pa kaya ma," kamot ulo kong sabi, aray balakang ko
"Anong maaga, di ka papasok?" sabi ni mama, papasok?