SHIANN'S POV- FLASHBACK-
Nakangiti ako habang naglalakad mag-isa dito sa Mall bibili ako nagregalo para kay Kim bukas, anniversary namin bukas kaya pinaghahandaan ko talaga.
Pumunta ako sa isang tindahan na puro pang babae lang ang tinda, napapatingin sa akin ang mga babaeng namimili din pero wala akong pake sa kanila lara naman kay Kim tong bibilhin ko.
Naglibot ako, napahinto ako ng may nakita ako, isa syang bag na kulay pink semple lang siya kaya sigurado akong magugustohan yun ni Kim.
"Miss" tawag ko sa saleslady " I will have that one" sabi ko at tinuro ang bag.
"Okay sir, please wait for a minute" sabi nito at naglakad pa puntang counter habang dala ang bag.
Umupo na lang muna ako habang hinihintay ko ang bag, nilibot ko ang tingin ko baka sakaling may magustohan pa ako.
Nahinto ang paningin ko sa pamilyar na tindig ng likod ng isang babae, bahagyang na padagilid ang mukha niya kaya nakilala ko siya, napangiti ako, tatawagin ko na sana siya ng may lumapit sa kanyang lalaki at hinalikan siya hindi lang sa pisngi kundi sa labi mismo.
What the fvck?
Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Kim nginitian naman siya ni Kim, yung ngiti ni Kim ay yung ngiti niya sa tuwing magkasama kami. Naglakad na sila pa alis.
Napangiti ako ng mapakla, hindi ko kayang magalit kay Kim, mahal ko siya mahal na mahal.
-END OF FLASHBACK-
Yun yung unang nakita ko si Kim na may kasamang lalaki, di ko nagawang magalit nun sa kanya, mahal ko siya e.
Kinabukasan non nag celebrate kami ng anniversary namin, nagpanggap akong walang nakita. Si Kim naman ay napaka enosente ng mukha parang natural lang walang tinatago ganun.
Na ulit pa ang ganung pangyayari,
- FLASHBACK-
Mag-isa ako ngayon sa likod ng school, pupuntahan ko sana si Kim pero sabi niya wag na dahil may ginagawa sila.
Kaya pumunta na lang ako dito sa likod ng school para magpahangin, pinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong matulog wala naman kasi akong gagawin.
"Dito na lang tayo" na mulat ko ang mga mata ng biglang may nagsalita na lalaki sa hindi kalayuan sa puwesto ko.
"Baka may makakita" tinig naman ng babae, ng marinig ko ang tinig ng babae parang gusto ko silang sugurin pero di ko magawa. Naninigas ako sa kinuupuan ko. Di ako makagalaw
"Wala yan, tayo lang ang tao dito" tinig ng lalaki, ayaw kong makita pero lintek na katawan toh sumilip pa.
"Sige na nga" sabi ni Kim, oo si Kim yung babae di ko kilala yung lalaki pero sigurado akong siya rin yung lalakong kasama niya sa Mall.
So eto pala ang ginagawa na sinasabi niya?
Nakita ko sila, nakita mismo ng dalawang kong mata at paghahalikan nila gusto kong umalis sa totoo lang pero di ko kaya.
Alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko, pero anong magagawa ko mahal ko siya, mahal ko si Kim. Siya ang unang babaeng minahal ng totoo.
Pinilit kong iniiwas ang paningin ko sa kanila, sa nakikita ko parang dinudorong ang puso ko. Pinilit kong umalis dun kahit gusto kong suntukin ang lalaki, alam ng boong school na kami ni Kim.