MARFEL'S POVNag kaklase si ma'am sa harap pangalawang subject na namin ito ngayong hapon, tahimik naman ang mga kaklase ko at ang iba naman ay na papansin kung pasulyap sulyap di sa gawi ko sa may bandang likod ng classroom tusukin ko kaya mga mata neto
Habang sila ay tahimik ako naman dito ay tahimik lang din pero di ako makapag focus kay ma'am dahil sa bwisitt na lalaki sa likod ko. Kasi kahit di ako tumingin sa likod ay alam kong naka tingin siya sa akin.
Kanina pa ako di mapakali dito sa kina uupuan ko, kasi pakiramdam ko ay susugurin ako ng lalaking nasa likod ko nato.
Nilingon ko si Jane na katabi ko lang kanina pa kase walang kibo ang gaga. Di ko pa rin alam kung ano ang problema ng babaeng to.
"Uy Jane" mahinang tawag ko dito. Nilingon niya naman ako.
"What?" mahinang sagot naman nito sakin.
"Ano ba talaga ang problema mo kanina ka pa walang kibo e" mahinang sabi ko naman.
"Ika--"
Di na tuloy ni Jane ang sinasabi niya dahil biglang.......
"Ma'am ang ingay po nila Garcia at ng kaibigan niya di ko po kayo masyadong marinig" biglang may ng salita.
Sabay kami ni Jane na lumingon sa likod namin, sinamaan namin ng tingin ang lalaking may pangit na boses medyo lang naman
Nakangisi ito sa amin o mas tamang sabihing naka ngisi ito sa akin.
"Miss Garcia and Miss Pateño is there a problem?" sabi ni ma'am sa amin kaya na pabalik ang tingin namin ni Jane sa harap.
"W-wala po ma'am" sabay na sagot namin ni Jane.
Tinangoan lang kami at nagpatuloy na siya sa pagtuturo. Liningon ko ang lalaking may panhit na boses at sinamaan siya ng tingin nginisihan lang niya ako, nakakabwisit na nga ang boses niya pati pa ang mukha niya.
Tumahimik na ang buong klase, di ko na rin muna pinapansin si Jane baka ano na naman ang sabihin ng ugok na lalaki sa likod.
Ang hina lang kaya ng pag-uusap namin ni Jane kanina, grabe naman pagdinig ng lalaking toh.
"Ma'am nag-iingay na naman po sila"
Anak ng tigang anong nagiingay? Ni wala ngang nagsasalita samin e
" Kayong dalawa, get out!" sigaw ni ma'am.
Sino ba pina palabas nito?
"Miss Garcia and Miss Pateño I said get out" sabi ni ma'am habang nakaturo sa pinto jg classroom palabas.
Hala bat kami pina palabas e di nga kami naguusap ni Jane e
"P-pero ma'am di naman kami nag-iingay e" sabi ko kay ma'am
"But Mr. Mendez said that maingay kayo" sabi ni ma'am. Maylas? "Mr. Mendez?" sabi ni ma'am habang naka tingin sa likod ah Maylas pala apliyedo ng ugok na to
"Opo ma'am maingay po sila di ko po kayo naririnig" nakangising sabi nito sumulyap pa sakin. "Di Lends, maingay sila?" sabi nito sa katabi niya, yung kasabay niya kaninag pumasok tumango lamang ang kaibigan niya
Anak ng tigang tung dalawa na to"
"See Miss Garcia and Miss Pateño? Now get out" sabi ni ma'am naka turo pa rin sa pinto di ba na ngangawit yang kamay niya kanina payang ganyan ah