SHIANN'S POVGusto kong tumawa ng malakas dahil sa mukha ni Marfel, parang binag sakan ng langit at lupa.
Lunch break na kaya andito kami ngayon sa Canteen. Nasa tabi ko si Marfel naka yuko siya, nahihiya yata nasa amin kasi lahat ng mata ng mga istudyante dito sa loob ng Canteen. Nakabili na rin kami ng pagkain namin pero di pa siya kumain.
Biglang bumalik sa isip ko yung halik kanina, nakakatatlo na ako kaninang umaga. Yung una hinalikan ko siya sa kotse dahil nagmura siya, seryoso ako sa sinabi ko sa kanyang pag nagmura siya hahalikan ko kahit sa harap ng maraming tao. Tas yung kakausapin siya ng kaibigan niya bago siya umalis hinalikan ko siya. At yung sa classroom dampi lang naman yun pero dapat ngingitian ko lang siya nun e di ko alam kusa siya aishhh.
"Uyy" pagaagaw ko ng pansin niya.
"O-Oh?" sagot niya, namumula
"Kakain ka ba o hindi?" tanong ko
"H-Hindi" sagot niya.
"Kakain ka o hindi?" paguulit ko ng tanong.
"Hindi nga"
Kumuha ako ng isang kutsarang kanin na may ulam at tinapat sa kanya.
"Ahhh" sabi ko.
"Ayaw" sabi niya at umusog ma atras.
"Ahhh" tinaasan ko siya ng kilay.
"Ehh ayaw nga" sabi niya.
"Isusubo mo o hahalikan kita?" pagkasabi ko nun ay bigla siyang lumapit sakin at kanain ang nasa kustara. "Kakain din pala e"
Sinubuan ko pa rin siya kahit ayaw niya, di ko alam kong bat ko to ginagawa e. Sabi ko maging sweet siya sakin pero ako yung naging sweet lanya. Lumapit ako sa kaniya para ma bulongan siya.
"Subuan mo ako" bulong ko.
"Ah?"
"Subuan mo ako" paguulit ko
"Ahlabyu"
Nagulat ako sa sinabi niya ahlabyu daw? ramdam ko ang paginit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Joke lang, kilig ka agad e" sabi niya at inagaw sa akin ang kutsa. "Oh, ahh"
sabi niya, di pa ako ngumanganga."Uyy Ahhh sabi e" sabi niya ulit ng nakangiti, first time siyang ngumiti sa harap ko ah.
"A-Ahh" sabi ko, sinubu niya sa akin ang pagkain.
"Sarap noh?" nakangiti pa rin siya
"Ah O-Oo" sagot ko, di ko ma alis sa kanya ang tingin ko. Bat ba siya ngumiti yung puso ko mygodd. "Bat ka naka ngiti?" sabi ko.
"Bawal?"
"Hindi naman, naninibago lang"
"Sabi mo maging sweet tas nagiging sweet nanga ako saaabihin mo naninibago ka?"
"Sweet? Anong sweet sa ginagawa mo ah? Wala naman" sabi ko kahit medyo sweet naman medyo lang.
"Anong hindi? Sweet kaya" nakangusong aabi niya, cute Ano cute? Hindi hindi mas cute ako