SHIANN'S POVTapos na ang kaklase namin, di naman ako nakinig kanina sa klase cellphone lang ako ng cellphone at paminsan minsan tinignan ko si Marfel pero para siyang tanga na naka tulala lang.
Naglalakad ako ngayon patungong tambayan, ako lang mag isa kasi si Lendel hindi pumasok walang hiyang yun di man lang nagsabi.
Malapit na ako sa tambayan at tanaw na tanaw ko ang isang imahe ng babae na naka tayo sa labas. Naka talikod ito sa gawi ko naka tingin lang siya sa pinto. Sino naman kaya toh?
Naglakad ako pa lapit sa likod ng babae,
"Huyy babae" tawag ko sa kanya.
Humarap naman agad siya, di ako nakapag salita nong nakita ko ang mukha niya like what the fvck anong ginagawa niya rito?
"Shiann," tawag niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ka agad "Kim" tawag ko sa kanya ng hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Shiann, can we talk?" tanong niya, tanga ba siya? Nag-uusap na kami ah
"Nag-uusap na tayo Kim" walang ka emo-emosyong sagot ko.
"U-Uhmm, gusto ko lang sabihin na I'm back" naka ngiti pangsabi niya, like seriously? Pumunta siya dito para sabihin lang yan?
"Hi back," walang ganang sagot ko.
"What the fvck?" kunot noong sabi niya "Sinong Back?" dugtong niya.
"Ikaw malamang, kakasabi mo lang na I'm Back nakalimutan mo agad?" masungit na sagot ko.
"What?" tanong niya.
"Bingi ka ghurl?" taas kilay kong sabi, kanina pa what ng what e
"What's wrong with you, Shiann?" tanong niya, what's wrong with me??
"I'm the one should ask you that, what wrong with you?" inis na sabi ko sa kanya habang naka turo ang sa kanya.
"What's wrong with me?" tanong niya pa balik.
"Hindi mo alam kung ano? Matalino ka di ba? Pero bakit hindi mo alam ang mali sayo?" sabi ko "Hays sinasayang mo lang ang oras ko Kim puwede ka ng umalis" pagtataboy ko.
"B-But Shiann----"
"But, what?" inis na tagang sagot ko, ano bang problema ng babaeng toh? "Puwede ba Kim deretsohin mo na kung anong gusto mo sinaaayang mo ang oras ko!" galit na ako.
"Ikaw, ikaw ang gusto ko!" biglang sigaw niya.
Gusto kong matawa sa sinabi niya, gusto niya ako? Sa lahat ng panlolokong ginawa niya? Tanga nga talaga to.
" Ako gusto mo? Nag-iisip ka ba ah?!" galit na sigaw ko "Kaya ka ba pumunta dito para makipag balikan saken ganun?" tanong ko mabilis naman siyang tumango, lumuluha na siya pero wala akong pake.
"Sa tingin mo babalik pa ako sayo pagkatapos ng panloloko mo sakin ah?! Hindi ako tanga Kim, tandaan mo niloko mo ako, tapos makikipagbalikan ka? Sa tingin mo ganun ganun na lang yun ah?!"
galit na sigaw ko, lumuluha na ako."Look Shiann I-I'm sorry please patawarin mo ako" lumuluhang sabi niya.
"Sorry your face" sabi ko at naglakad palayo.