MARFEL'S POVNakauwi na ako, wala na tuloy akong pera lintek na Shiann yun iniwan ako.
Pagkauwi ko usual pinahugas ako ng plato mabuti at hindi kasama ang bunganga ng aming tsismosang kapit bahay e.
Pagkatapos kong gawin ang lahat ng gawain ko ay pumasok na ako ng kuwarto. Nahiga ako at pumikit at na tulog habang buhay.
Joke.... Pumikit ako at bumalik sa isipan ko yung halik ni Shiann, lambot ng labi niya ah daig pa yata labi ko sobrang lambot.
Pero ughhhhh kinuha niya first kiss ko dapat para kay crush yun, para kay Jade. Speaking of Jade hindi ko na yata siya crush... Gusto ko na yata siya yieeeeeyut. Kasi naman sa tuwing ngingiti siya lalo ang nahuhulog. Ang cute niya ngumiti lumabas pimples niya dimple pala.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang cellphone ko sa bag. Inopen ko data tas nag log in sa Facebook, naka free data lang ako wala na akong pera pang pa load e. Yung ginamit kong pamasahe yun dapat yung pang pa load ko e langya kasing Shiann yun iniwan ako, kung hindi niya ko iniwan dun may load sana ako.
Sinearch ko ang pangalan ni crush 'JADE DE JESUS' may lumabas naman agad. Pinindot ko ang profile niya. Ramdam ko ang paginit ng pisngi ko ng makita ang profile niya, wala siyang damit pang itaas sa profile niya at naka brief lang siya bumubukol tuloy.
Joke lang.... Naka Nike short siya na kulay black at naka sandal sa railing ng yacht. Naka side view siya at nakangiti tinatangay ang buhok niya ng hangin ang guwapo niya lalong tignan. Sakto lang ang katawan ni crush di masyadong malaki at di rin naman payat sakto nga di ba. May six-packs abs siya hmm yummy manyak ka selp.
Nag friend request ako sa kanya, di ko alam kong online siya ngayon, di ko naman nakita ang cover photo niya dahil nga wala akong load.
Maglalag out na sana ako kaso may ng pop na massage request kaya tinignan ko ito, si Shiann.
' I'll pick you up tommorow morning'
yan ang chat niya sakin, nag reply ako
' Wag na' reply ko sa kanya.
' I'll pick you' reply niya naman.
' Hindi na nga' reply ko.
' I'll pick you nga' pasaway naman to sabing wag na e.
' Wag na nga e' reply ko ulit sa kanya.
' Bakit ba ayaw mo? Arte arte tandaan mo bukas magsisimula na magpapanggap kang girlfriend ko kaya kailangan sabay tayo bukas pagpasok' mahabang reply niya.
Ayyy bwisit oo nga pala na kalimutan ko.
' Ayy cge na nga bwisit na to'
' At puwede ba wag kang magmunura ka babaeng tao e'
' Wala kang magagawa, at tsaka di ako tao hayop ako' pagbibiro ko
' Ayy oo nga pala hayop ka suri na kalimutan ko' anak ng nagbibiro lang ako.
' Nagbibiro lang ako bwisit na to di mabiro'
' Wag ka ngang sabi magmumura simula bukas'
' Wala ka nga sabing magagawa dun bibig ko to hindi sayo'
' Meron akng magagawa babae'