Kabanata 1

4 3 0
                                    


Two years ago

Isang malalim na gabi, buwan ng Agosto taong 2015. Sa loob ng madilim na kwarto ng isang dalagang nangangalang Allison De Vera o mas kilala sa tawag na 'Alice'. Ang babaeng walang tulog o ang babaeng hirap lagi makatulog pagsapit ng gabi.

Pakaliwa, pakanan, pabaluktot o padapa. Hindi alam ng isang dalaga na ito kung saang pwesto sya magiging komportable sa pagtulog. Napakamaliit na bagay lang naman ang kanyang nais at kabilang pa ito sa kanyang mga pangarap. Ang makatulog nang mahimbing na walang ibang iniisip. Mananaginip at magiging masaya na katulad ni 'Alice in Wonderland.'

Habang nakahiga sya sa kanyang kama ay iniabot ng kanyang kamay ang cellphone na nakapatong sa gilid ng kama sa may maliit na table. She tries to call her boyfriend pero hindi ito sumasagot. Sinubukan nya ulit for the second time and for the third time pero nagri-ring lang ito.

Hindi na tuloy nagiging maganda ang iniisip niya sa kasintahan na si Mike Ivan Santos o 'Ivan.' Kahit gwapo ang boyfriend ay hindi ito ang tipong gustuhin ng mga babae. Matino at loyal ang pagkakakilala niya sa boyfriend ay hindi niya maiwasang mag-isip ng masama tungkol dito. For almost two years ng kanilang pagsasama ay ngayon lang sya nakaramdam ng kutob na bukod sa pagtatrabaho sa opisina ay may iba pa itong pinagkaka-abalahan sa opisina.

She tries to call her friend na kasama sa office ni Ivan. Si Lorraine 'Raine' Mariano- ang adventurous, sexy, fashionista at party-girl na naging kaibigan niya simula nang maging sila ni Ivan. Baka sakaling kasama pa niya ito dahil ang paalam ni Ivan ay birthday ngayon ng isa pa nilang kasama sa office na si Jonas Arellano na mas kilala sa tawag na si Joanna dahil sa pagiging bading niya na mas malapit na kaibigan ni Alice. Tunay na naging barkada na ni Alice ang mga ito dahil kay Ivan.

Nagri-ring lang din ang cellphone ni Lorraine kaya mas minabuti nyang tawagan si Jonas na agad namang sumagot sa kanya.

''Hello mars....happy birthday huh...Sorry di ako nakasama kay Ivan, alam mo naman kung gaano ako ka-busy.'' Habang si Alice ay nakatingin sa kisame at malalim nanaman ang iniisip.

''Okay lang yan mars noh...I really appreciated nga pala yung pinadala mong gift. Thanks huh...I love it! Oh, napatawag ka? Hindi ka nanaman makatulog noh. I told you na diba na pa-consult ka na sa doctor'' nag-aalalang payo ni Jonas sa kabilang linya.

''Naku, pabayaan mo na'ko mars. Ah pala mars...kumusta naman party mo? Hindi pa ba tapos kung pupunta pa ba ako ngayon hahabol pa ako?'' agad na tanong ni Alice.

''Sorry mars huh...kanina pa tapos party ko, it's 1 AM na oh...Maaga kong pinatapos kasi may pasok tom eh! Okay lang sana kung weekend bukas. Teka...kanina pa umuwi si Ivan ah...sabi nya pupuntahan ka raw nya.'' Lalo tuloy gumulo ang isipan ni Alice sa kwento ni Jonas.

''Talaga ba mars? Pero...wala sya rito. Hindi nga sya sumasagot sa mga tawag ko eh.'' paliwanag naman ni Alice habang tinatanggal ang kumot sa ibabaw ng katawan nya. Sumasagi na kasi sa isip nya na puntahan si Ivan sa apartment nito.

''Ahm...e ano kasi mars e...kasabay nyang umuwi kanina si Lorraine. And one thing don't get me wrong but-''

Hindi pa tapos si Jonas sa kanyang sasabihin ay binabaan na agad siya ng tawag ni Alice. Agad na bumangon si Alice. Hinubad niya ang damit pantulog saka tumungo sa harap ng kanyang cabinet. Maikling short at hanging shirt ang kanyang pinalit. Lumabas siya ng kwarto at nakahanda nang alamin kung bakit ba nanlalamig na sa kanya ang kanyang boyfriend.

Parang lalaki siya kung paano dalhin ang kanyang kotse. Mabilis at walang preno. Hindi siya takot sa anumang bagay at kung may isa man siyang kinatatakutan ay ang kanyang sarili. Maraming taon na niyang nilalabanan ang kanyang emosyon dahil sa mga naranasang hindi magandang pangyayari sa kanyang buhay. Pagbaba niya ng sasakyan ay agad siyang pumunta sa pinto ng apartment ni Ivan. Nang hawakan niya ang doorknob ay napansin niyang hindi ito naka-locked kaya pumasok siya. Matinding kaba ang naramdaman niya nang makapasok siya sa loob. Tahimik at patay na ang ilaw sa may sala. Nakakalat ang mga magazine sa may table at pati ang mga unan na nasa sahig. Iisa lang ang kwarto ng bahay kaya alam agad ni Alice kung saan sya didiretso. Nang nasa harap na sya ng pinto ng kwarto ay napahinga na'lang sya ng malalim sa matinding kaba na nararamdaman.

"Balang Araw"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon