Kahit si Ivan ay hindi rin makapaniwala sa kanyang sarili kung paano niya nagagawang saktan si Alice. Buong akala ni Lorraine ay magiging masaya na siya simula noong nagpaubaya si Alice. Subalit ito pa pala ang magiging dahilan para maging magulo ang relasyon nila ni Ivan.
''I don't understand kasi babe, kung bakit pumunta pa ang Alice na yun sa party ni Chloe. Sana hindi mo na sinabi kay Alice na gusto syang makita ng bunso nyo. So...sana walang mangyayaring gulo. Nakakahiya sa mga bisita lalo na kina Tita at Tito!' pagrereklamo ni Lorraine habang nakasakay sa loob ng kotseng minamaneho ni Ivan.
''Akala ko ba tapos na tayo dyan. Paulit-ulit ko na'lang ba ipapaliwanag sayo na kaya ko nga pinilit pumunta dun si Alice ay dahil yun ang gusto ng bata,'' naiinis na sabi ni Ivan habang patuloy sa pagmamaneho ng kanyang kotse.
''Gusto ng bata at gusto mo rin naman. Kasi gusto mo rin syang makita hindi lang ni Chloe'' dagdag pa ni Lorraine na mukhang hindi sang-ayon sa paliwanag ni Ivan.
''Tama na Lorraine pwede ba? Hindi pa ba sapat sayo na halos ipagtabuyan ko si Alice nong nag-away kayong dalwa sa harap ng maraming tao.'' Konti nalang ay mapipikon na si Ivan kaya dinadaan na'lang nya sa pagmamaneho nang mabilis.
''So tama naman talaga yun diba? Kasi nakita mo naman na sinaktan na nya ako. Binato nya sa'ken yung bangko!'' panunumbat pa ni Lorraine.
''Pero nakita ko rin na ikaw ang nauna. Hindi naman gagawin yun ni Alice kung hindi mo sya pinikon diba. Alam mo ba Lorraine kung gano ka immatured nung time na yun na dahil lang sa bangko nakipag-away ka talaga!''
''Wow hah...at kinampihan mo pa talaga yung boring mong ex. Alam naman natin pareho na medyo may sayad ang babaeng yun diba. Ikaw narin ang may kwento dati na mahilig talaga syang manakit in physical, pati nga sarili nya diba sinasaktan nya. Tapos madalas pang wala sa sarili o kaya hahalakhak na'lang ng wala namang dahilan. Sinasabi nya lang na may insomnia sya pero baliw talaga sya. She's crazy babe! Dapat sa kanya walang kaibigan nang wala syang madamay na iba!'' Dahil sa kakadaldal nitong si Lorraine ay doon na tuluyang napikon si Ivan at sinadya niyang itigil bigla ang pagmamaneho. Hindi man maamin ni Ivan pero nainsulto rin siya sa mga panunumbat ni Lorraine para kay Alice.
''Can you stop it Lorraine, o kung hindi ka titigil ay mas mabuti sigurong bumaba ka muna at baka may hindi pa ako magandang masabi sayo,'' mahinang sabi ni Ivan pero halata sa boses niya ang tonong galit.
''Okay fine! Kung napikon ka sa mga sinabi ko wala na akong magagawa dun, kasi nga...it's true naman diba. Masakit talaga minsan marinig ang katotohanan. Dyan ka na!'' galit na paalam ni Lorraine at pabagsak pang sinara ang pinto ng kotse matapos lumabas.
Agad namang pinatakbo muli ni Ivan ang kotse matapos ibaba si Lorraine ngunit dahil sa mabigat na pakiramdam ay muli niya itong itinigil sa gilid. Naalala ng binata ang isa sa mga pinakamasakit na pinagdaanan noon ni Alice na mismo sya ang nakasaksi.
Flashback...
Three years ago. Ito ay ang mga panahong magkaibigan palang sila ni Alice. Sinamahan ni Ivan si Alice na pumunta sa bahay ng ama nito.
''Akala ko Ivan, okay na kahit hindi ko na makilala ang tunay kong ama. Pero parang may kulang sa buhay ko. Siguro ito ang panahon na makasama ko na sya. Kung pinili lang sana ako ni mama kesa dun sa lalaking pinakasalan nya, siguro magiging sapat na sa akin na kahit hindi kilalanin si papa'' kwento ni Alice habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse ni Ivan. Pinagmamasdan nito ang isang malaking bahay sa labas.
''Ano Alice handa ka na bang makita sya?'' tanong ni Ivan na masayang-masaya para kay Alice.
''Sige na bababa na ako. Dito ka lang muna huh...'' paalala ni Alice bago lumabas ng kotse na kitang-kita sa mukha nito ang excitement.
BINABASA MO ANG
"Balang Araw"
RomanceSimple lang naman para sa isang Allison 'Alice' De Vera ang kanyang hinahangad at iyon ay ang makatulog nang mahimbing. Subalit maraming mga bagay ang sumisiksik sa kanyang isipan na nagiging dahilan kung bakit hindi niya magawang makatulog. Ang pag...