Kabanata 3

7 3 0
                                    

Walang takas si Xyrus sa paglibre kay Migz sa pinakamahal na kape sa isang coffee shop. Pinatong niya ang kapeng hinahangad ni Migz sa harap nito saka umupo sa tapat ni Migz.

''Thanks sa pustaan natin 'pre huh...napilitan ka tuloy bilhin yung pinakamahal na coffee dito. Hehehe,'' pagkakantsaw ni Migz sa natalong kaibigan.

''Oo na...sige na. Hindi ko naman kasi expected na yung may-ari pala nong bookstore at yung babaeng lasinggera ay iisa lang.'' Halos hindi parin makapaniwala si Xyrus na muli niyang makakaharap ang babaeng isang gabi lang siya binigyan ng sakit ng ulo pero matinding pagtitiis sa kanyang pagkalalaki ang dinanas noong gabing inalagaan si Allison De Vera.

''You know 'pre, it is called tadhana. Biruin mo last month pa kayo huling nagkita. Ni hindi mo nakuha ang pangalan or number nya pero nagkita parin kayo. So it means na...ang unang gabi nyo ay masusundan pa ng pangalwang gabi.''

''Hoy tumigil ka nga jan 'pre. I know what you are thinking huh,'' mabilis na pagtanggi ni Xyrus sa biro ng kaibigan.

''Sus...bakit hindi? E diba...yun lang naman talaga gusto mo sa mga babae. Hindi mo pa aminin na fuckboy ka eh.'' Patuloy na tinutukso ni Migz si Xyrus habang hindi naman makasagot ang binata sa katotohanang tumitira sa kanya. Mabilis na bumalik ang kanyang alaala sa lahat ng mga kalokohang nagawa niya.

Flashback...

Sa isang madilim na kwarto kung saan silang dalwa lang ang nagkakakitaan sa kanilang ginagawa. Si Xyrus at ang babaeng tila sayang-saya na nasa ilalim ng katawan ni Xyrus.

''Hmn...go Xy. Sasalubungin kita. I ca-can feel it na baby. Yan...mga ka-tulad mo gusto ko Xy...mga fuckboy. Ang galing mo...sige pa Xy...Okay lang ba sayo...kahit maluwag na? Marami na kasing...hmn...nakapasok jan e'' mapanuksong sabi ng babaeng kadikit ang katawan ni Xyrus.

''Okay lang yun. Mga katulad mo yong gusto ko...'' bulong ni Xyrus sa tainga ng babaeng tila hindi napapagod at lalo pang napapaungol sa ginagawa ng lalaking nasa ibabaw.

''So...you don't want a virgin?'' pabulong na tanong ng babae.

''Ayoko, ayoko sa kanila. Sige na, ikaw na ulit sa ibabaw. Andaya mo eh...'' bulong muli ni Xyrus saka naman tatawa ng mahina ang babae at agad pumunta sa ibabaw ng binata.

Naagaw ang atensyon ng dalawa nang tumunog ang pintuan ng kwarto. Isang babae ang pumasok na naging dahilan sa pagtigil nila sa kanilang ginagawa.

''Xy...Sinungaling ka. So totoo nga ang sinabi nila na fuckboy ka!'' Umiiyak sa galit at sakit ang babaeng nasa harap ng dalawa. Ngunit isang ngiti lang ang naging reaksyon ni Xyrus.

''Stop it. Bakit ka'ba nagrereact ng ganyan e...wala namang tayo. Diba sabi ko naman sayo ayaw ko ng commitment.'' Nainsulto ang babaeng umiiyak dahilan upang bigyan niya ng isang malakas na sampal ang lalaking nanloko sa kanya.

''Yan! Yan! ang dapat sa mga fuckboy na katulad mo! Kaya ikaw Miss Malandi mag-ingat ka dyan sa lalaking yan! Hindi mo ba alam na gagawin ka lang din nyang parausan!'' huling sabi ng babae bago tuluyang padabog na lumabas ng kwarto.

Sa halip na awa at konsensya ang maramdaman ni Xyrus ay nagawa pa niyang ngumiti hawak-hawak ang namumula niyang pisngi dulot ng malakas na sampal ng babae.

..................

''Alam mo 'pre ni hindi nga ako maniwala sayo na wala kang ginawa sa babaeng yun nong gabing inaalagaan mo sya e. Lasing sya at walang malay kaya pwedeng-pwede mo gawin sa kanya ang lahat ng gusto mo.'' Interesado at hinihintay ni Migz na ikwento ni Xyrus ang totoong nangyari sa kanila ng owner ng bookstore dahil ayaw niyang maniwala na walang ibang nangyari.

"Balang Araw"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon