Kabanata 9

5 2 0
                                    

            Malalim na ang gabi at tahamik ang kapaligiran. Tanging ang hampas lamang ng alon sa dalampasigan ang naririnig ng dalwa bukod sa kanilang kwentuhan. Nakatayo sila sa may gilid ng balkonahe ng tinuluyan nilang bahay na may istilong pagka-bahay kubo.

''Alice, tama na yang inom hah. Baka malasing ka nanaman,'' saway ni Xyrus habang hawak-hawak din ang isang bote ng beer.

''Ang o.a mo naman, e dalwang bote pa'lang ang naiinom ko. Ikaw dalwang bote rin, e apat lang naman yung dala ko diba kaya anong sinasabi mo dyang malalasing!'' pambabara ni Alice.

''Pinapaalala ko lang po. Eto naman ang dami na agad sinabi.''

''Sa bagay, infairness hah...tumatalab yung mga ginawa mong pagdikta-dikta sa'kin. Salamat hah!'' Tinapik niya si Xyrus sa balikat na parang tropa kaya agad napansin ni Alice ang magandang ngiti ng binata.

''O ayan iba nanaman yang ngiti mo. Kinikilig ka nanaman sa simpleng pasalamat ko. Hindi ko expected na natatablahan pa pala ng kilig yang mga katulad mong fuckboy!'' pang-aasar nanaman ni Alice.

''Oo naman, kaso ngayon lang. Ngayon lang ako tinablahan ng kilig. Sayo lang...'' Diretsong tingin ng binata sa unahan habang hindi naman pinahalata ni Alice ang naramdamang kilig.

''Gago, umaasa ka nanaman. Baka nakakalimutan mo nanaman ang ultimate rule natin,'' paalala ni Alice saka uubusin ang laman ng boteng hawak-hawak.

''Bawal umasa, hintay lang ang pwede. Don't worry Alice hindi ko yun kakalimutan.'' Ngunit sa puntong iyon ay nagawang magsinungaling ni Xyrus sa kanyang binitawang salita. ''Alice-''mahinang tawag ng binata.

''Bakit?'' tanong naman agad ni Alice.

''Posible bang maging tayo?'' malumanay na tanong ng binata habang nakatitig sa dalampasigan na napapaliwanagan ng malaking buwan.

''Hindi ko alam,'' tipid na sagot ng dalaga na tumagos sa puso ni Xyrus.

''Bakit hindi mo alam?'' Tila hindi kontento ang binata sa naging sagot ni Alice.

''Kasi...ayokong umasa sa mga bagay na hindi naman sigurado. Gusto kong magmahal pero hindi ko naman na ulit kayang magtiwala. At saka...wala akong tiwala sa mga katulad mong fuckboy noh!'' prangka ni Alice na may kasama pang biro kahit mabigat sa kanyang loob.

''Bakit? Ako nga naayos kita e, kaya mo rin naman akong baguhin diba?''

''Gago, hindi tayo bagay. Per-pero susubukan kong maghintay,'' dagdag pa ni Alice na agad nyang susundan nang malakas na tawa.

''O bakit?'' nakangiting tanong ni Xyrus kahit may kirot sa kanyang damdamin ang kanilang usapan.

''Teka...ano bang pinag-uusapan natin? Para tayong mga sira noh! Masyado tayong seryoso! Usapan lang yun ng mga nagmamahal na diba? E hindi naman tayo ganun e!'' Pilit babawiin ni Alice ang kanyang mga sinabi kahit alam niyang totoo na sana.

''Oo nga, ang drama naten. Practice lang yun Alice,'' pakunwaring tumatawang sabi ni Xyrus saka maaagaw ang atensyon niya sa magri-ring na cellphone sa kanyang bulsa.

''Excuse lang Alice huh...sagutin ko lang,'' paalam ni Xyrus bago saglit na pumasok sa loob ng maliit na bahay. Agad namang pumunta sa gilid ng balkonahe si Alice para kunin ang isa pang tinagong beer in can.

''Hay...sensya na Xy hah, gusto ko lang masarap tulog ko ngayon.''

Iinum na sana si Alice nang bigla namang lumabas si Xyrus galing sa loob ng bahay. Naansin agad ni Xyrus na hindi na bote ang hawak ni Alice.

"Balang Araw"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon