''Lorraine had everything. Pormal at disente hindi katulad ng Allison na yun. Mabuti na lamang at naghiwalay sila ng Kuya mo dahil baka mamaya masaktan nya pa ang Kuya mo. Tingnan mo nga yung ginawa nya kay Lorraine nong birthday ng kapatid mo.'' Hanggang ngayon ay hindi parin makalimutan ng ina ni Ivan ang nangyari sa birthday party ni Chloe. Nakaupo siya sa kusina habang katapat ang isang anak na dalaga.
''Kaya nga ma e...nakakahiya nga sa mga bisita. Binato nya pa talaga ng bangko si Ate Lorraine. You know what? Mukha ngang tama yung sinasabi ni Ate Lorraine na may pagkabaliw ang babaeng yun!'' dagdag pa ng dalagang kapatid ni Ivan. Wala naman silang malay pareho na rinig na pala ni Ivan ang pinag-uusapan na pupunta na sana ng kusina.
''Hindi baliw si Alice. Meron lang depression kaya ganon sya. Marami syang mahirap na pinagdaanan sa kanyang pag-iisa. Kaya sana naman sa halip na insultuhin nyo ang pagkatao nya, dapat kayo pa yung mas nakaunawa.'' Dumiretso sa harap ng ref si Ivan na kanina lamang ay nakatigil sa isang tabi. Kumuha ng isang bote ng beer si Ivan at napahigpit pa ang kapit niya sa bote.
''Makaunawa? So uunawin na'lang ba namin kuya yung nakakahiyang ginawa nya sa birthday ni Chloe? If I know lang naman na kaya ka naglalasing e dahil hindi ka makamove-on sa babaeng yun.'' Tagos naman sa puso ni Ivan ang sinabi ng kapatid.
''Hindi ugaling mauna ni Alice sa away. Pero kung uunahan mo sya, gagantihan ka talaga nya,''pagtatanggol ulit ni Ivan sa dating kasintahan saka napa-walk out dahil sa inis.
Nakaupo si Alice sa harap ng maraming libro sa kanyang bookstore. Tila ba lampas pa ang tingin niya sa mga ito sa lalim ng iniisip.
''Hindi na maaring magtuluy-tuloy pa ang mga ginagawa ni Xyrus para sa'ken. Hindi bagay na nagpapakabuti sya para sa'ken. Dahil kapag pinagpatuloy nya pa ang lahat, baka tuluyan na akong magtiwala sa kanya'' ang sabi niya sa kanyang isip na labis na nagpapagulo sa kanya.
Nagmamadali naman si Xyrus na tapusin ang kanyang lahat ng trabaho. Nasa harap niya ang patong-patong na dokumento na kanyang pinipermahan. Bubukas ang pintuan ng kanyang opisina dahil sa pagdating ni Migz.
''Hey...it looks like busy ka masyado ngayon Sir ah!'' bati ni Migz na ipinatong din sa harap ni Xyrus ang isa pang documents.
'''Pre 'kaw muna bahala mamayang hapon dito hah. Maghahalf-day kasi ako,'' paalam ni Xyrus na patuloy sa kanyang ginagawa.
''Hah? Ano? Pero 'pre...hindi ba't mamaya ang presentation ni April para sa kanyang target this month?'' nag-aalalang tanong ni Migz.
''May emergency lang kasi 'pre so...ikaw muna bahala. You can do it 'pre. Thank you!'' Agad na tumayo ang manager at napatapik na'lang sa balikat ni Migz bago lumabas ng opisina. Napailing na'lang si Migz sa kaibigan.
Napansin ng dalwang guard ang dumating na pulang kotse sa gate ng isang subdivision kaya lumapit sila sa may bintana ng kotse.
''Hi Kuya Magandang tanghali. Naglunch na kayo?'' bati ni Xyrus sa dalwang guard na nagbabantay sa gate.
''Naku sir, kayo ho pala. Hindi pa nga eh!'' Nakahawak ang isang guard sa kanyang tiyan na nakararamdam na ng gutom. Agad namang kinuha ni Xyrus ang isang platic bag sa kanyang tabi.
''O eto kuya oh...may dala akong food. Para sa inyo talaga yan!'' pambobola ni Xyrus para madaling makapasok sa may gate.
''Naku Sir, salamat po. Tamang-tama hindi pa kami nakaka-pananghalian'' tuwang-tuwang tanggap ng guard sa inabot ni Xyrus.
''Welcome kuya, sige po didiretso na ako. Maglilinis kasi ako ngayon sa bahay ni Miss De Vera'' paliwanag ni Xyrus.
''E kaya naman pala mukhang ang dami nyo hong dala. Napakaswerte naman ni Miss De Vera at meron syang boyfriend na katulad nyo.'' Napangiti na lang si Xyrus sa sinabi ng guard.
BINABASA MO ANG
"Balang Araw"
RomanceSimple lang naman para sa isang Allison 'Alice' De Vera ang kanyang hinahangad at iyon ay ang makatulog nang mahimbing. Subalit maraming mga bagay ang sumisiksik sa kanyang isipan na nagiging dahilan kung bakit hindi niya magawang makatulog. Ang pag...