Katapusan ng Pebrero taong 2017, alas-sais ng gabi sa dating tagpuan nilang dalwa. Sa wakas, dumating na'rin ang araw na pinakahihintay ni Xyrus Evangelista. Ang araw na pinangako nila sa isa't-isa ng babaeng mahal niya na muli silang magkikita.
Naghihintay kasama ang singsing na yakap-yakap ng kanyang palad sa isang Acoustic Resto Bar. Sa pinakataas na palapag siya nag-aabang sa isang babaeng aakyat sa may hagdan. Tiwala siya sa bilog na buwan at mga tala na makakamit na ngayon ang kanyang pinakahihintay.
''Wala pa sya. Para namang hindi ka nasanay Xy na laging malalim na ang gabi kapag nagpapakita yun.'' Matapos niyang tumingin sa kanyang relong suot na mag-aalasyete na ng gabi. May mga customers na mga ilan sa kanyang paligid kasama ang mga barkada at kasintahan.
Sabik niyang kinuha ang cellphone na nakalapag sa mesa nang umilaw ito. ''Dumating ka na pala 'pre!'' ang mensahe sa kanya ng kaibigan na si Migz. Muli niyang pinatong ang cellphone sa mesa at binalik ang sarili sa paghihintay. Inaabangan niya ang bawat kababaihang umaakyat ng hagdan. Subalit ni wala isa sa mga imahe ng mga babaeng dumarating ang kanyang hinihintay. Ang dalagang may matang katulad ng tigre, kitang-kita ang maputi at makinis na hita sa suot na maikling short, magulo ang ayos ng mahabang buhok at kahit walang make-up ay mapula ang labi nito. Parang laging may kaaway kung kumilos, parang walang bukas kung humalakhak, parang tubig lang kung inumin ang alak at puro masasamang salita ang nilalabas ng bibig. Si Allison De Vera o si ''Alice'' na binigyan ng kamanghaan ang bawat gabi niya. Hindi lamang sa panaginip kundi sa totoong buhay.
Alas-otso ng gabi nang muli siyang nasabik sa isa pang message na dumating sa kanyang cellphone. ''U deserve d promotion Sir! Congrats in advance!!!'' Ngunit sa halip na maging masaya sa mensahe ng kasamahan niya sa trabaho na si April ay bumagsak lang ang kanyang balikat.
Ganon na lamang kung hangaan si Xyrus ng kanyang mga kasama sa trabaho pati narin ng kanyang mga boss. Madiskarte, mapamaraan, at halos ipagmalaki siya ng kompanya bilang isang Brand Manager. Akala nga ng lahat ay 'complete packaged' na ang isang Xyrus Evangelista na hindi lang madiskarte sa trabaho at magaling din pagdating sa personal na buhay. Dahil disente, gwapo at binata ay maraming babae ang madaling mahumaling sa kanya. Ngunit ang isang disenteng itsura niya ay kabaliktaran na pala kapag makilala mo siya nang mabuti. Mabilis siya sa babae, ayaw niya ng seryoso dahil panandalian lang ang nais niya. Isang salita pa lamang ang lumalabas sa kanyang bibig ay agad na sasama ang kanyang makilalang babae sa kwarto. Isang gabi lang niya nais makasama ang isang babae pagkatapos kinabukasan iba ulit at karamihan ng mga nais niya ay iyong mga sanay na pagdating sa kama
Si Xyrus Evangelista ang 'fuckboy' kung ituring ay hindi aakalaing umabot na ang paghihintay sa isang babae hanggang alas-dyis ng gabi.
''The number you have dial is out of coverage area. Please try your call later.'' Paulit-ulit lang na ito ang sinasagot sa kanya ng cellphone sa tuwing tatawagan niya ang kanyang hinihintay.
''Kuya, isang bucket po ng beer.'' Ito ang magiging kasama niya sa paghihintay. Sa muling pagbalik ng waiter dala ang alak niya ay agad niyang ibinuhos ang laman ng beer sa kanyang lalamunan. Saktong naubos ang lahat ng laman ng bote ng alas-onse na nang gabi.
''Maari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay makapiling ka
Muli kang masilayan
At muli kang mahagkan
Sana'y 'di na iwan pang muli.''Rinig na rinig niya ang kantahan mula sa ibaba ng resto bar na tila ba nais siyang panain ng bawat linya ng awitin. Pagkatapos marinig ng awitin ay unti-unti nang nawawala ang mga customers sa kanyang paligid.
''Sir...magsasara na po kami. Pasensya na po,'' ang pagpapaalam sa kanya ng isang waiter na lumapit sa mesa niya. Napailing na lamang ang binata ng makitang mag-aalauna na pala sa kanyang relo. Nag-abot siya ng pera sa waiter. ''Keep the change'' saka agad na bumaba ng hagdan.
Nasilayan niya ang dagat na katapat lamang ng pinuntahang resto bar. Hampas ng bawat alon ang naririnig niya mula sa dalampasigan.
''Ang sabi mo 'balang araw'. Ngayon dapat yun diba? Talo nanaman ako sayo. Sa bagay...may ultimate rule nga pala tayo 'bawal ang umasa, hintay lang ang pwede.' Ikaw kasi Xy, umasa ka e...ayan nasaktan ka tuloy.'' Nakatingala ang binata na tila ba naririnig siya ng mga tala at buwan. Ang puso niya na kanina ay kumikirot lamang na ngayon ay nagdurugo na sa sakit.
Si Xyrus Evangelista na naghintay sa wala ay muling babalik sa kanyang alaala ang pinagsimulan ng kanyang paghihintay. Simula noon at hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
"Balang Araw"
RomanceSimple lang naman para sa isang Allison 'Alice' De Vera ang kanyang hinahangad at iyon ay ang makatulog nang mahimbing. Subalit maraming mga bagay ang sumisiksik sa kanyang isipan na nagiging dahilan kung bakit hindi niya magawang makatulog. Ang pag...