[A/N: Salamat muli sa pagtigil! Sana magustuhan nio ang mga susunod pa na chapter. Leave a comment after you read! Thanks!]
--------------
* Liam/Lianne's POV *
" The Ms. Teen Gay 2011 is... Lady Lianne!! "
Oh? Ang beauty ko nga naman, hindi kukupas. Siempre, Lady Lianne yata 'to!
" Hoy Liam! Umalis ka na nga dito! #@$£%*! "
Si Kuya TJ, wala nang ginawa kundi ipahiya ako.
Umakyat sia sa stage at hinila at sinira ang beautiful gown ko. Yung kaganda-gandang tiara ko ay sinira nia din.
" Hindi ka na nahiya! Kayo! *tinuro ang audience* Wag niong tutularan 'tong baklang 'to! "
Hinila ako pababa ni Kuya.
" Imbis na pagaaral ang inaatupag mo! Naisipan mo pang sumama sa mga gay contest! Halos ipahiya mo na ang reputasyon ng pamilyang 'to! "
PAAAAAK!
Sinuntok ako ni Kuya. Halos mangiyak-ngiyak ako sa sakit. Ano ba, pinaghirapan kong make-upan yung mukha ko.
" Oo! Masyado ka nang matalino! Masyado ka na! "
Tumakbo na lamang ako pauwi. Sumusobra na talaga si Kuya.
Paguwi ko, pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid.
" Diba ayan yung hearthrob sa school? "
" Oo nga eh. Sayang, BEKI pala. "
Alam ko. Mahirap paniwalaan. Pogi nga daw kasi akech. Pero, I prefer to be a Sirena rather than a Shokoy.
" Shokings! Kahiya-hiya naman yung nangyari sayo sa contest! " Biglang sumulpot ang Chakang palaka na si Ervin, este Vina sa gabi.
" At least, hindi kagaya ng mukha mo, kahit hindi na jombag (bugbog), laspag-laspag. Kaya hindi ka nananalo sa contest. "
" So what. At least... Uh-uh. "
" Wag ka nang jumirit pa. Nako, inimbeys mo lang ang night ko. Tumabi ka nga, laspagin ko yang feslac (mukha) mo. "
Lumakad nalang ako. Isa nga naman kasi akong, kaawa-awang beki.
...
Pagkauwi ko, sinalubong ako ni Mudra.
" O, anong nangyari sa'yo? "
" Sinun-- "
Dumating si Kuya.
" 'yang anak nio, pagsabihan nio! "
Napaiyak ako sa sama ng loob.
" Lianne, ano bang nangyari? " Tanong ni Mudra.
" Sinu-nuntok po ako ni Kuya-ya. *sniff* "
" Hayaan mo na ha. Ako na'ng bahala sa Kuya mo. "
Umakyat na ako sa 2nd floor ng aming bahay. Nadatnan ko ang ate ko.
" Liam, ok ka lang? " Tanong nia.
" Mukha ba akong ok? Eh, nalaspag na ang beauty ko. "
Nagawa pa akong tawanan ni Ate.
" Kaw kasi eh. Uy, bukas, pasukan na ha. "
4th year - High School na nga pala ako sa pasukan. Maybe it's time for me to change a... BIT.
...
Nagprepare na ako ng breakfast, at siempre, para di masira ang image ko, nag mistulang tomboy muna ako.
" Gwapo ni Brotherhood ah. HAHAHA. " Sabi ni Ate Jeanne.
" Siempre. " Nilaliman ko ang boses ko. Hay nako, andun nanaman ang Kuya ko.
" Plastik. Walang modo. Di na nahiya. " Sabi nia, at saka tumayo para umalis.
" Hwag mo nang intindihin. Andito naman ako. " Sabi ni Ate Jeanne. " Kain ka na. "
Kumain na ako. Ako ang nagprepare, si Kuya ang umubos. Sia kaya ang jombagin ko jan! Sia kaya ang walang modo.
...
* School *
Pumasok na ako sa School. Halos lahat ng babae, nakatingin sa'kin.
" Shieks, ang Hearthrob of Campus, TEEN GAY pala. "
" Hindi naman. Look, ampogi ooh! "
Kalat na pala.
" Oh, Liam! Este, LIANNE! Musta? " Pangaasar ni Robert. Ang bully sa school.
" Hwag mo akong susubukan. " Sabi ko.
" Bakit? Lulunok ka ng bato ni Darna? "
Sinubukan ko siang suntukin pero may biglang sumingit.
" WAG NIO SIANG KAKALABANIN. AKO ANG KALABANIN NIO. "
-
-------------------
LEAVE A COMMENT GUISE!
Nako, dito na ba magsisimula ang Gay-Tomboy Love Story? Abangan. x
msfpotograper =) x
BINABASA MO ANG
A Crazy Love Story ( Si Boy at Si Girl )
Teen FictionAt dahil naglaho agad ang kakaibang love story ni Liam at ni Cameron, ready na kayang magmove-on si Liam? Nang dumating si KC sa buhay nia, handa na kaya siang buksan ang puso nia na nakasara pa rin para kay Cameron? Eh nasan na nga ba kasi si Camer...