Book 2, Ch. 3.2

214 2 0
                                    

[ A/N : Hi madlang readers! Gulat kayo noh? Napaaga ang update ng ACLS dahil ayokong mabitin kayo sa Chapter 3. So, stay tuned! Spread the loooooveeeee~ ]

-----------------------------------------

* POV NI LIAM *

Kilala ko yung boses nia. Kilalang-kilala.

" MR. AGONCILLO! GUMISING KA NGA! "

Pucha, panaginip lang pala.

" Miss, wag na po kayong magalit. Nasagutan nia naman yung seatwork eh. Tignan nio, mukha pa ngang perfect nia eh. " Sabi ni Jerome pagkahabol nia kay Mrs. Robles. Magaling sumegway tong si Jerome, kaya bilib na bilib ako.

" Osya Mr. Agoncillo, sa susunod na mahuli pa kitang tulala, tatayo ka na sa harap ng oblation! " Hay, hindi talaga alam ni Mrs. Robles kung anong sinasabi nia. Sus, edi pag tumayo ako don, mapupuno ang storage ng cellphone ng mga babaeng malalandi kakapicture sakin. Chos!

" Tol, bakit ka kasi tulala kanina? Para ka namang gago oh, alam mo namang nagsasalita ng tapos yang si Mrs. Robles. " Aba, nagago pa ko neto ni Jerome. Sabagay, masyado lang siang concern sakin pero di nia lang pinapahalata.

" Ewan ko ba, feeling ko kasi may connection tong si KC kay Cameron. Kakaiba. Nung kayakap ko sia, pakiramdam ko, kayakap ko si Cameron. " Paliwanag ko kay Jerome.

" Edi tanongin mo si KC? Wala namang masama kung di mo sia tatanungin diba? Don't worry tol, magrring na yung bell ng mga taga-archi. " Pati si Jerome, porsigidong mahanap ko yung kasagutan sa nararamdaman ko. Hindi ito joke, gusto ko na talagang mahanap si Cameron.

* Ringgggggggg! *

" Yan tol, antayin nalang natin siang lumabas dito. " Nakatayo lang ako sa labas ng room nila. Tinignan ko sia sa may bintana.

Nagiisa lang sia, at naaawa ako. Parang walang kumakausap sa kanya.

" KC! " Tinawag ko sia. Paglingon nia, tumayo na sia at tumakbo. Harujusko, don't tell me, papahabulin nia ko. Minsan lang maghabol ang poging tulad ko noh.

" Bakit ka ba nandito? Tapos na yung pagtulong mo sakin diba? " Parang pinipilit niang maging boses suplada pero parang naiiyak na sia.

" Gusto kitang makilala. " Sabi ko.

Unti-unti akong lumapit sa kanya. At hinawakan ko ang mukha nia.

At hinalikan ko sia.

" L-L-Liam! " Sigaw ni Jerome pero di nia man lang nia ko pinigilan.

Habang nagkkiss kami, nararamdaman kong dilat yung mga mata nia dahil nagulat din sia at di ko din naman inakalang gagawin ko yon. Nalaglag yung dala niang t-square sa paa ko pero di pa din ako tumigil. Pakiramdam ko kasi....

si Cameron yung babaeng hinahalikan ko.

Hanggang sa tinulak nia na 'ko at muntikan na akong matumba.

* paaaak! * Sinampal nia 'ko. " Bakit mo ba ko hinalikan? Ano? Nakikinig ka sa mga pinagsasasabi ng mga babae kanina? Lumayo ka na sakin o! Please lang. Please. Ayoko nang magkagulo. "

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kumbakit ko sia biglang hinalikan. Masakit din yung pagkakasampal nia sakin, pero siempre tanggap ko naman yon dahil pabugso-bugso lang ako.

" Liam! "

* boooogshhh! * Sinuntok ako ni Jerome sa mukha.

At napabagsak naman ako. At bigla ring tumulo yung mga luha ko.

" Tol naman eh, akala ko ba si Cameron lang? Tol, iba na yun eh. Bakit mo sia hinalikan? BAKIT MO HINALIKAN SI KC? Tol, alam kong wala si Cameron dito pero parang kapatid ko na yung babaeng yon tapos tinraydor mo sia? " Naiiyak na rin si Jerome dahil parang kapatid nga naman talaga ang turing nia kay Cameron.

Bumalik si KC sa may tapat ng bintana at tinulungan akong tumayo.

Nung hawak ko yung kamay nia, may napansin akong bracelet.

Yung bracelet na binigay ko kay Cameron.

--------------------------------------

* Chapter 3.3 Preview *

" Binigay nia sakin 'to nung pinauwi nia ako sa Pilipinas. Sabi nia, kung dala ko to, makikilala mo daw agad ako. "

Bitin nanaman ba? Siempre, ieextend ko ang Chapter 3 hanggang 3.5! So stay tuned!

READ, VOTE & COMMENT ~

THANKS FOR READING!

- Msfpotograper_

A Crazy Love Story ( Si Boy at Si Girl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon