Ch. 14.1

516 11 3
                                    

[A/N: Sorry guise kung super late update nanaman. Thanks po pala sa 400+ reads na ibinigay nio sakin! Sa wakas, nagkainspirasyon din ako para pagandahin ang ACLS. Thanks talaga! Mwamwa.]

---------------------------------------------------

* LIAM'S POV *

Will you stay? Kahit sa buong oras lang hanggang matapos ang prom? I heard those words come out from my mouth. 

Hawak-hawak ko pa din ang kamay nia. Nagkatitigan lang kami sa buong oras na iyon. Ramdam ko ang init sa kanyang mga palad. Ramdam ko din ang nararamdaman nia nung oras na iyon. 

" Yieee-- " Mangungutya sana 'tong si Jerome, kaso tinakpan ni Aireen ang bibig nia. 

Hinila ko sia palapit sa akin. At kulang nalang na magkalapit ang mga mukha namin. :")

" Uhm, pwedeng, dun muna tayo sa Sanctuary? " Sabi ko, habang hawak-hawak ko pa din ang kamay nia. 

" Uh-uhh-uhmm, sige. " Sagot nia. 

Lumakad kami at habang naglalakad, hawak ko pa din ang kamay nia. Hindi ko kasi kayang bitawan eh. Alam mo yun? Parang may magnet? Hihihi. Ramdam ko din sa kamay nia yung panginginig at yung tipong namamawis. I know, di ko kailangan maginarte kasi kahit pawisan ang kamay nia,okay lang. Basta, hawak ko ang kamay ng mahal ko. :")

Nakarating na kami sa Sanctuary. Nung oras na iyon, nakabukas ang mga ilaw na magaganda, na parang mala-paradise ang lugar. Ang daming ilaw na nakasabit sa mga puno at nakita namin ang sarili namin na nakatingala sa mga puno. <3

May isang gazebo malapit sa punong ubod ng ganda na maraming ilaw. Inaya naman ako ni Cameron na pumunta doon. :)

" Liam, punta tayo dun sa Gazebo. " Hinila nia naman ang kamay ko sa oras na iyon. Uhhh, it feels like I'm in cloud 9. *u*

Nakatayo lang kaming dalawa sa loob ng gazebo. Nakatingin lang kami sa mga ilaw sa paligid namin. Nakakatuwa dahil habang nakatingin kami sa paligid, eh hawak ko ang kamay nia at hawak nia ang kamay ko. <3

" Ang ganda noh? Hayst, ngayon ko lang na-experience ito. :") " Sabi ni Cameron habang nakatingala sia sa paligid.

A Crazy Love Story ( Si Boy at Si Girl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon