Author's Note
Hi good day sa mga bumabasa sobrang nakakataba ng puso ang inyong pagtangkilik kay Natasha at dahil dyan ito na po ang kasunod na update..
Enjoy reading.....
******************************
Rolly's P. O. V
Masaya kaming nag-uusap ni Natasha buti na lang at medyo bumubuti na ang kanyang kalagayan pero may humaharurot na sasakyan ang biglang pumarada sa tapat nila.
Nagulat kami dahil si Jenny ang iniluwa ng sasakyan at magulo ang buhok nito parang di sya natulog ng isang linggo.
"Natasha walanghiya ka lumabas ka dyan putang-ina mong babae ka ako pa ang masama ngayon eh ikaw na nga ang nang-agaw kay Rolly tapos ako pa ang ipapakulong mo lumabas ka dyan malandi ka talaga. Yun ang bungad ni Jenny habang kinakalampag nya ang gate nila Natasha.
Nanggagalaiti ito sa galit dahil hinahabol na sya ng mga pulis.
"Rolly natatakot ako kay Jenny baka makapanakit uli sya lalo na at mukhang nababaliw na ata. Natatakot na saad ni Natasha.
"Wag ka matakot ako na lang ang lalabas at kakausapin ko sya. Pagpapakalma ko sa kanya.
Lumabas si Rolly at nagulat si Jenny dahil nandun ang lalaking puno't dulo ng lahat.
Nag-iba ang mukha ng dalaga ng makita si Rolly may ngiti na sa mga mata nya at gusto sana nyang yakapin si Rolly ngunit.....
"Magtigil ka na Jenny ikaw ang sumira sa atin tapos ngayong masaya na ako sa piling ng iba sisirain mo pa rin wala na akong pagmamahal sayo matagal na kitang kinalimutan. Saad ni Rolly habang hawak-hawak ang mga braso ni Jenny dahil ayaw nitong mapalapit dito.
"Mahal na mahal kita Rolly bumalik ka na sakin please iwanan mo na yang malanding babae na yan. Tugon naman ni Jenny habang lumuhod na ito at tila nananalanging balikan ni Rolly.
"Sa palagay mo ba babalikan pa kita matapos ng ginawa mo kay Natasha. Sinira nyo ni ardhel ang buhay ng babaeng pinakamamahal ko ng lubos. Mahinahong tugon ni Rolly.
Nabigla si Rolly ng may ilabas si Jenny na kitchen knife at itutok ito sa kanya.
"Kung hindi ka lang magiging akin mabuti pang mamatay ka na lang. Nanlilisik na saad ni Jenny at isasaksak na nya ito kay Rolly.
Pero naging maagap si Rolly at nasangga nya ito at nabitawan ni Jenny ang kichen knife.
Napaluhod na lang si Jenny at humagulgol.
Dumating ang mga pulis at.
"Jenny Milano inaaresto ka namin dahil ikaw ang tinuturong mastermind sa pagkidnap kay Natasha Smith.
"May karapatan kang manahimik,lahat ng sasabihin mo ay magiging laban sayo. May karapatan kang kumuha ng abogado kung wala naman ay ang gobyerno ang magbibigay para sayo.
Dahil sa gulat at di na nakakilos si Jenny at pinosasan na sya ng isang pulis.
Habang pinoposasan sya ay lumabas si Natasha at nagsalita.
"Patawarin mo ako Jenny kung alam ko lang na sya ang ex mo di ko na lang sana sya binigyan ng pagkakataong ligawan ako napamahal na rin sakin si Rolly kaya sana palayain mo na sya, palayain mo na ang sarili mo sa poot na bumabalot dyan sa puso mo. Parang kapatid na ang turing ko sayo kaya sana dumating yung araw na mapatawad mo kami. Mahabang salaysay ni Natasha at niyakap nya si Jenny.
Wala ng magagawa si Jenny sukol na sya ng mga pulis kaya umiyak na lang sya habang yakap ni Natasha at isinakay na sya ng mga pulis sa mobil.
Bago sila umalis ay nagssorry si Jenny kay Natasha.
BINABASA MO ANG
My Dark Side An SPG Story R18 ( On Going )
Ngẫu nhiênTunghayan natin ang kwento ni Natasha ang babaeng naging sex addict....... Spg Spg Spg alert....... My very own spg story