Chapter 16

2.3K 34 13
                                    

Hi guys happy 79.6k reads...
Super overwhelmed po sa pakiramdam akala ko walang papansin sa gawa kong ito pero mag 2months ko na ginawa ito pumalo na sa 79k ang reads at sa mga followers ko salamat din po. Love na love kayo ni author.
Spg na po susunod na scene....

Enjoy reading........

******************************

Natasha's P. O. V

Masayang kasama si Jm pero hanggang ngayon di ko pa rin matanggap ang nangyari sa aming dalawa ni Rolly,na hanggang doon na lang pala magtatapos ang pag-iibigan naming dalawa.

Flashback.......

Minsan isang umaga ay nasa terrace ako habang nagbabasa ng pocket book ng may kumatok sa may gate.

"Natasha nandyan ka ba,tao po....
Pamilyar ang boses na nagsalita.

Pag-angat ko ng ulo ay si Rolly ang nabungaran ko sa labas ng gate namin.

"Ano pa bang ginagawa mo dito? Diba may asawa ka na bakit ka pa pumunta dito baka akalain ng asawa mo inaagaw kita sa kanya. Nagtataray na turan ni Natasha.

"Pabayaan mo akong magpaliwanag please pakinggan mo mga sasabihin ko. Nagsusumamo namang sagot ni Rolly.

Pinapasok ng dalaga si Rolly at hinayaang magpaliwanag kahit pa wala nang magbabago dahil may asawa na ito at di na nya ito pwedeng balikan.

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon Nat ayokong magkasira tayo dalawa hindi ko minahal si Camille maniwala ka dala lang nang kalasingan kaya may nangyari sa amin nung gabing iyon, nawalan ka ng oras sa ating dalawa kaya sumama ako makipag-inuman sa mga katrabaho ko at yun nalasing ako ng sobra kaya nang magising na ako di ko na maalala ang nangyari at katabi ko na sya sa kama at pareho kaming walang damit. Mahabang paliwanag ni Rolly.

"At kasalanan ko pa pala kung bakit ka nakabuntis ganun ba, niloko mo ako Rolly at nakabuntis ka ng may relasyon tayo ano ang gusto mong mangyari maging kabit mo ako ha ibabalik mo na naman ako sa dati kong gawain ganun ba ang gusto mo, ano bababuyin mo na rin ako kagaya ng ginawa ng hayop na yun sakin,magsalita ka ano gusto mo mawalan rin ako ng respeto sa sarili ko ha yun ba ang gusto mo. Halos mapaos na si Natasha sa pagsigaw habang umiiyak at sinusuntok si Rolly sa dibdib nito.

Niyakap naman agad ni Rolly si Natasha upang pakalmahin ayaw nya itong nakikitang umiiyak dahil nasasaktan din sya.

"Umalis ka na please wag ka na pupunta pa rito maawa ka naman sa akin tantanan mo na ako. Yun lang at pumasok na si Natasha sa bahay nya at iniwan si Rolly na luhaan.

End of flashback

Naguguluhan pa rin si Natasha hanggang ngayon dahil alam nya sa sarili nyang mahal pa nya si Rolly pero ayaw naman nyang maging kabit kaya dinaan na lang nya ito sa pakikipaglapit sa katrabaho nyang si jm.

Day off nya at nagkayayaan ang mga katrabaho nya na magbar sa manila wala naman syang gagawin kaya sumama sya pero di sumama si jm at may importante raw syang gagawin 5 silang magkakasama at pawamg may mga relasyon ang apat sa kasama nya kaya ang ending para syang thirdwheel sa kanila.

Nag-iinuman na sila ng alak at dahil nga wala syang kapareha ay inihanap sya ng mga kasama sa bar na yun at tyempo namang may nag-iinom ding lalaki at mag-isa lang ito nahihiya pa noong una si Natasha na lapitan ito dahil nga sa babae sya ng mapansin sya ng lalaki.

"Miss may kailangan ka ba, kanina pa kasi kita napapansin na parang may sasabihin ka eh. Wika ng lalaki.

"Ahh ka-kase yung mga ka-kasamahan ko ang ku-kulit ma-makipagkilala raw ako sayo. Nauutal na wika ni Natasha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dark Side An SPG Story R18 ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon