CHAPTER 3: Partner in Crime

13 2 0
                                    

It’s normal like my normal days before. Bahay-school and school-bahay, the sequence of my everyday life. This night, uuwi si dad kaya medyo mabilis ang kaganapan sa bahay at bago mag-twelve ay nandito na ako.

“Grace!” may tumawag sa akin ‘di kalayuan saka ko pilit na tinatanaw kung sino.

Masyadong tirik ang araw kaya sobrang liwanag at ang mga puno lang ang tumatakip sa liwanag at init. Hindi kalayuan ay nakaupo si Yzza sa isang bench at s’ya pala ang tumawag sa akin dahil sa pagkaway n’ya saka ako tumungo sa kanya.

“How’s your feeling, Yzza?” kamusta ko pagdating ko sa harap n’ya. Baka kasi may natira pang lungkot ang nanyari sa kanya kahapon, ‘yong rejection from Isaac.

“Don’t worry, I feeling great right now.” Mukhang ayos naman s’ya dahil sa ngiti n’ya.

“Bakit ang aga mo naman? One hour pa bago ang pasukan ah.”

“Ahh practice kasi namin ngayon kaya d’yan kami sa library gumawa,” sagot n’ya habang turo ang library sa campus.

“Ohh okay. Gusto mo bang samahan akong magmilktea saglit?” yaya ko saka nakangiti s’yang tumango kaya ngumiti na rin ako kasi may makakasama na ako. “May alam akong malapit na store and five minutes away lang.”

“Ahh alam ko ‘yon. Tara tara gusto ko rin ng matamis ngayon eh.”

Magkasabay namin tinahak ang daan palabas ng campus saka lumiko patungo sa helera ng mga stores. Yes, naaalala ko pa rin ang trauma na nanyari sa akin three days ago. But now, kasama ko naman si Yzza kaya ayos lang.

Hindi nagtagal ay narating namin ang store saka kami umorder ng dark chocolate and caramel sugar flavored milkteas. Of course, dark chocolate was mine, mahilig ako sa dark chocolate.

“Kindly wait for your order ma’am,” ani ng cashier saka kami umupo sa bakanteng upuan na inupuan ko noong nakaraan.

“Anong grade level mo na, Yzza?” tanong ko saka s’ya napabaling sa akin ng tingin.

“Ahh third-year na ako.”

“Ohh, magka-grade level pala tayo. Anong section mo?” tanong ko.

“Section B. Katabi lang ng room n’yo kaya nakikita rin kita paminsan-minsan kapag sumusulyap sa inyo,” sagot n’ya sabay baling sa labas.

“Oyy, si Isaac ba ‘yon.” Tumuro s’ya sa isang coffee shop kung saan ko nakita si Isaac noong nakaraan. Sinundan ko ang turo n’ya na may kasamang pagnguso at hindi s’ya nagkakamali na si Isaac nga ‘yon na busy sa tablet pc n’ya.

“Uhmm oo.” Sumulyap ako sa kanya at wala namang bakas ng lungkot sa mukha n’ya. Siguro nakapag-move on s’ya ng mabilis at baka infatuation lang ‘yong kahapon. “Speaking of Isaac, would you mind if you join our lunch with Isaac?”

Napatingin s’ya sa akin saka ngumiti. “Why not? Ayoko rin naman kumain mag-isa mamaya.”

“Nice to hear that. Mukhang ayos ka na rin,” sambit ko saka ngumiti.

“Yes of course. Crush ko lang naman si Isaac at hindi santo para iyakan ko. Yes, guwapo s’ya pero I think he doesn’t worth my tears.” Nakangiti s’ya nang dumating ang milktea namin.

Stealing His Heart (RB#2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon