XXXIX: NO, IT CAN'T BE
Hindi ko alam kung anong nanyayari pero para bang hingal na hingal ako kanina pa. Hindi rin mapigil ang ubo ko na para bang tinatrangkaso na rin ako. Siguro sa pagod dahil sa ilang linggo na rin akong walang tulog at pahinga na maayos.
Nagpaalam na rin ako na hindi ako makakapasok dahil sa may sakit ako. Sinabi ko ring sinisinat ako pero ang reaksyon nila ay kakaiba. Kailangan daw ako itest kahit na mild pa lang ang mga sintomas na nararamdaman ko. Hindi naman ako nawawalan ng hininga gaya ng ibang pasyente kaya malakas ang pakiramdam kong hindi ako nahawaan.
"Doktora, nandito po sa tapat ng pinto n'yo ang pagkaing pinadala ng asawa n'yo," anunsyo ng nurse na nasa labas ng silid ko.
"Sige, iwanan mo na lang d'yan."
Isa sa mga protocol dito ang maging gan'on. Kapag may ibibigay ay hindi p'wede iabot ng direkta dahil baka magkahawaan. Nakakulong lang ako sa opisina at inoobserbahan ang sarili. Hindi ko rin mapigilan ang pangangati ng lalamunan ko.
Lumabas ako para kunin ang pagkain ko sa tapat ng pinto pero para bang babagsak ang katawan ko. Siguro dahil sa pagod pero hindi niyon mapipigilan ang pagtalon ko dahil sa gulat nang tumunog ang aking phone na nasa bulsa ko pala.
"Hello?"
"Honey, may sakit ka raw. Ano ayos ka lang? Anong pakiramdam mo? Uminom ka na ba ng gamot? Sabi kasi sa 'yo dapat nagresign ka na la—."
"Ano ba Isaac? May sakit na nga ang tao, papagalitan mo pa. Ayos lang ako, sa pagod lang 'to at laging walang tulog. Itetest nila ako mamaya pero alam kong hindi ako nahawaan dahil simpleng trangkaso lang 'to."
"Sinabihan na kasi kita na dapat sa bahay na lang. Pati ako hindi makatulog dahil sa 'yo eh. Pero sana gumaling ka na agad. Kapag ikaw nagkasakit pa d'yan pauuwiin na kita."
Napangiti ako sa tono ng boses n'ya. Para kasi s'yang tatay ko na pinapagalitan ako dahil may ginawa akong mali. Pero asawa ko s'ya, nakakatuwa lang isipin.
"Ba't ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinasabi ko?"
"Wala wala. Para mo lang kasi akong anak kung pagsalitaan mo." Kumawala ang malakas na tawa habang si Isaac ay mukhang iritado dahil sa pagtawa ko.
"So kinatutuwa mong nag-aalala ako?"
Mula sa pagtawa, naglaho 'yon bigla dahil pilit kong pinigilan. He looks pissed because of my laughs. Kahit na pigilan ko ay kumawala pa rin ang mga tawa dahil sa itsura n'ya kapag naiinis.
"Hindi gan'on ang ibig kong sabihin. Ang cute mo kasing mainis, para kang yelong inukitan ng mukha." Patuloy pa rin ako sa pagtawa pero bigla na lang 'yon tumigil ng kusa nang marinig ko ang nakakatakot na ngisi ni Isaac.
"Stop laughing."
"Why? Don't you want to see me happy talking with you?" Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang mga tawa dahil mukhang napipikon na s'ya. Pero kaysa tawa ay malalakas na ubo ang kumawala sa bibig ko.
"Grace! Grace! Grace! Are you okay? Malala na 'yang ubo mo."
Nagthumbs up ako para sabihing ayos lang ako. Simpleng pag-ubo lang 'yon at natural 'yon para sa may trangkaso. Lumunok ako at bumuga ng mabigat saka sinundan ng ngiti para makita ni Isaac na ayos lang ako. Hindi na n'ya kailangang mag-alala dahil kaya ko ang sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/224200733-288-k883193.jpg)
BINABASA MO ANG
Stealing His Heart (RB#2) (COMPLETED)
RomansaRHODES BROTHERS SERIES #2 STEALING HIS HEART Sometimes, we meet people wvho was different from our expectation. There are people who doesn't know the meaning of love. Grace Gontivaz will meet Isaac Rhodes in an accident. Because of Isaac's curiousit...