Namamaga pa ang mga mata ko pagkagising. Halatang-halata ang kulay itim sa ilalim ng mata ko dahil sa puyat. Paulit-ulit ko kasing naririnig ang sinabi ni Yzza na ‘You’re into him’ at ang paghalik sa akin ni Isaac.
“Ayos ka lang ba ma’am?” Natauhan ako sa biglang pagsasalita ni manang.
“Opo manang, hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi.” Napasubo ako ng kanin habang tulala pa rin sa kawalan.
“Naku! Ano bang nanyari at hindi ka makatulog? Kapag ikaw nagka-insomnia baka mayari kami sa daddy mo,” pag-aalala ni manang habang naghuhugas ng plato. Hindi naman kasi kalayuan ang kusina kaya medyo nagkakausap kami ni manang.
“Assignments lang po manang. Medyo stress lang din sa school works,” pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay tungkol kay Isaac.
Hindi kasi matanggal sa ulo ko ‘yong halik. Tuwing maaalala ko ‘yon ay iniuuntog ko ang ulo ko sa lamesa o sa unan. Kung gaano kalambot ‘yon, gaano nakakalasing at ang lasang mint na labi n’ya ay laging bumabalik sa ulo ko.
Napailing-iling ako saka humawak sa ulo ko habang nakapikit. Kailan ba mawawala ‘to. Nakakainis na talaga ‘to! Para akong tanga sa mga nanyayari sa ‘kin. Oh my goodness, please erase that memory. Kung may delete button sana ay kanina pa ako kalmado.
“Sure ka ba ma’am na okay ka?” Halos mapatalon ako nang biglang nasa tabi ko na si manang na nagsasalin ng tubig sa baso ko.
Tumango-tango ako saka muling yumuko sa pagkain. Kainis, ano ba ‘to? This memory is annoying. Sana mawala na ‘to. I have a bad memory kaya bakit ko pa kasi naisipan na halikan s’ya sa botanical garden.
“Manang, p’wede n’yo po ba akong bigyan ng dark choco milktea, please,” paki-usap ko kay manang.
“Oh sige, pupunta na agad ako sa malapit na store para bilhan ka. Hintayin mo ako, mabilis lang ako.” Nagmartsa na s’ya palabas habang ako naman ay naiwan sa hapag at isang kutsara pa lang ang nababawas sa almusal ko.
“You’re into him!” nand’yan na naman ang boses ni Yzza na umiikot-ikot sa ulo ko. I’m keep on denying that I didn’t like Isaac pero ngayon parang kinain ko lahat ng sinabi ko. Sa bawat kilos ko ay nagkakagulo lahat ng sistema ko. Kung p’wede lang itong i-reboot ay agad ko nang gagawin.
Ang hirap na! Mukhang sa Project: Stealing His Heart ay ako ang nahulog sa sarili kong patibong. Pero ngayong nahuhulog na ako, alam kong hindi ako sasaluin ng taong inaasahan ko. Pero paano kung hilahin ko s’ya para saluin ako? Para naman ay hindi masakit ang kakabagsakan ko.
“Ma’am, pinadeliver ko na lang kasi medyo traffic.” Halos napatalon muli ako nang biglang lumitaw si manang sa tabi ko dala ang isang milktea. “Bakit gulat na gulat ka? Hindi ka naman magugulatin noon ah.”
“Ahh siguro dahil lang ito sa puyat sa project,” pagsisinungaling ko saka itinusok ang straw sa platic lid ng milktea cup.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa milktea. S’yempre dito rin ako kumakalma gaya ng ginagawa ni… Isaac. Oh goodness, hanggang saan talaga ay hindi ako lulubayan ng pangalang Isaac. Oh please, release those annoying memories please!
“Manang papasok na po ako. Pakisabi kay Mang Peter na pakihatid na po ako,” sambit ko saka lumapit si manang sa akin.
“Pero wala pang bawas ang pagkain mo,” puna n’ya.
“Sa school na po siguro ako kakain. Wala po akong gana ngayon.”
“Naku bata ka! Siguraduhin mong kakain ka dahil baka kami ang malintikan kapag nagkasakit ka.” Ngumiti ako ng kaunti kay manang para mawala ang pag-aalala n’ya.

BINABASA MO ANG
Stealing His Heart (RB#2) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #2 STEALING HIS HEART Sometimes, we meet people wvho was different from our expectation. There are people who doesn't know the meaning of love. Grace Gontivaz will meet Isaac Rhodes in an accident. Because of Isaac's curiousit...