He doesn’t want to talk to me because of did his father told me weeks ago. Ilang linggo na rin pala ang nagdaan pero walang isang sulyap o salita man lang ang nanggagaling kay Isaac. Maybe iniiwasan n’ya ako dahil sa favor na hiningi ni tito sa ‘kin.
But I need to change it again for the sake of his father’s favor. Maaga pa lang, I think twelve exactly ako nakarating sa school. I planned to wait for him at the botanical garden dahil madalas s’yang nagtutungo sa mga pusang inaalagaan n’ya.
Bago pa ako makarating sa garden ay bumili ako ng paborito kong flavor ng milktea. Nakaupo lang ako habang pinapanood ang mga pusa na naglalaro sa bagong bahay nila. Nagdala kasi ng wooden house si Isaac dito—pinagawa n’ya pa raw ‘yon sa sikat na architect. Kita naman dahil akala mo mansion ito dahil sa modern design pero limang pusa lang ang kasya.
“Philie, where’s your daddy? Hindi pa ba s’ya nagagawi rito?” Binuhat ko ang puting kuting na naglalaro sa paa ko. Gan’yan lagi si Philie ‘pag nandito ako, unlike other kittens.
Isang malambing na ‘meow’ ang isinagot n’ya habang hinahaplos ang malambot n’yang balahibo sa kamay ko. If I can take this cat para iuwi at alagaan pero ayaw talaga ni Isaac. Ang cute kasi nito at malambing. Si Isaac naman ayaw ipauwi kasi kanya raw ito.
“Isaac.”
Tinawag ko s’ya nang dumating s’ya dito sa garden pero wala pa rin s’yang imik. Diretso lang s’ya sa apat na pusang naglalaro sa wooden house. May dala s’yang isang plastic ng cat food saka inilagay iyon sa tupper ware na nasa loob ng cat house.
“Are you avoiding me?”
Kahit na isang salita ay wala s’yang naisagot. Mukhang iniiwasan n’ya nga ako for almost three weeks. I gave him time para makapag-isip dahil mukhang nagalit s’ya sa pabor ni tito sa ‘kin.
“Please answer me, Isaac.”
Napaangat s’ya ng tingin saka narinig ko ang mabigat n’yang pagbuga ng hangin. Isang malamig na titig ang pinakawalan n’ya. Naibuka ko ang labi ko para muli s’yang tanungin pero walang salitang naglapastangang lumabas kaya isinara ko ang labi ko. Tumayo s’ya at humalukipkip at umupo sa tabi ko. Medyo malayo ang kinauupuan n’ya sa puwesto ko—mga kalahating metro yata.
“Why do I have to answer you if you already know the answer.”
Parang may tinik na bumaon sa dibdib ko sa sinabi n’ya. Sinabayan pa ‘yon ng panginginig ng tuhod ko. Doon pa lang ay kumpirmadong nilalayuan n’ya nga ako.
“S-Sorry.” Biglang nabasag ang boses ko kaya ilang beses akong napalunok. “S-Sorry Isaac.” Kahit na anong lunok ko ay patuloy pa rin ang basag kong boses na hindi ko namamalayan na sinabayan na pala ng luha na naligaw sa pisngi ko.
“It’s not your sin. My dad always forcing me to enter a relationship and he made you one of his pawn.”
Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya habang kalmado at malamig na sinasabi ang mga salitang ‘yon. Sobra na sa dalawang patak ng luha ang gumawi sa mga mata ko pero parang may pumipiga sa puso ko habang pinapakinggan ang mga salita n’ya.
“Tell me Grace, do you like me?”
“H-Ha?”
“Do you like me?”
“What do you mean?” Hindi ko inaasahan ang mga tanong na ‘yon. Hindi ganito magtanong dati si Isaac. Parang isang maling sagot at tapos na ang lahat. I don’t it to be the end of everything. “Y-Yes Isaac,” sagot ko sa kanya kahit alam kong maaaring ang sagot ko ang magpalayo sa aming dalawa—ng mga loob namin.
“Stop your feelings, Grace.”
“What?”
“I am not the man who deserves your love. I have no heart, I don’t know how to love and I don’t have feelings.” Sa lamig ng boses n’ya, parang bumalot ‘yon sa buong katawan ko. Nanginginig ako sa bawat pagsasalita n’ya na parang binuhusan ako ng tubig na may yelo.

BINABASA MO ANG
Stealing His Heart (RB#2) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #2 STEALING HIS HEART Sometimes, we meet people wvho was different from our expectation. There are people who doesn't know the meaning of love. Grace Gontivaz will meet Isaac Rhodes in an accident. Because of Isaac's curiousit...