CHAPTER 12: My Job

7 1 0
                                    

Halos mapatalon ako kahapon sa tuwa nang makita ang mukha n’ya na kinakabahan. Mukhang malapit ko na maisakatuparan ang mga plano ko. Gusto ko sanang mag-evil laugh pero magmumukha lang ako mangkukulam.

Dumiretso na ako sa room ngayon dahil medyo maulan sa labas. Ako lang mag-isa ang nandito at mukhang wala pa ang mga kaklase ko nang ganto kaaga. Twelve o’ clock na ngayon at isang oras pa ang hihintayin ko. Kumuha ako ng notebook sa bag ko at saka inilapag sa desk.

Sa gitna ng katahimikan ng room, nagsusulat ako sa likod ng notebook ko ng kung ano-ano. Dapat pala bumili muna ako ng milktea bago pumunta rito. Narinig ko ang kaluskos ng pinto saka ako napaangat ng tingin doon. Nanlaki ang mata ko na halos matanggal ‘yon nang makita kung sinong paparating.

“Good afternoon, Grace,” bati n’ya.

Halos mahulog ako sa inuupuan ko nang umupo s’ya sa tabi ko. Hindi s’ya marunong bumati pero binati n’ya ako. Anong nanyari sa kanya? Nginitian n’ya ako pero alam kong reactionless s’ya. Wala rin s’yang salamin at kitang-kita ko ang pagkakinang ng mata n’ya sa reflection ng ilaw.

“I-Isaac?”

“Why?” Diretso lang ang tingin n’ya sa ‘kin habang nakangiti.

“Hindi ka naman siguro clone ni Isaac ‘di ba?”

“Ha?” Tumawa s’ya habang ako naman ay tulala pa rin at gulat sa pagbabago sa mukha n’ya. Si Isaac ba ‘tong nakikita ko? “Bakit? Do I look weird?” tanong n’ya.

“O-Oo.”

“Thanks to you, because my heart do it automatically.”

What? Thank you? Marunong na rin s’yang magthank you? At ‘yong puso n’ya? What? Gan’to na ba s’ya kaweird ngayon?

Hinawakan ko ang batok n’ya at tinitingnan kung may button. Gan’on kasi sa mga pelikula kapag may robot na tao ang disenyo tapos may power off botton sa batok. Pero kinapa-kapa ko wala naman. So it means, totoo ‘to pero baka nananaginip ako.

“Anong ginagawa mo?” pagtataka n’ya.

Napalayo ako saka napatingin sa iba. Pinagsasampal ko nang malakas ang pisngi ko, baka sakaling magising ako sa katotohanan. Pero bakit gan’on nararamdaman ko ‘yong sakit ng sampal ko kaya hindi ‘to panaginip. Kung hindi s’ya robot o panaginip, nasaan ako?

Muli akong napalingon sa kanya saka pinindot-pindot ang pisngi n’ya. Hindi naman tumatagos kaya hindi naman siguro ako nag-hallucination. So totoo nga ‘to, totoong nagbago si Isaac.

“Ikaw na ngayon ang weird, Grace. Ano bang ginagawa mo?”

“Ahh ehh… a-akala ko hindi ka totoong tao.”

“Ang sama mo naman. Tingin mo ba na wala akong pag-asa para baguhin ang sarili ko?”

“Hindi naman sa gan’on, Isaac. Naninibago lang ako.”

Napatango-tango s’ya saka tumayo at lumipat kung saan s’ya talaga nakaupo. Unti-unti nang pumapasok ang mga kaklase ko kaya may tao na rin sa loob ng klase maliban sa amin dalawa ni Isaac. Napapalingon ako sa kanya at nakikita ko lang ang mataas na kilay ni Isaac na nakatingin sa ‘kin.

Ang weird!

Maya-maya pa ay pumasok na si Ma’am Hera—EsP teacher at ang first period namin ngayon. May dala s’yang projector at laptop na inilapag n’ya sa desk sa harapan na sinet-up naman ng mga boys.

“Good afternoon. Today we will discuss about love.” Halos magsitilian ang lahat sa topic. I don’t know why should we discuss that topic pero EsP nga pala ‘to.

Stealing His Heart (RB#2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon