Hindi matigil sa utak ko ang pag-ulit ng mga salita na sinambit n’ya. Para bang isang kanta na paulit-ulit kong naririnig hanggang sa naging paborito ko na. This is the sign that I succeed with my project: stealing his heart.
“Bakit kanina ka pa yata wala sa sarili mo?”
Napalingon ako sa kanan ko para makita kung sinong nagsalita. Si Steven pala na todo ang ngisi. Hindi talaga ako maka-focus sa lesson dahil wala akong naririnig kung ‘di ang sinabi ni Isaac kanina.
“By the way, are you free later? Yayain kita ng lunch,” alok n’ya.
“Sure.” Ngumiti lang ako saka napasulyap kay Isaac. Let see how would he react. This is the first test for him.
“Pero balik tayo sa usapan kanina, para ka kasing ewan na nakatulala lang. Mukhang malalim ang iniisip mo ah.”
“Hindi naman. Medyo nabuburyong lang ako sa lesson ngayon,” pagsisinungaling ko saka baling kay Ma’am Sylvia sa harapan.
“Oo nga eh. Bored talaga kapag math time, numbers and alphabet collide so it beame harder. Pero sa huli, parang hindi naman natin magagamit ‘yan sa buhay natin.”
“Hindi totoo ‘yan.” Umiling ako saka ngumisi. “Kapag tumanda ka, mare-realize mo rin na kailangang-kailangan ‘yan. Baka masabi mo na lang na dapat pala nakinig ako noon.” Tumawa ako ng mahina saka muling bumaling sa harapan.
“Class dismiss!” anunsyo ni ma’am saka ako tumayo at umambang bubuhatin ang bag ko pero si Steven ang kumuha.
“Anong ginagawa mo?” pagtataka ko.
“As a man, I don’t let my girl to carry such heavy bags.”
Magsasalita pa sana ako pero naglakad na s’ya. Hala! Hindi p’wedeng mag-assume s’ya ng kung ano-ano. Ayokong paasahin ang tulad n’ya pero kahit anong gawin ko ay gumagawa s’ya ng paraan para makaiwas sa pagrereklamo ko.
“What are you doing?”
Napasalpok pa ako sa likod ni Steven nang bigla s’yang tumigil. Napakamot ako ng ulo saka umangat ng tingin para tanungin s’ya kung anong nanyari pero nakita ko na nakaharang si Isaac sa daan.
“Can you please stop your stupid moves to my girl?” sambit ni Isaac.“Your girl?” humalakhak s’ya habang si Isaac naman ay seryosong nakahalukipkip. “Hindi s’ya sa ‘yo para tawagin mong ‘your girl’” giit naman ni Steven.
“But she’s not even yours. Did she give you any credits yo court her? As long as I know, she didn’t. So stop your childish move and give me her bag!” laban naman ni Isaac.
“Stop your fight, please.” Pumagitna ako pero hindi matinag ang mapupungay nilang mga mata sa pagtitig sa isa’t isa. Nagsimula na ring magbulungan ang mga tao sa paligid kaya napayuko ako sa bumaling kay Isaac. “Isaac, please let him,” paki-usap ko pero hindi s’ya kumawala sa titigan nila.
“You heard her, didn’t you? Let us and you need to put yourself away from us.” Matigas ang boses ni Steven pero mas lalong lumapit si Isaac.
“I don’t want her to be with you. I know what’s mine and those things that belongs to me is only for me. I don’t share what I owned, so you need to give me her bag,” seryosong sambit ni Isaac.
“Ano ba? Tumigil nga kayo!” Halos umalingawngaw sa buong pasilyo ang boses ko pero hindi talaga sila patitinag.
Marahas kong kinuha ang bag kong nakasabit sa braso ni Steven saka mabilis na tumakbo palabas ng building. Pipigilan pa sana nila ako pero walang makakapigil sa ‘kin. Ayoko ng gulo dahil lang sa kanila. I didn’t give them any credi—oh okay, pinayagan ko nga pala si Isaac.
BINABASA MO ANG
Stealing His Heart (RB#2) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #2 STEALING HIS HEART Sometimes, we meet people wvho was different from our expectation. There are people who doesn't know the meaning of love. Grace Gontivaz will meet Isaac Rhodes in an accident. Because of Isaac's curiousit...