XXXII: AGAIN
Pagkasapit ng alas-otso ng gabi ay inihatid ako ni Isaac sa bahay. Ito ang pangalawang beses na nakarating s'ya rito. Nag-abala pa s'yang ihatid ako sa pinto ngunit laking gulat ko nang may sumigaw pagpasok ko.
"Oh my goodness, ang akala ko nababaliw ka na para tanggapin 'yong fixed marriage m—." Nanlaki ang mga mata n'ya nang makitang may kasama akong lalaki. Siguro kung may anong naglalaro sa isip nito and I hate it. "Sino naman 'tong kasama mong poging lalaki?"
Ngumiti ako saka hinarap si Isaac. Mukhang magugulat 'to kapag sinabi ko kung sino s'ya. Pero sa tagal naming nagkatitigan ni Isaac, kanina pa pabalik-balik ang tingin sa 'min ni Yzza.
"Ahh si Isaac 'yan, Yzza." Ayokong mag-explain kaya nilagpasan ko s'ya saka ibinagsak ang sarili sa sofa. "Isaac pumasok ka muna, dito ka na magdinner."
"P-Pero akala ko—."
Pinutol ko ang sasabihin n'ya. "Hindi s'ya patay, nakatakas sila. 'Yong balita dati ay peke." Napabuga ako ng hangin saka bumaling ng tingin kay Isaac. "H'wag kang mahiya, kaming dalawa lang ni Yzza ang madalas kumain dito."
"First time kong makapasok dito, nakakahiyang dumihan 'yong sahig n'yo." Nagtanggal s'ya ng sapatos saka pinilit na suotin ang isang pink na tsinelas na naroon sa pintuan.
Nagkatinginan kami ni Yzza at pareho kaming nagpipigil ng tawa. Hinila pa ni Isaac ang dulo para magkasya sa paa n'ya ang tsinelas. Hindi na rin ako makareklamo sa ginagawa n'ya dahil nabaling lahat sa pagpipigil ng tawa.
"So s'ya ba ang secr—." Natigil si Yzza nang biglang tumunog ang phone ko.
Nagkatinginan pa kaming tatlo bago ko tiningnan ang screen. Napairap ako at ramdam ko ang pagkunot ng noo nila sa naging reaksyon ko. Si daddy tumatawag at siguradong papagalitan din ako nito dahil sa hindi ko pagsipot.
"Hello po daddy, don't tell me na papagalitan n'yo rin ako."
"Not exactly but I want to tell you na agree ako sa kasal ninyo ni Isaac." Halos maluwa ko ang panga ko dahil sa gulat. I can't expect that he will agree for Isaac rather than their business partner. "Ako na bahala sa mommy mo at uuwi kami kapag malapit na ang kasal. Just use our money if needed sweetie."
"B-Bakit n'yo po 'to ginagawa?" pagtataka ko. Because that wasn't my typical dad. I expect that he will fire many words against my decicion but I'm shock that I'm wrong.
"Come on sweetie, I know you have your own heart. People can love once and I'll let you prove your love to us. Nothing can dictate what is heart's say, just do what you love and let us support you from behind."
"P-Pero akala ko dad hindi kayo payag."
"That is because we love you and we have to give the best for you. But entering your decision and change it to what we want wasn't right. Even we're your parents, you also have the rights to love someone."
"T-Thank you dad." Hindi ko masukat ang ngiting inilalabas ng aking labi. Hindi rin ako makapaniwala sa nangyayari. Maybe it's a blessing after the storm.
"Wait Grace, kanino 'tong ticket papuntang Spain. Dalawa pa 'to oh, magbabakasyon ba tayo?" Bigla s'yang lumitaw sa gilid ko at muntik ko pang masiko kung hindi ko nakilala.
"Nope. I am having a nice vacation not with you but with Isaac."
Tumaas ang kilay n'ya habang lumingon kay Isaac na nakaupo sa sofa at kung ano-anong kinakalikot sa lamesa. Muling bumalik sa 'kin ang tingin ni Yzza at nginitian ako nang nakakaloko.
BINABASA MO ANG
Stealing His Heart (RB#2) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #2 STEALING HIS HEART Sometimes, we meet people wvho was different from our expectation. There are people who doesn't know the meaning of love. Grace Gontivaz will meet Isaac Rhodes in an accident. Because of Isaac's curiousit...