XXVI: NEVER BE
Nagising ako na puro puti ang paligid. Nakahimlay ako sa isang puting kama at may benda ang noo ko at katawan. Wala akong maalala kung anong nanyari matapos ang pagbangga sa ‘kin ng isang kotse.
“Oh my goodness, sweetie! Are you okay?” Bumungad sa ‘kin ang madungis na na mukha ni mommy. ‘Yong eyeliner n’ya ay nabubura ng luha n’ya.
“Mommy? S-Si Isaac?” Nabasag ang boses ko kasabay ang pagsakit ng ulo ko.
“Forget him, sweetie. You will marry a rich businessman’s son.”
“No, mommy! Please, si Isaac ang mahal ko kaya pakiusap mommy, hanapin natin s’ya,” pilit ko pero isang mabigat na bugtong-hininga ang narinig ko at ang pag-iling ni mommy.
“You’re one week coma. Rhodes family was gone with their sons.”
“No mommy, buhay pa sila.” May tumahak na luha sa pisngi ko. Na-coma ako pero hindi ako nagka-amnesia. Sana nakalimutan ko na lang lahat ng sakit at ang pangungulila ko sa pagmamahal ni Isaac. “Please find him, mommy,” sumamo ko pero umiling si mommy.
“Grace, sabi ng mga pulis ay maaaring patay na sila. Hinalughog na ng mga pulis ang buong lungsod pero wala ni anino nila ang nakita.”
Humikbi ako pero pilit ko ‘yong pinunasan nang may kumatok sa pinto. Ayokong nakikitang umiiyak ako. As long as kaya kong pigilan ang luha ko, ayoko lang makita ng iba na mahina ako.
“Delivery po.”
“Oh… finally. Sa isang linggong coma ka, every five hours ay nagpapadeliver ako ng dark chocolate milktea. Baka sakaling magising ka.” Bumaling muna sa ‘kin si mommy bago bumaling sa pinto. “Come in.”
Pumasok ang isang lalaki na nakasumbrero at may shades. May face mask din s’yang itim pero sa hubog ng katawan n’ya, hindi ko mapigilang hindi humikbi. Naaalala ko tuloy si Isaac sa kanya. Napaangat ang tingin ko saka pinigilan ko ang luha ko, kailangan kong magpigil dahil may tao.
“What are you doing? Just leave the milktea in the table and go out,” sambit ni mommy sa delivery boy kaya hinawakan ko ang kamay ni mommy at umiling.
“Don’t be too rude mommy,” saway ko saka umalis ‘yong delivery boy.
Bumukas ulit ang pinto at iniluwa ‘yon ang doktor. Sa nakikita ko ay s’ya si Doctor Gonzales. Kasama n’ya ang dalawang lalaking nurse na nakasurgical mask. Siguro mga trainee dahil sa hubog rin ng katawan nila ay mukhang bata pa sila.
“Magandang balitang nagising ka na, Ms. Gontivaz. Mabilis ang recovery ng katawan mo at h’wag mong alalahanin ang mga sugat mo. Hindi ka magkakapeklat at magiging maganda ka pa rin.” Tumawa ang doktor habang ako naman ay tulala sa dalawang nurse at pilit na kinikilala ang mga mata nila na nasa likod ng transparent glasses.
“S’yempre, lahi namin ‘yan dok,” biro naman ni mommy.
“You only need to stay here for two days, hanggang sa maging maayos na ang katawan mo,” payo ng doktor kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya at tumango.
“Okay po dok. Thank you po,” tugon ko kaya nagpaalam na s’ya sa ‘min.
Hindi ko pa rin alam kung bakit biglang sumakit ang ulo ko. Sa dalawang trainee kanina, parang gusto kong kumuha ng medicine. Mag-doctor kaya ako, malayo sa business. Ayoko rin naman ang pagpapatakbo ng kompanya, nakakastress kaya ‘yon. Siguro ito na ang kukunin kong kurso.
“Anak, ano bang ginagawa mo sa lugar na ‘yon? Mabuti at dinala ka dito n’ong isang lalaking naabutan ka.” Kita ko sa mata ni mommy ang pag-aalala pero mas angat sa ‘kin ang curiousity kung sino ang nagligtas sa ‘kin.
BINABASA MO ANG
Stealing His Heart (RB#2) (COMPLETED)
RomanceRHODES BROTHERS SERIES #2 STEALING HIS HEART Sometimes, we meet people wvho was different from our expectation. There are people who doesn't know the meaning of love. Grace Gontivaz will meet Isaac Rhodes in an accident. Because of Isaac's curiousit...