CH 1

71 2 0
                                    

"I give up" frustrated kong sabi at inilapag sa mesa ang librong hawak ko.

Ano ba yan kanina pa ako nagbabasa dito pero wala ni isang salitang pumapasok sa utak ko.

Makapag-ML na nga lang.

"Welcome to Mobile Legend"

"Five seconds until the enemies reach the battlefield. Smash them!"

"All troops deployed"

Sarap sa ears at eyes.

"Sayl, Ba't di ka kaya mag-aral at hindi yang ML ang inaatupag mo. May exam pa tayo kay Mrs. Toledo" bulong ni Eneihs. Nandito kami ngayon sa library para mag-aral dahil may exam kami sa Physics.

I hate Physics! Ayoko ito kasi hindi ko maintindihan lalo na sa part na may sinosolve using a formula.

"I don't care" Nang hindi nakatingin sa kanya. I wouldn't let my game defeated baka mawala pa ako ng Mythic points lalo pa't Mythic Glory na ang rank ko.

Buti pa sa ML may rank ako eh sa pag-aaral warrior pa lang.

"You have slain an enemy"

"Unstoppable"

"An ally has slain"

"Legendary"

Tinignan ko kung ilan na ang kills ko at 30 na lahat ito samantalang sa deaths naman ay 2 lang.

"Victory" Yesss! MVP ako!

Tumayo ako at nginitian ang tatlo kong kaibigan na kanina pa nag-susunog ng kilay.

Kinuha ko lahat ng mga libro na hawak nila.

"What the!" naka kuno't noo'ng sabi ni eneihs.

"Hey!" ani Prudence ng nakataas ang isang kilay.

"Saylee!"ani Shanley ng masamang nakatingin.

"At dahil MVP na naman ako at Mythic Glory parin ang rank ko ililibre ko kayo!"Napasigaw pa ako sa tuwa dahilan kung bakit tumayo ang librarian papunta sa table namin.

Tumingin naman ako kina Shanley, Eneihs at Prudence na ngayon ay masama na ang tingin. It's not my effin fault!

"Kanina ko pa kayo pinagmamasdan and I can see na hindi naman kayo nag-aaral lalo ka na!" She pointed at me. I just rolled my shining shimmering eyes at her.

Old witch!

Ang ending pinalabas kami ng Librarian. Humarap naman ang tatlo kong kaibigan na ngayon ay nakapameywang at masamang tumingin sakin.

"Hayaan nyo na girls nakapag-review narin naman kayo kaya arat na sa Cafeteria"

Umiling ang mga ito.




"Here's your Black Bean Burger with Fries Enhs, Shawarma for prudence and Asada Grilled Steak Taco for Shan, Bean and Cheese Buritto for me" masaya kong tugon. Buti na lang may mga  pagkain sa Cafeteria na ganito.

Chained (jar of hearts series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon