CH 7

13 1 0
                                    

"It's so eww, there are so many germs kaya, look oh" turo ni Sam sa hawak nyang plastic bottle na nadumihan na dahil sa ulan.

Susugurin na sana sya ni Enhs kase kanina pa sya nag-iinarte pero pinigilan ito ni Shanley.

Hindi pa tapos ang punishment namin may tatlong araw pa kaming natitira.

"Ano ba naman kase shan kating-kati na ang kamay kong manampal ng higad. Hwag mo na kase akong pigilan" pagmamaktol ni Enhs.

Gusto ko ring manampal pero wala ako sa mood.

"Hayaan mo nalang Enhs, baka mapagalitan pa tayo kay Ms. Agnes madadagdagan na naman ang punishment natin." Walang ginawa si Enhs kundi hayaan na lang ang Higad na si Sam na mag-inarte.

"Oo nga, it's so kadiri" ani higad na si Nica.

Isa pa tong higad na to!

"Prudence are you okay?" Ani Shan habang nakahawak sa likod nito.

Lumapit naman kami ni Enhs sa kanila.

"Yes, I'm fine shan, nahihilo lang ako" at nginitian nya ito.

"Are you sure?" nag-aalala na talaga ako sa kanya dahil palagi syang nahihilo at madalas ring sumasakit ang ulo nito.

Tumingin naman ito sakin at nginitian ako.

"Yes Sayl, I'm fine" Tumingin naman ako sa dalawa na nag-aalala rin kay Prudence.









"What take them so long? Nagugutom na ako" tukoy ko kina Enhs at Shan.

Naisipan namin nasa benches na lang kami kumain dahil baka mapaaway na naman kami pagsa-cafeteria kami kumain.

Nagkibit-balikat lang si Prudence.

Tanaw ko mula sa palayo si Jane na nakahawak ng mga papel mukhang papunta sya dito.

Pagod nyang inilapag sa bench ang mga papel na hawak nya sa harapan ko.

"Saylee, Ikaw na raw magdala ng mga papel sa office ni Sir Anton sabi nya" magsasalita na sana ako pero umalis na ito at iniwan ang mga tambak na papel sa harap ko.

Nagkatitigan kami ni Prudence nagkibit-balikat lang ito.

Ba't ako pa?

Nakatulala lang ako habang tinititigan ang mga papel na nasa harapan ko.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ang dalawa at mukhang nag-aaway sila.

"Ba't ba kase pinigilan mo pa ako shan?! Pasampal na ako eh" gigil na sabi ni Enhs.

Napaaway na naman siguro ang mga ito kaya sila natagalan.

"Buti nga pinigilan kita kung hindi baka nasa Dean's office ka na"

Iritado namang tumingin samin si Enhs. Napansin naman nito ang mga papel na nasa harapan ko.

"Ba't may mga papel dito?" Nakahalukipkip pa ito.

Tumingin naman sakin si Shan.

Chained (jar of hearts series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon