CH 24

3 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Strawberry farm at marami rin kaming kasamang turista na tumitingin sa mga strawberries sa paligid. Buti na lang may ginawa sila na parang bridge para don nalang namin tignan ang mga strawberries na nagkalat sa buong farm.

Inilibot ko ang tingin sa mga tao dito at iilan nalang ang mga turista na nandito. Nagsi-uwian na ang iba dahil dumidilim na ang paligid.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang papalapit na Ked.

"Baby sayl. Uwi na daw tayo sabi ni Mama" Napatingin naman ako sakanya.

Nagsimula naman kaming maglakad paalis ng farm pero napahinto ako ng may nakita akong lalake sa kabilang bridge na deretsong nakatingin sa mga mata ko.

How the ef did he get here?

I gulped when my eyes met his. I saw his fist clenched ng dumapo ang tingin kay Ked.

"Baby sayl" napatingin ako sa kanya.

"What are you looking at?" Tumingin ito sa kabilang bridge ng binalik ko ang tingin sa kabilang bridge ay wala na sya.

He can't be him.














Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Inilibot ko ang tingin sa loob nito. Sky-blue blue ang ding-ding at nandon parin ang mga glow in the dark na stars na dinikit namin ni Kuya Bryle nung bata pa kami at hanggang ngayon umiilaw parin. Si Ked ay sa kabilang kwarto sya pinatulog ni Mama, pinili pa nya ang kwartong malapit sakin.

Naisipan kong maligo muna bago matulog kaya agad akong nagtungo sa banyo. Pagkatapos akong magbihis ay pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ako nahiga.

Nakatulalang nakatingala ako ngayon sa kisame hindi kase maalis sa isip ko kung sino ang nakita ko kanina.

Hindi naman siguro sya yun dba? Wala naman syang dahil na pumunta dito.

"Tama sayl. Hindi sya yon" usal ko sa sarili.

I'm about to sleep when Ked entered my room.

Hindi man lang ito kumatok.

Nakangiti itong lunakad palapit sakin at umupo sa kama.

"Baby sayl. I heard from Manang Eden na there's so many places na pwedeng puntahan dito sa La Trinidad." lumitaw pa ang dimple nito.

I lift my right brow at him.

"So I'm thinking we should see it. What do.you think baby sayl?"

May tatlong-linggo pa naman kaming natitira kaya umuo nalang ako.

"Awwwss! Thank you baby sayl" he hugged me.

Bumitaw ito sa pagkakayakap at nagulat ako ng mabilis at diko namalayan na nagnakaw ito ng halik.

Humagikgik ito ng tawa at naglakad paalis ng kwarto pero bago ito lumabas ay tumingin muna ito sakin.

"Good night Baby Sayl. Sweet dreams" he smiled.

Iniwan nya naman akong tulala.

Sanay na ako na palagi nya akong niyayakap at hinahalikan sa noo at pising minsan rin ay hinahawakan nya ang kamay ko pero hindi ko akalain na kaya nya rin akong halikan sa labi.

Chained (jar of hearts series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon