CH 16

15 1 0
                                    

Nalaman ko mula kay Ate Brina na pinabugbog ni Daddy si Joaquin dahil nanlaban ito.

Wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak buong maghapon dahil sa isa pang nalaman ko. May kumuha samin ng litrato habang magkayakap sa ulan nung gabing nakita kong naghahalikan sila ni Ms. Laura.

Kumalat ang litratong yun sa buong internet kaya pinag-pyepyestahan na ito ngayon.

Nakaka-ilang tawag na si Enhs, Shan at Prudence pero hindi ko ito sinasagot.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sakin si Mommy na may dalang pagkain.

Dalawang-araw ng hindi ako kumakain, simula nung binugbog sya.

"Sayl, baby, Kumain ka naman. Look at you ang payat-payat mo na" Hindi ko ito pinansin.

Nasasaktan ako dahil wala syang ginawa para pigilan si Daddy dahil hindi nya kaya itong kalabanin.

Daddy will always be that prim and superior.

"Your Daddy and I decided na sa London ka na mag-aral kasama ang Tita Aileen mo within 3 days mag-flaflight ka na papuntang London" Galit akong tumingin kay Mommy.

They can't to this to me!

Inilayo nila sakin si Joaquin at ngayon naman ilalayo na nila talaga ako sa kanya.

"What?!" I said in a high voice.

"Doon ka muna mag-aaral, baby"

No! I won't go there they can't just force me.

"Why?!" Napagtaasan ko pa ito ng boses.

"It's for your own good"  Ang pag-aralin ako sa ibang lugar ay hindi kailanman matatanggal ang sakit na nararamdaman ko.

"Hanggang kailan Mommy?! Hanggang kailan ka magpapa-alipin kay Daddy at hanggang kailan ka magpapakatanga?!"  Tumingin ito sa akin at sinampal ako.

She slapped me.

Her tears rolled down to her cheeks. Seeing my mother cries breaks my heart.

Matagal ko ng alam ang rason kung bakit palagi sila nag-aaway ni Daddy.

Daddy had a mistress pero hindi ko alam na ang kabit nyang yon ay ang Mommy ni Sir Joaquin.

Claraine M. Tyson.

Ate Brina told me na si Ms. Tyson ang kabit ni Daddy alam ito ni Mommy but she choose to be with Daddy kahit alam nyang may kabit ito.

Claraine was the first love of Daddy at ito ang pinangakuan nya ng kasal pero hindi sya gusto ng pamilya ni Daddy dahil mahirap lang ito kaya nya pinakasalan si Mommy dahil sa utos ni Papa, my grandfather. Pinagkasundo nila si Mommy at Daddy noon pero hindi nila gusto ang isa't-isa pero habang tumatagal ay natutunang mahalin ni Mommy si Daddy but Daddy love Claraine so much at hindi nya ito kayang saktan. They have a love triangle that time. Nalaman ni Claraine naikakasal noon si Daddy kaya ito sumama sa ibang lalake, si Rome R. Tyson. Nagalit si Daddy sakanya kaya bilang ganti pinakasalan nya si Mommy.

Humagulgol si Mommy dahil sa nasabi ko. I hugged her.

"Mommy, I'm sorry" She hugged me back.












"Sayl, Hindi ka raw pa kumakain sabi ni Tita, look at you ang skinny mo na" Enhs looked at me from head to toe.

Binisita nila ako ni Shan wala ngayon si Prudence dahil Hindi pinayagan ni Tita Macy na lumabas ito sa hospital.

Nakaupo sila ngayon sa kama ko.

"Did you heard about Sir Joaquin?"  Ani Enhs.

Marinig ko lang ang pangalan nya naiiyak na ako.

"About what?" Sinubukan kong hindi ako pumiyok.

These stupid tears won't stop rolling.

Nagkatinginan muna sila ni Shan bago ito nagsalita.

"Dean found out kung anong namamagitan sainyo and~" pqgpuputol nya.

"And what?!"  Umiling ito. Nung napansin ni Shan na hindi na itutuloy ni Enhs ang sinasabi nya ay sya na ang nagsalita.

"They revoked sir anton's licensed of being a professor" Nanghina ako sa narinig ko mula kay Shan.

"And we found out na may kinalaman dito si Tito Primo." Si Daddy?

Pinabugbog na nga nya ito tinanggal pa nya ito ng karapatan. How could he!









Napagdesisyonan namin ni Joaquin na magkita sa Park mamamayang gabi. Tumawag sya kanina at gusto nyang magkita kami.

Alam kong mali itong gagawin kong pagtakas dahil napagdesisyonan ko ng sumama sa kanya.

I already packed all my clothes at the strike of 12 aalis na ako. Plinagplanohan ko rin kung paano ako makakatakas sa mga guard. Nah-hire ng maraming guard si Daddy incase na tumakas ako pero hindi nila ako mapipilang tumakas. Bukas na ang flight ko papuntang London kaya kailangan ko rin itong gawin para hindi ako mawalay kay Joaquin.

I love him so much kaya gagawin ko ang lahat para makasama sya.

Dumaan ako sa likod ng mansion at ng nakita kong may mga guard hinintay ko muna silang makatulog. Tinignan ko ang wristwatch ko.

11:37

Binigyan ko sila ng coffee kanina at linagyan ko ito ng pampatulog.

Nung nakita kong nakatulog na ang mga ito ay naglakad na ako palabas ng mansion at sa ilalim ng puno ng mangga don ko nakita ang BMW na hiniling ko kay Enhs na gamitin papuntang park. Sa una hindi ito pumayag pero napapayag ko rin ito.


Pinark ko ang sasakyan ni Enhs at nag-simulang naglakad pero napatigil ako ng nakita ko ang naghahalikang Joaquin at...

"Ms. Laura"  I stunned.

Mukhang nasasarapan pa ito sa paghalik sa kanya.

I bit my lip to stop me from sobbing at nagsimulang naglakad paalis ng Park.

Tatlong-beses muna itong ginawa at hindi ko na hahayaan pang magpaka-tanga ulit sayo.

___________________________________

pinky-shiene

Chained (jar of hearts series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon