CH 6

13 1 0
                                    

"Sino ang may tanong?" sabi ni Sir Joaquin sa amin matapos niyang magturo.

Nagkatinginan naman ang mga kaklase ko.

Tumingin ako kina Prudence na ngayon ay nakatingin narin sila sakin.

Nginitian ko sila at umiling naman ang mga ito dahil parang alam nila kung ano ang nasa-isip ko.

Tumingin ako kay Sir Joaquin at itinaas ang kamay ko.

"Sir"

Naka-poker face itong tumingin sakin.

Sungit talaga ni mi labs. Amp.

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Yes, Ms. Ledesma"

Nagkasalubong ang kilay ko dahil ang pormal nyang magsalita.

Baby na lang kase sir! Amp.

Nginitian ko sya.

"I like you, Do you like me too?"

Napasampal naman ng noo ang mga kaibigan ko ang mga kaklase ko naman ay nagpipigil ng tawa.

"What kind of question is that Ms.Ledesma?"

Nakasalubong na ito ng kilay.

Nginitian ko parin ito kahit alam kong naiinis na sya sa mga pinagsasabi ko.

Don't give up Sayl! Kaya mo yan! Ikaw pa eh ang ganda mo.

"Eh sir nakiki-cooperate lang naman ako sa klase at nagtanong ka kung sino ang may tanong kaya nagtanong ako." nakanguso kong sabi.

Masama na ang tingin nito sakin.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napailing ang mga kaibigan ko.

Supportahan nyo na lang kase ako.

"So sir, let me repeat the question, Do you like me?"

Seryuso itong tumingin sakin.

Napalunok naman ako dahil sa kaba.

"No" matigas nitong sabi at umiwas ito ng tingin.

Awtss! Sakit naman tagos sa puso.

"Dismissed"

Kinuha nito ang gamit  at nag-martsa palabas.

Tulala at nakatayo parin ako dahil ayaw mag-sink in sa isipan ko ang sinabi ni Sir Joaquin.

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko pati rin sina Prudence.

Malungkot na tumingin si Prudence at Shanley samantalang si Eneihs naman ay nagpipigil ng tawa.

Lumapit silang tatlo sakin.

"Sayl, Okay ka lang?" Ani Prudence. Hinawakan pa ako nito sa braso.

Tumango lang ako.

Chained (jar of hearts series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon