CH 20

18 1 0
                                    

"Oh gosh, na-miss ko tong adobo mo mommy" Napapapikit pa ako habang kinakain ang recipe ni Mommy na adobong manok na may mangga at sili.

Mommy chuckled. "Masarap nga Tita" ani Jane. Nginitian naman sya ni Mommy.

"I remember this adobo Tita, dba eto po yung palagi mong linuluto pag-binibisita ko po si Baby Sayl nung bata pa kami." Ani Ked na nakarami na ang kain.

Nung mga bata pa kami palagi syang nandito sa mansion dito na sya halos tumira.

"So you mean palagi kang nandito?" Enhs na nakahalukipkip habang ang isang kilay ay naka-taas.

"Oo hija, dito narin madalas natutulog si Ked minsan ay sa kwarto ni Sayl sya natutulog dahil gusto nitong si Ked na palagi silang magkasama, wala naman iyon samin dahil parang anak narin namin si Ked."

Sinamaan ako ng tingin ni Enhs, tahimik namang nakikinig sina Duke.

"They're like brothers and sisters na nga eh palagi silang nakabantay for each other." Maarteng sabi ni Ate Brina. Napatingin naman sila ngayon kay Ate Brina.

"But they're grown ups now. They should be parted on their own lives." Napatingin naman silang lahat ngayon kay Enhs.

Tama si Enhs hindi na kami bata para bantayan namin ang isa't-isa.

"But there's a way naman para hindi sila magkalayo" ani Jane na nakangisi.

"Ano?" Ani Enhs na naka-taas parin ang isang kilay.

Kunting-konti na lang maaahit ko na ang mga kilay nya.

"Ked should marry Saylee para hindi sila magkalayo" Jane chuckled.

Nasamid si Kuya Bryle at Ate Brina dahil sa sinabi ni Jane. Nakatingin naman ng masama si Enhs sa kanya habang sina Duke naman ay tahimik lang.

I bit my lip at napailing.

"Diba liniligawan mo naman siya?" tanong ni Jane kay Ked na ikinagulat ng lahat pati rin si Mommy.

Hindi ko sinabi sa kanila na liniligawan ako ni Ked sina Prudence at Ash lang ang nakakaalam pero mas lalong hindi ko sinabi kina Jane na liniligawan ako nito.

Napatingin ako kay Enhs na ngayon ay naka-peace sign na.

Tumango si Ked sa tanong ni Jane. Tumingin ito kina Mommy at sa mga kapatid ko na ngayon ay gulat parin dahil sa mga nangyayari.

"Tita, can I court baby sayl?" Tumingin muna sakin si Mommy bago ito nagsalita.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko na hinihintay ang sagot ni Mommy.

Nakaka-tense naman. Effin!

"Yes hijo, you can court our baby" Mommy smiled at Ked tumayo naman si Ked at yinakap nya si Mommy.

Napabuntong hininga naman si Enhs at may ibinulong ito.

"Talo na naman ang manok ko" napatingin naman sa kanya si Adam.

"Sinong manok?" Naka-kuno't ang noo'ng tanong nito.

"Wala" Binalik ang tingin sa kinakain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkukuwentuhan ng pumasok si Daddy.

Tumayo si Mommy at sinalubong ito. "Hon, ba't ngayon ka lang?"

Napatingin muna ito samin bago sya tumingin kay Mommy.

"I'm tired, can I sleep now?" Ani Daddy.

Nasasaktan ako para kay Mommy dahil sa trato ni Daddy sa kanya. I know na hindi nya mahal si Mommy pero sana naman wag nyang iparamdam na parang hindi nya ito asawa.

"Ah umh. O-okay h-hon" nauutal nitong sabi. Hinalikan naman ni Daddy sa pisngi si Mommy at nag-lalakad sa hagdan paakyat sa kwarto nila.

Alam kong naiiyak na sya ngayon pero pinipigilan lang nya. Nagpunas ito ng luha bago humarap samin na nakangiti na ulit.

Mommy's weapon when I know she's hurt is through smiling so she can hide her pain.



















"You're not going to asnwer him naman dba?"

Pinag-uusapan namin ngayon ang nangyari kanina sa mansion at hanggang ngayon hindi parin maka-get over si Enhs dahil hindi nya daw gusto si Ked para sakin.

I shrugged dahil hininhitay ko pa ang mga signs na dapat mangyari para masagot ko na si Ked but lately I'm thinking na hindi ko naman kailangan ang mga signs para sagutin ko sya.

"What's wrong with that Enhs? Matagal naman silang mag-kaibigan and they know each other naman" ani Prudence. Binisita namin ngayon sya dahil hindi ito nakapunta nun sa mansion dahil bawal naman syang lumabas.

"That's the point Prudence, Hindi porket mag-kaibigan sila ay pwede ng sagutin ni Sayl itong si Ked, that's not love, its pity." Ani Enhs na syang kinatahimik ni Prudence.

Enhs known for being a playgirl dahil wala itong sineseryusong lalaki, she don't believe in love pero nakakapagtaka lang kase ibang Enhs na ang nasa harapan namin ngayon.

Tahimik namang nagbabasa si Shan sa couch pero alam kung nakikinig ito.

"So, sino ang nababagay ngayon kay sayl? Siya? Baka nakakalimutan mo Enhs na sinaktan nya ang kaibigan natin." Biglang bumalik ang nangyari noon.

Tama si Prudence, he hurt me pero wala na yon sakin dahil naka-move on na ako.

"You don't understand Prudence, hindi nyo kase pinakinggan ang side nya kaya ang alam nyo sya ang may mali" pagtatanggol ni Enhs.

Napatingin naman ako kay Enhs pati rin si Shan nakatingin narin ito sa kanya.

"Kase in the first place naman Enhs sya na ang mali kung hindi sana nya binigyan ng motibo si sayl edi sana~" I cut her.

"Enough. Nag-aaway na kayo kaya itigil nyo na yan" Napatingin naman sila sakin.

"Ikaw kase" turo nito kay enhs.

"Ba't ako?" Nakasimangot na sabi ni Enhs.

Whatever his reason kung bakit nya nagawa yon ay wala na akong pakealam.

___________________________________

pinky-shiene

Chained (jar of hearts series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon