CH 22

10 1 0
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ni Mr. Reyes tungkol sa problema ng kompanya ay agad akong umalis sa Cafe dahil nagpapasundo si Ate Brina, hindi pa kase ito marunong magdrive dahil marami syang ginagawa sa skwelang pinapasokan nya. Napatingin ako sa table nina Ms. Laura  na ngayon ay bakante na dahil umalis narin sila agad.

"Tay sa UA&P po" sabi ko ng pumasok ako sa kotse.

Ngumiti naman at tumango ito.

Habang tinatahanak namin papunta sa UA&P ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil alam kong masaya na sya sa iba. Apaka tanga ko kase kahit hindi ko man aminin alam kong gusto ko parin sya kahit maraming beses na nya akong sinaktan.

"Nak, okay ka lang?" Nag-aalalang sabi ni Tay Ronald tumingin naman ako sa kanya at nginitian.

"Opo tay" nakangiting tugon ko. Binalik ulit nito ang tingin sa daan.

I'm not okay and it will never be...










"Hi miss, Pwedeng magtanong? Saan po ba yung room ni Ms. Sabrina Ledesma?" Tanong ko sa magandang babae na prof rin ng UA&P dahil pareho sila ng uniporme ni Ate Brina. Winagayway ko ang kamay ko sa harap nya pero nakatulala parin ito.

May dumi ba sa mukha ko?

Ichecheck ko sana ang mukha ko kung may dumi pero nagsalita ito.

"Ah, D-doon" turo nya sa ibang building.

Ang layo naman.

"Sige, salamat" Paalis na sana ako ng hawakan nya ako sa kamay.

"I think I've seen you somewhere" sambit nya at lumapit ito ng kaunti.

What's wrong with people ba? Ngayon lang ako ulit nakabalik ng pinas pero sinasabi nila na nakita na nila ako.

Weird.

"Ohmygosh! Ikaw yon!" Sigaw nya na nakatakip pa ang bibig sa kamay nito.

Ako?

"Excuse me?" naguguluhan kong sabi.

"Ikaw yung palaging binabanggit ni Joaqui na babaeng mahal na mahal nya at ikaw rin ang babaeng nasa litrato nun na palaging hawak- hawak nya! Ohmygosh! Ang ganda mo naman sa personal! Pwedeng pa-picture?" Kumikislap pa ang mata nyang sabi.

Who the effin is Joaqui?!  Baka na-misinterpret lang tong si Ate Girl pero wait! Hindi kaya sya ang Joaqui na sinasabi nila? Tinawag syang Joaqui kanina ni Ms. Laura pero ang labo! Hindi naman porket Joaqui na ang tinawag sakanya ni Ms. Laura ay sya na ang tinutukoy nilang Joaqui.

"I'm sorry. Hindi ako yung babaeng sinasabi mo at wala akong kilalang Joaqui" Lumayas ako sa harap nya at naglakad papunta kay Ate Brina.

Naiwan naman itong naguguluhan.














Pauwi na kami ng mansion pero hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko ang mukha nya. Ba't ang unfair?! If I'm not mistaken 27 na sya pero ang bata parin ang mukha nya samantalang ako 22 na at nagmumukha ng laspag.

Unfair to the highest level.

Ang isa pang di mawala sa isip ko ay ang mga taong nagsasabing kilala ako, eh hindi ko naman sila kilala at mag-iisang buwan palang ako dito sa pinas at sino ba si Joaqui?

"Tae, naman diko kilala si Joaqui. Sino ba sya?" Bulong ko sa sarili. Napatingin naman sakin si Ate Brina.

"What are you whispering?" Tanong nya. Her brows met.

Sya kaya kilala nya rin ba kung sino ang Joaqui na sinasabi nila?

Siguro peymus sya. Sana all!

"Ate, may kilala ka bang Joaqui?" tanong ko na syang kinagbigla nya ng kunti.

What's with his name kaya? Ba't napapraning ang mga tao pag-binabanggit ang pangalan nya.

"W-wala n-naman" nauutal nyang sabi at umiwas ito ng tingin.

I can sense that she's lying. Alam kong kilala nya kung sino ang Joaqui na sinasabi nila.

Kung ayaw nilang sabihin kung sino ang Joaqui na yon pwes ako mismo ang aalam kung sino sya.

Pagkauwi namin ng mansion ay nadatnan namin sa dining area sina Kuya Bryle, Daddy at Ked na nagkakatuwaan. Hindi na bago samin ang palaging pagpunta dito ni Ked dahil nakasanayan na namin.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng tawagin ako ni Mommy.

"Come baby, let's eat" nakangiti nyang sabi. Napatingin naman sakin sina Ate Brina na ngayon ay naka-upo na pala.

Kahit ayokong makisabay sa kanila dahil nandyan si Daddy, naglakad na lang ako papunta sa kanila.

Tumayo naman si Ked at hinila ang upuan para sakin. Nginitian ko naman ito.

Linagyan ni Ked ng pagkain sa pinggan ko kahit sinabi ko na ako na lang pero nagpumilit ito na sya nalang daw.

"Ako na lang kase baby sayl" nagpupumilit nyang sabi. Ba't parang may ibang ibig-sabihin ang sinabi nya or sadyang napaparanoid na ako?

Napapatingin naman samin si Mommy at ngumiti-ngiti pa ito.

"Eat na baby sayl" sabi nya ng matapos nitong maglagay ng apakaraming pagkain sa pinggan ko.

Tae! Sandwich nga diko magawang ubusin ito pa kayang sandamakmak na pagkaing nasa harapan ko?!

Sinimulan ko na lang itong kainin kahit alam kung hindi ko ito kayang ubusin.

"Sayl" ani Daddy. Napatingin naman ako sa kanya.

Deretso itong nakatingin sa mga mata ko. Nakaka-tense naman dito keribels.

"P-po?" nauutal kong sabi.

Binaba nya ang ang utensils na hawak nya kanina at nagpunas ito ng bibig sa table napkin.

He cleaned his throat bago ito nagsalita.

"I want you to go in La Trinidad and check our plantation and your Papa will teach you how to make wines" seryuso nitong sabi.

La Trinidad is the province where Mommy and Daddy live when they were a child and I can't believe after 10 years ay makakabalik na naman ako don.

I don't have any friends when I was in La Trinidad. Lahat ng bata don ay ayaw akong kaibiganin dahil ang pamilyang Ledesma ay kilala sa La Trinidad bilang isang maimpluwensyang pamilya. Halos lahat ng lupain sa La Trinidad ay pag-aari ng Ledesma. Pag-naglalaro ako nun sa hacienda mag-isa lang ako hanggang sa isang araw tumakas ako sa bahay at pumunta sa pinakataas na bundok na sinasabi nila na makikita ang ganda ng lalawigan ng La Trinidad lalo na sa gabi kaya nagpunta ako nun at totoo nga ang ganda ng La Trinidad lalo na ganda ng buwan na kumikinang na nagbibigay ilaw sa buong lalawigan at don sa lugar na yon ay nakilala ko ang lalakeng naging una kong kaibigan sa La Trinidad.

__________________________________

pinky-shiene

Chained (jar of hearts series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon