CH 21

23 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa sarili kong office na pinagawa ni Daddy bago pa ako makapagtapos ng pag-aaral. Sa ngayon ay tinatrain muna ako bago ako maging CEO ng kompanya, si Kuya Bryle dapat pero gusto nitong ipursue ang dream nyang maging Doctor ayaw naman ni Ate Brina dahil wala syang hilig sa Business kaya BSED ang work nya.

Inilibot ko ang paningin sa sarili kong office. Ang ganda ng pagkakadesign ng interior designer.

Pumasok si Louie ang secretary ni Daddy.

"Ms. Saylee, may meeting po kayo ni Mr. Reyes sa Moon Cafe mamayang 10 am pinasasabi po ng Daddy nyo." pormal nitong sabi.

Tatanongin ko sana sya kung bakit sa Moon Cafe pa gaganapin ang meeting pwede rin namang dito sa Office ko nalang.

"Okay" Umalis ito at isinara ang pinto.

Okay sayl, kaya mo to. Tumingin ako sa wristwatch ko.

9:00am

So I still have one hour to prepare.

Prinepare ko muna ang mga gamit ko bago ako umalis ng office. Napatingin pa sakin ang mga employee habang nag-lalakad ako.

I'm wearing a white-long sleeve and pencil skirt.

"Hi, Ms. Saylee" bati ng isang lalake. Nginitian ko naman sya.

"Good morning ma'am" bati nang kasama nya.

"Good morning din sayo" napasinghap pa ito dahil hindi nya yata akalain na babatian ko rin sya pabalik.

"Sya ba ang bunsong anak ni Sir Primo?" sabi ng babaeng naka-eyeglass.

"Oo, ang ganda nya noh?" tumango naman ang babaeng naka-eyeglass.

"At ang bait pa" hirit ng isa.

Nang makalayo na ako sa paningin nila ay nagsibalik na ang mga ito sa kani-kanilang trabaho.

Palabas na ako ng building ng makita ko ang regalo sakin ni Mommy na Aston Martin na dinadrive ngayon ni Tay Ronald.

Bumaba ito sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Nginitian ko naman sya.

"Fasten your seatbelt, Ma'am"

Hanggang ngayon Ma'am parin ang tawag nya sakin kahit na sinabi ko na Sayl nalang kase para ko narin silang magulang sila ni Nanay Laly na mayordoma sa mansion.

"Tay, I already told you po na Sayl na lang" Nginitian nya ako.

"Noted Anak" Napailing nalang ako dahil sa sagot nya.

"Saan tayo nak" aniya. Na nakatingin sa salamin.

Napatingin naman ako sa kanya. "Sa Moon Cafe po"

Tumingin na ulit ito sa daan.

Naisipan kong buksan ang Instagram ko kaya nagscroll at tinignan ang mga post ng mga batch ko na ngayon ay malayo narin ang narating. Napatigil lang ako sa pagscroll ng nakita ko ang picture ni Ms. Laura na kasama si Sir Joaquin nakakapost palang.

Biglang may tumusok sa puso ko ng makitang magkasama sila. Lahat ng alala namin biglang bumalik at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang pinagmamasdan ang litrato nya. Kahit na apat na taon ang agwat nya sakin ang gwapo parin nya. Walang pinagbago naaakit parin ako sa mga mata nya.

"Nak, nandito na tayo. Okay ka lang?" Nag-aalala nitong sabi.

Pinunasan ko naman ang mga luha kong kanina pa nagsisilabasan. Tumingin ako sa kanya at nginitian ko sya.

Chained (jar of hearts series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon