FALL...
Dalawang araw akong nakatengga sa bahay..
Mataas pa ang lagnat ko ngunit gusto ko ng pumasok, hindi dahil sa excited ako sa klase kundi dahil gusto kong malaman ang nangyari kay Sebastian...
Dapit hapon ng kumatok si Beth saming kwarto..
Mabilis kong minulat ang mga mata at ang malungkot na mga mata nito ang bumungad sakin..
"Hi?" Bati ko dito..
"Kamusta na ang pakiramdam mo naty?" Tanong nito..
Nginisihan ko ito..
"Ako paba? Lagnat lang ito beth, nga pala kamusta ka?" Tanong ko dito..
Natahimik bigla ito at matagal na tumtitig sakin, bago napa iling..
"Sabihin mo naty, nobyo mo ba talaga si Sebastian?"
Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo, mabilis na pinalig ang ulo upang bumalik sa wisyo ang hilong nararamdaman..
"N-naty!? O-okay kalang? Nako magpahinga kamuna, s-saglit kumain kanaba? Nakain-"
"H-hindi ko nobyo si Sebastian beth, biro lamang nito iyon at sinaky- *cough *cough an k- *cough *cough"
"N-naty! Nako magpahinga kana muna, tiyaka na natin pag usapan iyan" natatarantang aniya ng pinsan..
Tahimik kong pinikit ang mga mata at ikinalma ang sarili..
"Inay? Liliban ako bukas kapag hindi padin bumaba ang lagnat ni naty" boses ni beth iyon..
Dahan dahang kong minulat ang mga mata at mabilis na hinanap si beth at nanay..
Nasa kabilang kama sila nakaupo habang may pinipigang bimpo..
"Hindi na anak, ako na ang mag babantay.. hindi mo pwedeng pabayaan ang klase mo hindi ba?" Sagot ni nanay..
"Hindi nay, may lak-"
"Tama si nanay, beth okay na ako at tiyak na gagaling na ako bukas lalo pa at medyo magaan na ang pakiramdam ko ngayon"
Bumakas sa mga mata ni nanay at beth ang gulat at napalitan ng kaba..
Dahan dahang akong umupo mula sa pagkakahiga, mabilis naman tumayo sila nanay para makalapit sakin
"Tamang tama, kakaluto lang ng lugaw anak kumain kana at paiinumin kita ng gamot halos maghapon kang tulog tiyak na gutom na gutom kana" nanay..
Lumabas sa kwarto si beth, na tiyak ay kukuha ng kakainin ko..
"Di ho ako gutom nay ee, pero iinumin ko na yung gamot"
Mabilis na umiling si nanay..
"Manahimik ka nanak ha.. kakain ka muna bago ka uminom!" Saway ni nanay..
Napangiwe nalamang ako sa sagot nito..
Bumalik din naman agad si beth dala ang pagkain at lumapit sakin..
"O sya, papalitan kulang itong tubig na pampunas sayo.. kumain ka nanak ha!" Babala pa ng ina..
Mabilis akong tumango dito..
"Naty susubuan kit-"
Hindi ko pinatapos ang anomang sasabihin ni beth,at mabilis na inagaw sakanya ang kutsara
![](https://img.wattpad.com/cover/222249909-288-k485597.jpg)
BINABASA MO ANG
√The Person I love (La Isla Salvation#1)
Romance'The way you smiled, the more I want to prison you'