Mabilis dumaan ang mga araw na naging busy ako sa pag rereview sa kung ano ano para sa darating na Quiz bee, ng araw naman na iwan ako ni beth sa exhibit ay masama daw ang pakiramdam nito kaya nanguna na itong umuwi, nakakapagtampo man dahil hindi ito nakapag paalam sakin ay isinaloob ko na lamang, maging si Janus ay naging busy narin sa ekwelahan lalo pa at graduating na ang binata at kandidato bilang Victorian sa LIS
At halos araw araw din akong kukulitin nito kapag oras naman ng breaktime o dikaya naman ay kapag naabutan ako nitong tahimik na nagbabasa at oras ng pahinga niya ay mangungulit itong kumain kami..
Isang hangal nalang talaga ang hindi mahuhulog sa mga ginagawa ni Janus, kahit pa sabihing iiwasan mo ang kagaya niya ay dika magtatagumpay..
Lahat ng sulok ng LIS ay andoon ang binata, waring buntot ko sunod ng sunod..
Hanggang dumating ang araw ng Quiz bee at ako nga ang naging representative sa paaralan namin.. Tanging kaba at takot ang nararamdaman dahil hindi ko kilala ang mga taong nakapaligid sakin..
Busy ang ina sa pag aani kaya hindi ako masamahan, si beth ay may mga proyekto padaw na dapat pang asikasuhin.. nahihiya naman akong alukin sila kuya Raul at Razel para lang masamahan ako dito na maging ang mga ito ay alam kong busy din sa mga kanya kanyang tagubilin, lalo pa at may hakahakang dumating daw ang mayaman na kapatid ni kuya Raul sa labas..
"For the last question!" Saad ng mc na siyang nagbibigay ng katanungan..
Kinakabahang napalunok ako ng sariling laway at ramdam na ramdam ang malalapot na pawis sa aking leeg..
Parehas kami ng puntos ng kalaban ko at sa oras na isa sa amin ang makasagot nito ay siya na ang championship sa Quiz..
Kinalaban ko muna ang tatlo bago makatungtong sa ikaapat na siya ngang hihiranging 'the Champion'
"Which year is associated with the outbreak of world war II?"
Parehas kaming natigilan ng kalaban at nakatingin sa isat isa, hanggang sa parehas din ang mga mata namin nanlaki ng bigla nalamang nito tinaas ang kanang kamay..
"Mr. Lakim your answer is?" Nag aantay na sagot ng mc..
"That would be......... 19..... 45?! Right 1945!!"
At malawak pa itong ngumisi.. sabay tingin sakin na may pagmamalaki..Lumaylay ang mga balikat ko ng kumpyansa ito sakanyang sagot..
"1945! And that is.."
Sumabay ang nakakatakot na tambol ng drum..
"1945! and that is WRONG!!!! ms. Saltan we giving you 5 minutes to answer the questions,so here the question again, Which year is associated with the outbreak of world war II?" Sabay baling nito sakin..
Mabilis akong nataranta at napabaling baling sa kung saan saan ang mga matabna animo'y mahahanap ko ang mga sagot..
Kaylan ba... kaylan ba....
Kay- natigilan ako ng mahagip ng mga mata ko sa dagat ng taong nanunuod samin ang mga mata ni Janus..
May matamis na ngiti at bahagya pang tumango, doon ay pawang nabunutan ata ako ng tinik saking dibdib at gumaan ang aking pakiramdam..
Muling kong inisip ang tamang sagot ng huminahon ang aking utak..
"1935" sagot ko dito..
Nakita ko kung pano nanlaki ang mga mata ng mc at kung pano lihim na natawa ang kalaban sa harap ko at umiiling pa na animo'y nang aasar..
"1935? 1935! Is it correct or wrong!??" Malakas na nagsigawan ang mga manunuod ng isigaw ng mc iyan, at lahat ng sigaw na iyon ay naghalo ang tama sa hindi ngunit lumamang ang tama..
Pero ito ako ay nagsimula nanamang nanginig ang mga tuhod ko at nanlamig ang mga palad ko sa kaba, lalo na ng tumambol nadin ang mga drums..
"1935 it's...... CORRECT!!!! CONGRATULATIONS MS. MA. NATALIA AUMBRE SALTAN FOR THE WINNING OF CHAMPIONSHIP IN THIS SMART QUIZ!!!" sabay lahad ng kamay sa harap ko ng mc.. sabayan mo pa ang paputok ng mga confetti sa kung saan..
Hindi makapaniwalang tumitig ako sa kamay nitong nakalahad at mukang ito narin mismo ang nakaramdam na hindi ko maigalaw ang mga kamay ko, kinuha niya iyon at na mismo ang nakipag shake hands saakin bago ako hinarap sa mga tao at inakbayan ang balikat ko..
"Wave them ms. Saltan" mahinang bulong ng mc, at wala sa sariling itinaas ang kaliwang kamay at tulalang winagayway iyon..
Marami ang nagsipalakpakan at nahihiyawan ngunit ang lahat ng iyon ay blanko lamang saakin..
Nabigyan na ng medal lahat lahat maging ang pagtatapos at ang pagtayo sa harap ko ni Janus ay hindi ko na inalintana..
"Hey? Are you okay? Kanina kapa tulala" bakas ang pag aalala sa boses nito..
"Anong ginagawa mo nanaman dito?" Pagbabaliwala ko sa tanong nito kanina, bakas na bakas na ang pinaghalong halong imusyon ni Janus at nangunguna doon ang sakit..
"I want to support you Aumbre" ito sabay huli sa mga kamay kong mahigpit na nakahawak sa palda ko..
Unti unting natibag ang pader na pilit kong binubuo sa puso ko..
Sa lahat ng tao pang maiisip kong makakasama ko sa ganito ay ang isang Janus pa..
"Sshhh.. I'm sorry.. uuwi na ako so stop crying my Aumbre" mahinang bulong nitong pag aalo sakin na kaakibat ang pighati sa boses nito..
Talaga bang ako ang taong gusto mo Janus?
Isa akong hamak na anak ng magsasaka at mas mahirap pa sa daga,walang paki alam sa kinabukasan, walang ayos sa sarili at walang pakielam sa paligid..
Janus...hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa iyo..
Pinagsamantalahan mo ako nuong una at pinagbantaan,hanggang sa nauwi ka sa ganito kalambing..
Saan ka sa dalawang yan Janus..
Kinabig pa ako nito palapit sakanya at niyakap.. nagsimulang humagulgol ako sa dibdib nito at hindi na pinigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit..
"Salamat... salamat" paulit ulit kong bulong habang patuloy na humahagulgol..
"God.. Aumbre.... I love you for damn much" nanggigil na bulong nito..
At natulala nalamang ako sa sunod nitong ginawa..
Janus kissed me..
BINABASA MO ANG
√The Person I love (La Isla Salvation#1)
Romance'The way you smiled, the more I want to prison you'