"Here" natigil ako sa pagsubo sa steak ko ng lagyan nanaman ni Janus ng gulay ang plato ko..
Hindi na ako nakatanggi ng yayain ako nito kumain sa labas lalo na at namamaga pa ang mga mata ko, baka makaramdam lang ng pagsisisi sila nanay at isipin na umiyak ako dahil hindi ito nakasama sakin..
"Diko mauubos iyan Janus" ako, kahit pa patuloy na sumusubo sa bawat putaheng binibigay o inaabot ni Janus..
Matamis na ngumiti si Janus at kinuha ang table napkin sa tabi ng plato nito at inabot ang labi ko upang mapunasan nito iyon..
"Janus gusto ko ng hipon... maraming hipon" anya ko dito na patuloy paring lumalamon sa nakahain.. natigilan ito maging ang ginawang pagpupunas sa gilid ng labi ko ay nahinto..
Inusenteng nag angat ako ng tingin sa kanya upang tignan ang mga mata nito..Nakita ko ang pinaghalong kaba, takot ngunit lamang na lamang ang pagkinang ng saya sa mga mata ni Janis sa di malamang kadahilanan..
Mabilis itong umayos ng upo at lumunok bago tumango..
"Anything you like my Aumbre" ito, bago nag tawag ng waiter at umorder..
Ng matapos kaming kumain o mas sabihing ako dahil dinaman masyado kumain ang binata dahil halos pinanuod lamang ako nito sa pagsubo at diko na pinapansin pa iyon ay talagang kahiya hiya na ng matauhan, lalo pa at naabutan kami ng hapon..
Naiilang kong binaling ang mga tingin sa ibang bagay ang mga mata ko habang inaayos ni Janus ang helmet sa ulo ko, hindi nagdala ng sasakyan ito bagkus ang pag aari nitong motor ang dala upang makasakay daw ako..
"Why?" Bulong nito ng mapansin siguro ang pagkailang ko..
"Sorry naubos ko ata pera mo sa kaka order ko Janus at ito ay nag take out kapa para kila inay at beth" nahihiyang pag amin sabay tingin sa supot na nakapatong sa upuan ng motor ni Janus..
Mahinang tumawa ang binata bago umiling kaya sakanya ako tumingin, sobrang lawak na ng pagkakangiti nito sa labi bago mahinang pinisil ang ilong ko..
"Halos wala pa sa 1/4 ng kinain mo ang nagastos natin Aumbre so don't worry, isa pa mom wants me to treat you" ito sabay kibit balikat pa..
"Even though she didn't need that, I have my own money anyway" ito, sabay muling ayos sa helmet ko, ng masigurado ay kinuha nito ang paper bag at mabilis ko namang inabot iyon upang ako ang magdala..
Tahimik na nag drive si Janus maging ako ay di na nangahas na magsalita..
Ng malapit na kami sa amin bigla nalamang huminto si Janus at itinabi ang motor..
Mabilis akong bumaba na siya ding ginawa ng binata at maingat na tinanggal ang suot na helmet..
"I want to spend more time to you Aumbre, so.." nahihiyang pag amin ng binata sabay sulyap sa paangat na kalye papunta saamin, na siya ding ginawa ko..
Tipid ko itong nginitian bago tumango, mabilis na kinuha nito ang buhat kong brown na paper bag at nauna ng naglakad ito, nagsimula narin akong maglakad habang may lihim na ngiti sa labi..
Mabilis kong sinabayan ang malalaking hakbang ng binata at mukang napansin ata nito kaya mabilis itong bumagal sa paglalakad..
"Congratulations again Aumbre" ito
Mabilis akong tumango at ngumiti ng matamis
"Salamat Janus, pati na sa libre nabusog mo ako" matamis na ngiti kong pasalamat dito..
Ngumisi ito habang umiiling..
"Cute" bulong nito..
"Huh?" Tanong ko dahil hindi ko narinig ang sinbi ng binata, hindi ito sumagot umiling lamang ito bago ginulo ang buhok ko at naglakad na muli..
Napanguso ako sa ginawa nito at mabilis na tumakbo upang habulin ito dahil lumalaki nanaman ang hakbang ng binata..
Malapit nakaming makarating sa bahay na parehas may mga ngiti sa labi.. ng maulinigan namin ang inay na nakatayo sa harap ng bakuran at nakatingin sa gawi namin bakas an pag aalala ngunit mabilis ding nawala ng makita kami..
"Inay!!" Sigaw ko dito sabay takbo..
"Aumbre stop running" saway ni Janus, hindi ko ito pinakinggan dahil excited akong ibalita kay inay ang nangyari sa pagkakapanalo ko..
"Inay! Nanalo ho ako" natutuwa at excited kong balita sakanya..
Mabilis bumuka ang mga braso ni nanay at mabilis kong dinalo iyon upang yakapin, naramdaman ko ang sobrang higpit ng pagakakayakap nito saakin..
"Proud na proud ang inay sa iyo anak" lambing nito saakin..
Mabilis nanubig ang mga mata ko ng dahan dahang hinaplos ni nanay ang buhok ko..
Mabilis kong binaon ang muka sa leeg nito at pigil ang sariling humikbi.."Proud ang nanay sayo anak ko.." bulong pa nito..
Ng mahismasan ay humiwalay ako kay nanay na may matamis na ngiti..
"Oh nay ang regalo ko ha.." pagbibiro ko dito..
Mahinang natawa sibnaany nanay at ginulo ang buhok ko bago sinabing pumasok na ako sa loob..
"Oo anak, nung nakaraan pa nandyan ang kaso napaka busy mo sa libro mo at kay Inday lang ang nabigay ko, hala sige pasok na at kakain na tayo" nanay..
Matamis akong tumango bago hinarap ang mga namumugay na ang mga mata ni Janus ng balingan ko ito..
"Paalam Janus, salamat ngayong araw, bukas ulit" paalam ko dito at papasok nasana kami ni nanay ng..
"Mr. Narcosmo salamat sa paghahatid sa anak ko, magiingat ho kayo sa pag uuwi" nanay..
"Wait mrs. Saltan.. c-can we talk?"
Ng matigilan kami sa sinabi ni Janus, bakas ang kaba sa boses ng binata, napatingin sakin si nanay at bigla nalamang sumenyas na pumasok na ako sa loob at maiiwan lamang sila ni Janus..
Mabilis naman akong tumango at sinunod ito, pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si Beth na tahimik na naghahain ng mga kanin sa lamesa..
"Beth tutulong ako" alok ko dito..
Natigilan si beth at sumulyap sakin, bago muling nagpatuloy sa ginagawa..
Ako ang naglagay ng mga plato at kutsara at tinidor maging mga baso ay ginawa ko na ng maamoy ko ang masangsang na amoy ng..Adobo!?
Mabilis kong tinakpan ang ilong at umatras sa lamesa..
Nakita kong kumunot ang noo ni beth pero nandoon sa mga mata ang pagtataka.."Bakit?" Beth..
Mabilis kong inilingan ang dilag bago umatras muli..
"Wala ba tayong ibang ulam beth?" Tanong ko dito..
"May piritong tilapya" sagot nito..
Dahil sa sinabi nito ay may bigla nalamang akong naalala..
"Ay oo! May binili nga pala si Janus para sa atin beth, tiyak magugustuhan mo iyon"s wala sa sarili kong anya..
Natigilan ako ng mapagtanto ang sinabi..
Tanga mo Natalia!
Seryosong tumingin ito sakin bago pinagpatuloy ang ginagawa..
"S-sige.. wait.. k-kukuhain ko lang..."
Anya sabay takbo papalabas..
Ng insaktong pagbukas ko ng pinto ay siya ding insakto ng sampalin ng nanay si Janus..
Hindi naman kalayuan ang gate sa pinto at hindi din ganun kataas ang gate kaya kita ko ang ginagawa nila, ang boses lang ng mga ito ang hindi mo maririnig pwera kung magsisigawan ang mga ito..
Pero ang mas nakakagulat pa ay ang mga masaganang luha ni nanay sa mga mata..
At ang takot at pagmamakaawa sa mga mata ni Janus..A-anong nangyayari!?
BINABASA MO ANG
√The Person I love (La Isla Salvation#1)
Romansa'The way you smiled, the more I want to prison you'