26

1K 42 5
                                    

"So the upcoming sports festival is near and I hope our section will be the winners for this year, ipasa nyo sa president nyo yung na pili nyong sport na sasalihan at kung sino ang mga sasali sa pageant so ms. President ikaw na bahala dito may time panaman kayo para mapag usapan so good bye class" miss Anna

Napapabuntong hininga akong tumayo at naglakad papunta sa harap, mabilis ding nagsipag ingayan ang mga kaklase ko,malamang tungkol sa anong sport ang sasalihan ang pinagkakaabalahan ng mga yan..
Ng makarating ako sa harap pumanhik ako paharap sa mga ito at ang kamao ko ay pinang dikdik ko sa desk para kuhain ang atensyon ng lahat..

"Iyon nga, tulad ng sinabi ni miss Anna pagusapan natin ang mga sasalihan nyo sa sport, simulan natin sa volleyball sino ang nagbabalak na sumali" tanong ko sa mga ito

May nagtaas ng kamay sa likodan at dito sa harap ko, pulos mga babae ang mga iyon at di aabot sa sampo ang mga nagtaas..

Tumango ako sa mga ito..

"Palista nalang ng mga names nyo Napoles sa isang 1/4, yung susunod volleyball para sa lalaki wala bang sasali?" Tanong ko sa mga ito..

Kita ang pag aalinlangan, nagkakamot sa mga sintido ng mga ito, napailing nalamang ako dahil sa mga reaksyon nilang lahat.

"Kaylangan nyong sumali kung hindi ay disqualified agad tayo boys, kaya kahit di kayo marunong please be cooperate, madadaan iyan sa practice may dalawang linggo pa tayo"

Kitang kita ang mga sulyapan ng mga lalaki sa isat isa at halos dina maipinta ang mga muka at ayun isa isang nagsipagtaasan ang mga ito ng mga kamay, nasa sampu ang mga ito kaya mabilis akong ngumisi at tumango..

"Sinong leader nyo? Isulat nyo din sa 1/4 tas bigay nyo sakin, ngayon ang socce-"

Hindi panga ako natatapos sa pagsasalita ay agad na nagsipagtaasan ang lahat ng mga lalaki ng kamay, naiiling kong tinignan ang mga ito.. at natatangong muli..

"Sige pasa nyo din sakin sa 1/4, settle na sa volleyball at soccer ang sunod ay track and field boys at girls din, 100 kilometro ang isa habang ang isa ay 50 kilometro, apat ang maglalaro sa 100 meters habang nag sa 50 ay isa lang so sino?"

May mga lalaki at babaeng nagsipag taasan ng mga kamay, tumango ako sa mga ito at nangingiti ng matamis dahil di na ako mahihirapan na pilitin ang mga babae sa track..

"Alam nyo nadin siguro ang gagawin 1/4 tas pasa nyo sakin, ang sunod ay ang badminton base sa sinabi sakin ng student council ay duo ang mglalaro one set nadaw iyon boys and girls so kaylangan ko ng boys and girls so sino sa inyo?" Mabilis akong humarap kay mabini na sa pinaka unahan nakaupo..
Biglang natutop nito ang sariling labi at bahagyang nanlaki ang mga mata..

"Ikaw mabini sa babae alam kong magaling sa larong ito" anya kupa dito..

"Ahm.. saltan required ba ang mga varsity sa ganyan?" Tanong nito na ikinatigil ko at nagisip.. wala namang naisabi samin na bawa-

"Bakla walang varsity ang sasali sa sports nila ha, kaylangan ibang track ang salihan ng mga iyan"
Ng maalala ko ang sinabi ni David kanina ng maihatid ako nito sa room, natawa panga ako kasi feel kong ako ang pinariringgan

Mabilis ngumiwe ang labi ko at ako naman ang nakakamot sa sentido at tumango..

"Bawal ang varsity sa mga track nila kaylangan mamili ng ibang sports so sino?"

Nagtaas ng kamay si Peach na ikinangiti ko dahil kitang kita ang nangangamatis nitong pisngi, mabilis ko itong tinanguan at tumingin sa mga boys, ng magtatanong palang ako ay mabilis ng nagsipagtaasan ng mga kamay ang mga ito..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon