42

818 47 9
                                    

malakas na humahampas ang malakas na hangin sa aking muka dahil sa matulin na pagpapatakbo ng sasakyang pampasahero..

Madaling araw na at mamaya nga lang ay makakarating na kami sa La Isla Salvation..

"Mama" naalipungatan si Dalia sa mahimbing na pagkakatulog sa mga binti ko, dahan dahang itong umupo at kinukusot ang mga mata..

Nakangiting hinaplos ko ang malambot na buhok ng anak..

"Bakit?" Tanong sa anak kong halatang inaantok pa..

"Malapit na ho ba tayo?" Dalia..

Hinalikan ko ang noo nito bago iginaya pahigang muli sa mga kandungan ko..

"Medyo malayo pa anak, kaya matulog ka muna at gigisingin nalamang kita kapag malapit na tayo." Tanging sagot sa anak..

Tinanaw kong muli ang madilim na labas at napapaisip sa ano mang mangyayari pagdating sa la isla.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga kapit bahay namin kapag nakita nila ako? Sila ate bibi kaya kamusta na? Sila kuya Raul at ang pasaway na si Razel!? Si lenlen? Mikmik?

Napatingin ako sa natutulog na muling anak at hinaplos muli ang buhok nito.

Pagak akong napangiti ng pumasok sa utak ko ang mga Narcosomo..

Lalo na ang tatay nito..

Tiyak sa loob ng sampung taon ay kasal na ito, kamusta nadin kaya ang taong iyon? May pamilya na rin siguro at masayang namumuhay sa kung saan..

Parang nilumos ang puso ko sa sakit ng maisip na masaya itong namumuhay kasama ang mga anak samantalang ang anak kong si Dalia ay..

Tinitigan ang anak at inisip ang mga panahong lumaking walang kasamang ama si Dalia..
Pumatak ang isang luha ko ng maalala ang unang salitang lumabas sa bibig ni Dalia..






"Naty! Naty! Nasaan kaba!!!" Natatarantang tawag sakin ni Beth, nakaramdam ako ng takot dahil ng matanaw ko ito ay buhat buhat nito ang anak kong mukang masaya sa ginagawang pagtakbo ng pinsan..

"A-anong nangyari!?" Pag aalala kong tanong, nasa labas kasi ako at nagpakain sa alagang biik ni nanay..

Umiiyak itong ibinulandra sa harap ang anak ko..

"A-ang pamangkin ko n-nagsasalita na" madamdaming balita nito, hindi ko ding naiwasang maluha dahil sa ibinaluta nito..

Mabilis kong kinuha sa mga kamay nito ang anak at masayang hinarap..

"Dalia.. say mama" anya ng pinsan..

Inusenteng sumulyap ang anak sa tita bago humalkhak na tumingin sakin.. inaabot pa nito ang ilong ko at napapalakpak pa..

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon